Kabanata 18

35 5 0
                                    


Memories


"ANONG ginagawa natin dito?" tanong ko habang sumusunod kay Elvira. Hindi siya dumiretso sa main entrance ng malaking building na nagngangalang Cosmos. Sa halip ay sa gilid kami dumaan. Tanging kuliglig lamang ang naririnig ko sa paligid pati na rin ang pagkadurog ng mga tuyong dahon na aming naaapakan.

"We're here," gunita ni Elvira. Nandito pa rin kami sa gilid ng building. Gubat ang nasa likod nito at ang pinakamalapit na establisyemento ay nasa dalawampung metro pa ang layo mula rito.

Napaatras ako nang kumapit si Elvira sa isang rope ladder at nang sundan ko ito ng tingin ay halos lumuwa ang mata ko nang makitang ang hangganan nito ay sa bintana ng ika-apat na palapag.

"Y-you're kidding . . ." wika ko at napaatras pa ng isang beses.

Dumako sa akin ang tingin ni Elvira na halatang expert na sa pag-akyat dito at humawak pa sa baywang na parang isang supermodel habang nakahawak sa hagdan ang kanang kamay. "I kid you not," tipid niyang sambit at muling nagpatuloy sa pag-akyat.

"Elvira hindi ko kayang umakyat! Baka mahulog ako, walang harness!" reklamo ko ngunit hindi niya ako pinansin. Nakarating siya kaagad sa ika-apat na palapag kung saan nakasabit ang rope ladder at pumasok doon gamit ang nakabukas na bintana.

Handa na sana akong umalis para bumalik sa House of Louna nang biglang bumagsak sa harap ko ang isang makapal na lubid na galing sa taas. Hawak ito ni Elvira at bored na bored siyang nakatingin sa akin.

Sorry naman. Hindi naman kasi kami tunuturuan sa orphanage kung paano maging akyat-bahay!

Sa huli ay wala rin akong nagawa kundi ang itali ang lubid sa baywang ko at magsimulang umakyat sa rope ladder. Nanginginig ang katawan ko sa kaba sa bawat hakbang ko pataas ay pinipilit ko ang aking sarili na huwag tumingin sa baba. Pero sa tuwing napapatingin naman ako sa taas kung nasaan naghihintay si Elvira ay pinipilit kong tatagan ang sarili dahil sigurado akong iniisip niya napakahina ko naman at simpleng pag-akyat sa hagdan ay halos mawalan na ako ng malay.



Ligtas akong nakarating sa bintana ng fourth floor at nang tangkain kong kumapit sa braso ni Elvira para humingi ng alalay sa pagbaba ay umatras siya kaya naman dumiretso ang katawan ko sa sahig.

Shuta.

Narinig ko ang mga yabag ni Elvira papalayo kaya naman pinilit kong tumayo kahit ang sakit ng katawan ko dahil mahigit isang metro yata ang taas ng bintana mula sa sahig na kinabagsakan ko.

Ngunit nang mag-angat ako ng tingin sa paligid ay halos malaglag ang panga ko sa bumungad sa akin.

Ang ganda!

It's a library filled with huge bookshelves containing hardbound books. May mga roman numerals per bookshelf at may maliliit na chandelier sa itaas na nagbibigay ng liwanag sa paligid. Pinaglandas ko ang aking mga daliri sa bawat librong nadaraanan ko habang sinusundan si Elvira. Mas lalo pa akong namangha nang makarating kami sa dulo ng silid kung nasaan ang isang malaking globo at sa itaas nito ay naroon ang pinakamalaking chandelier dito sa library. Sa likod ng globo ay naroon ang isang malaking libro na nakapatong sa isang lectern. Sa likod naman nito— sa pader ay nakasabit ang isang binurdang mapa ng Hemaiem.

"Whoa, Elvira ang ganda dito," hindi napigilang isatinig ang paghanga ko sa lugar.

Elvira nodded. "I know. This is my most favorite place," she said.

RESETWhere stories live. Discover now