Chapter 41

113K 801 100
                                    

CHAPTER 41

KATH’S POV

Saktong 6am ng magising ako. Mabigat pa ang katawan ko pero I need to wake up na. Madami dami pa akong tatapusin ngayon at marami akong meeting na aatendan dahil wala si Daddy. Pinilit kong imulat ang mga mata ko at nakita ko ang note sa may side table namin.

I open it and read it.

“Hi Honey. I have a busy day today pero alam mong hindi ko makakalimutang I remind ka time to time. Be a good wife please….don’t kill me sa pagaalala.. I LOVE YOU. I LOVE YOU. I LOVE YOU”

Yon ang sabi sa note. Iba talaga tong asawa ko pagnapagbibigyan eh, napaparami ang I love you. Para gumaan gaan ang feeling ko ay naligo na muna ako at bumaba na para magalmusal.

Naabutan kong hinahanda ni Ate Lorna at Manang Lits ang almusal ko at baon.

“Good morning Te Lorns” sabi ko at umupo na ako. Mainit na gatas sa umaga, pancakes, fruits, rice, eggs and loaves. Ate Lorna is preaparing a vegetable salad for me. Gulp.

“Te Lorns, si Dj what time umalis? Hindi ko na naramdaman eh” sabi ko.

“Mga 3: 00 am ata o 2: 30. Sobrang aga nga eh” sabi niya. “Grabe ang aga pala niyang umalis tapos ang kulit kulit pa kagabi” sabi ko. nakita kong parang nagkatinginan sila ni Manang Lits tapos nagngitian. “Ito si Ate Lorns”

“O bakit???” sabi niya.

“Ewan ko sayo…” sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

“Ah Kath diba bukas na ang first check up mo?” tanong niya.

“Oo”

“Sang Hospital ka?”

“Sa St. Mary’s”

“Diba may hospital yung pinsan mong si Althea?”

“Oo pero wala kasi siya nasa Hawaii pa, tapos si Tita Moira naman nasa seminar sa Singapore. Pero si Tita Moi naman ang nagrefer sa akin kay Doc Annie” sabi ko.

“So sinong kasama mo bukas?”

“Si Deej”

“Huh?! Eh nakita ko sched nun huh, black out” tapos na niyang ipack ang pagkain ko. she pulled out a  chair at humarap sa akin. “Eh sabi niya siya eh. Alam mo naman yun pag sinabi, sinabi” sabi ko. napatango na lang siya.

We all know Daniel. Ayaw niyang pinangungunahan siya sa mga desisyon niya kahit na para rin naman sa kanya pero ayaw niya pa rin. Kagaya nga lang nung sa Team Building, eh mapapagod lang din naman siya ng sobra kaya hindi na pinasasama pero ayun ang tigas ng ulo. Ang gusto ay gusto.

“Chandria, naglagay din ako ng pagkain para kay Kylie. Sabi ni Dj, nasa opisina raw yon mamaya” sabi niya.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon