CHAPTER 25

123K 927 102
                                    

Ang tagal ba sobra??? Well....medyo busy kasi ako. PEro ito medyo hinabaan ko. Nangungulila pa rin ako sa nawawla kong phone pero alam mo yung mas malakas yung feelings na KVness hatid ng Kathniel kaya hindi ako nalulungkot nang masyado??

Anyways, thank you sa nakakilala kay akosilenpot. Yung mga nameet ko sa ministop. NICE MEETING YOU GUYS!. Mahiyain kasi ako ng konti. Hehehe....pero dun sa mga hindi nakapunta ng Royal Fair, guys sinsabi ko sa inyo..don't miss yung mga susunod pa dahil talagang grabe ang kiligan don. Sa mga Kadreamers na nakatabi namin, the best kayo!

 

 

KATHNIEL FTW!

 

CHAPTER 25

KATH’S POV

Nagising ako sa five o’clock alarm ko. babaling ako sa kabila ng mapansin kong wala na akong katabi. Oo nga pala, maaga ang appointment niya ngayong araw, alas dos pa lang ata ay umalis na siya. Patayo ako ng may mapansin akong sulat sa tabi ko.

Kamahalan,

Sorry kung medyo maaga ang alis ko, out-of-town kasi, hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka at maaga pa ang pasok mo.

Eat. Yun lang ang gusto kong tandaan mo. Binilinan ko na rin ang sekretarya mo at si Ate Lorna na imonitor ang pagkain mo. See you later…..let’s have dinner together.

I love you and I love you.

You’re almost perfect Husband.

Napangiti ako. I kissed the letter at itinabi iyon.

Madali akong nagbihis. Isinuot ko ang isang tube cut dress na above the knee ang haba. Wala naman si Daniel kaya siguro pwede naman tong suot ko. Papatungan ko na lang ng isang puting blazer para hindi naman ganoon ka revealing.

Palabas ako ng kwarto ng makasalubong ko si Ate Lorns. Natigilan siya sa suot ko.

“Wow....chix” sabi niya. Ngumiti ako. “May approval ba ng asawa mo ang suot mo?” tanong niya.

Nilapitan ko sila Kads. “Wala….wala naman siya eh” sabi ko habang hinaharot ang dalawa kong babies.

“Naku ka! Tigas ulo ka talaga” sabi niya. Kahit kelan talaga tong si Ate Lorna, mas loyal pa kay DJ kesa sa akin.

“Hindi mo naman ako isusumbong diba? Mamayang gabi pa uwi non. Tsaka kailangan kong maging maganda, may bago kaming prospect na investor” sabi ko.

Napapailing siya. “Kaw rin….bahala ka diyan” Sabi niya.

I kissed Bella and Kads goodbye. Kinuha ko ang susi ng kotse ko. Malamang, makakapagdrive na ako dahil wala naman siya. Palabas ako ng biglang bumaba si Kuya Jonjon mula sa kotse.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon