Chapter 70

93.3K 825 102
                                    

GUSTO KO PONG BUMAWI SA INYONG LAHAT.  SA LAHAT NG NAIYAK, NAINIS, NAGALIT AT SUMUKA NG DUGO SA NAKALIPAS NA CHAPTER AY NAWA MAPATUMBLING KAYO SA KILIG NGAYON.

MAHAL KO KAYO.

Chapter 70

KATH’S POV

7:00 PM ang usapan para pumunta sa restaurant. 5:30 pa lang ay naghahanda na ako, I texted Dj na hihintayin ko na lang siya sa bahay at sabay na lang kaming pumunta and he said YES.

Pina-curl ko ang buhok ko at isinuot na ang damit na binili ko. “You look so beautiful” sabi ni Ate Amy. Dumaan na muna sila then nagpaalam na rin na mauuna na sa vanue kanina.

6:00 PM. I am ready. Everything is okay. My dress, my make up…everything. Pero iisa na lang ang wala pa, si Dj. Alam mo yung 30 minutes na lang ay malalate ka na sa dinner ng buo niyong pamilya pero si Dj wala pa? Padabog akong umupo sa sofa.

Naoover use ko na ang wrist watch ko. Bakit wala pa siya? Nag text na ako at tumawag pero hindi niya sinasagot. Alam mo yung excited ka kanina tapos ngayon parang pinapanalangin ko na lang na panaginip na lang at sana magising na ako?

“Birthday na birthday nakasimangot ka” biglang sulpot ni Ate Lorna. Nakatulala lang ako. I am avoiding to cry….ayoko masisira ang make-up ko.

“Kathryn….”

“Wala pa siya.”

“Nagpromise sya diba?” I know she’s trying to lift my spirit up. 

“Oo…kaya nga natatakot ako eh…kasi nagpromise na naman siya. He’s no longer the Dj na nakilala natin dati…busy na siya ngayon” matamlay kong sabi. Nagegets naman niya siguro ang point ko.

“Bakit kasi umaasa pa ako? Hindi na ako natuto”

“Kath…”she rubs my back.

“HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” nagulat kami ni Ate Lorna ng biglang sumulpot sila Seth sa may pinto. SERENITY without Dj. Alam mo yung nageemote ka tapos may sisigaw ng ganon? Parang mas nakakainis.

“Anong ginagawa niyo dito?”

“Grabe naman…sinusundo ka namin” sabi ni Katsumi. Parang naooffend siya sa tanong ko.  “Bakit??” tanong ko ulit. Nagpaalam na muna si Ate Lorna na iiwan kami. “Sige Te Lorna” paalam pa ni Niel sabay kindat.

“Anong bakit Kath? Alam mo bang napakaswerte mo na ang SERENITY pa ang susundo sa’yo? Samantalang madaming babaeng kahit “hi” lang mula sa amin ay kinikilig na?” si Lester. Umupo siya sa tabi ko.

“Ganun? Sorry hindi ako yung madaming babae na sinasabi niyo” mapakla kong sagot.

“Ate Kath naman eh” si Jc.

“May driver ako, pwede naman kayong mauna don” sabi ko.

“Tara na…sinusundo ka nga namin eh” sabi ni Jc at hinawakan ang kamay ko. napatayo ako.

“Inutos niya ba to?” wala na talaga ako sa mood. Parang alam ko na ang mangyayari, it’s either ma-late siya mamaya o tatawag siyang hindi na siya makakapunta.

“Alam mo naman yung asawa mo, takot na takot na may ibang sumundo sayo” sabi ni Seth. “Eh di sana tinutupad niya yung pinagusapan namin”

Lahat sila natameme. “Sige na mauna na kayo….” Pagtataboy ko sa kanila. “Ayaw namin…nakasimangot ka pa eh” sabi ni Niel. Nagulat ako ng magtinginginan sila at sumigaw ng “GROUP HUG” .

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon