CHAPTER 61

100K 867 334
                                    

CHAPTER 61

KATH’S POV

Nakasimangot pa rin si Dj nung nasa mesa na kami para kumain ng almusal. “ Honey, para kang bata” sabi ko.

“Akala ko magagawa na natin dito yung hindi natin magawa sa bahay” sabi niya.

“What?” pasimpleng sigaw ko dahil nasa iisang mesa lang kami nila Daddy. “Yung makapagusap. Kaw talaga ang dumi ng isip mo” sabi niya.

“Che! Ako pa ang madumi ang isip?”

“Syempre parehas tayo” sabi niya at parang nanalolokong tumatawa.

Kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast ng magtext sila Julia na nadelay ang flight nila ng mga 2 hours. Badtrip na badtrip na nga eh. Sila Kuya Karl naman kasama sila Kuya Ken ay baka mamayang hapon pa daw. Si Doc Annie naman daw ay baka bukas pa.

Pagkatapos naming kumain ay konting pahinga lang at nagsimula na ang mga physical activities. Sayang talaga, hindi man lang ako makakasali.

Nagpalit na kami ni Dj ng damit and he allowed me to wear white bohemian dress. Nasa beach na ang mga employees at kasalukuyang naglalaro na. Dom is one of the judges ng game para maging fair. It’s a 5 challenge relay at sobrang nakakatuwa lahat dahil everyone is very competitive.

“I hope na kasali ako diyan” sabi ko.

“Ikaw?? Sa GPM nga halos parang ayaw mong magasgasan eh tapos sasali ka pa diyan?” hindi makapaniwalang sabi ni Dj. May mga paggapang kasing nangyayari at yung hanapan ng coins sa flour.

“Syempre Honey nagmattured naman na ako ng kahit na konti”

“Siguro”

Kinurot ko siya sa tagiliran. “Wala kang kabilib bilib sa akin huh…”

Lumipat kami sa sling shot. Naguunahan na ang bawat grupo. “Can I try?” tanong ko sa isang player.

“Honey nagmamadali siya…pampatagal ka lang eh” sabi ni DJ. “Okay lang po sir” sabi ng isa naming empleyadong lalake.

Inabot nya sa akin ang tirador. You need to shot the mineral bottle na nakatayo mga 2 meters away using the marble.

“Paano to?” tanong ko dun sa empleyado na based sa name tag niya ay CJ. CJ will going to help me na nung biglang umentra na ang seloso kong asawa. “Ako na nga magtuturo sayo” sabi niya at hinawakan ang dalawa kong kamay. Hinila namin yung parang may goma na may lamang marble then we released it nung hindi na mahila pa.

I can feel Dj’s body behind my back. “Hihilahin mo lang to ng masyado” sabi niya. His breath….

“Kaya ko na” sabi ko at ginaya yung ginawa namin kanina. For the first attempt eh parang nalaglag lang yung marble sa paahan ko pero nun second try eh natamaan ko naman yung bottle pero hindi ko napatumba so I give it up na. Baka yon pa ang ikatalo nila Cj, nakakahiya naman.

Sobrang exciting lahat ng mga games. Kung hindi lang ako buntis baka sumali na ako sa sack race. Dahil sa relay ito ay naguumpisa ang lahat sa sack race then after the group completed it, next naman yung hanapan ng coin sa isang basin ng slime then next yung sling shots then unlocking the padlocks by finding the keys sa pool then human letters na nagspell sa BERCORP. Yun yung last.

“Kath ayaw mong sumali?” tanong ni Dom. Nagulat ako nung nasa likod na namin siya nung pinanonood na namin ang iba pang mga teams.

“Kung pwede lang eh” sabi ko. “Sila Nie?” tanong ko. “Nasa room yata. Medyo sumakit yung ulo eh”

“Ow…may paracetamol ako sa bag. Nakainom na ba siya ng gamot?”

“I’m not sure” sagot lang niya. “Ganun?” sabi ko at kinuha ko ang phone ko at i-dialled Ate Lorna’s number.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon