Chapter 17

129K 1.2K 147
                                    



CHAPTER 17

DECEMBER 24!!!! MERRY CHRISTMAS EVERYONE!!!

KATH’S POV

Pagyakap ko sa gilid ko ay wala na akong maramdamang lalake sa tabi ko. Pinilit kong iminulat ang mata ko. I look around, wala na nga si DJ. Pinilit kong bumangon at I put on my robe. Sumilip ako sa pintunan ng kwartong makita ng busy na ang lahat para sa preparation. Bumalik ako para magayos ng sarili.

Ng makapagayos ako’y bumaba na ako. Dumirecho ako sa kusina at nakita kong naroon sila Mamita, Ate Sophie at Ate Amy, katulong nila si Ate Lorna at Yaya Meding sa pagprepare ng pagkain mamaya.

“Hi Kath, good morning” bati ni Ate Sophie.

“Hi Te Sophie…” Lumapit ako sa kanya at nagbeso. Pati kina Mamita at Ate Amy ay ganoon din ang ginawa ko. Umupo ako sa upuan sa dining at humarap kay Ate Lorns.

“Te Lorns, sila Kad??”

“Ahm na kay Daniel, kasama pati ang mga bata” sabi niya. Tumango ako. “Ipaghain kita?” tanong pa niya.

“Sure…si Dj kumain na ba?” tanong ko.

“Hindi pa yata eh, sabi kasi kanina aantayin ka” sagot niya. “Sige lalabas na muna ako, pahanda na lang nung food” sabi ko at lumabas na ako.

Paglabas ko ay kitang kita ko kung gaano kaenjoy si Dj sa pakikipaglaro ng basketball kina Matt at Kyle. Si Kylie naman ay nasa may side lang at pinanonood sila habang katabi sila Kad at Bella. Parang mga cheerers sa gilid. I smiled.

Palapit na ako ng mapansin ako ni Dj.

“This is for Tita Kath” sabi niya habang hawak ang bola. “Hi Tita” bati ng mga bata sa akin. “Hi Kids” I greeted them back.

“Tita Kath…that’s for you daw sabi ni Tito Honey” sabi naman ni Kylie na nakaupo pa rin. Lumapit ako sa kanya.

“Let’s see kung mashooshoot ni Tito” sabi ko at inantay na ishoot ni Dj ang bola.

Dribble

…dribble….

pose…

and throw!!!

Shoot!

Napapalakpak si Kylie. Pati sila Matt ay nakipag apir pa kay Dj. Si Dj naman, ayun may pakindat kindat pa and he gave me the killer half smile. Parang sira.

“Hon, di ka pa daw nagalmusal” sabi ko nung lumapit siya sa akin at hinayaang maglaro sila Kyle.

“Yeah..I am waiting for you…”

“Kain na tayo…palabas na lang natin kay Ate Lorns ang pagkain” sabi ko.

He gave me a smile. I just rolled my eyes.

Kasalo namin sila Kylie habang kumakain sa labas.

“Tito, excited na ako to open my gifts dun Christmas Tree” sabi ni Matt.

“Ako din Tito” si Kyle.

“Good…” sabi ni DJ. Nagkatinginan kami ng hindi nakisagot si Kylie. “How about you little Princess??” tanong ni Dj.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon