CHAPTER 80

89.1K 787 191
                                    

CHAPTER 80

KATH’S POV

Pagdating ng Lunes ay natanggap na namin ang mabuting balita from our attorney, sabi niya hindi daw masusupend ang license namin kaya nakahinga na ako ng maluwag. Halos wala na nga akong tulog dahil sa kakaisip nito. Kanina dumaan si Dj bago pumunta sa location ng taping niya. Pareho kaming busy this week pero mas okay na kasi napapadalas na ulit ang tawagan namin. Mag-aalas syete na ng gabi pero wala pang bakas na pwede kaming umuwi. I have so many things to do pa.

“Sheila, si Dom ba andyan na?”

 Tanong ko kay Shiela. Hinatid kasi nito si Cheska sa airport kanina. Hindi naman nasabi kung bakit aalis na.

“Wala pa po Ma’am” sabi nito.

“Pakisabi na lang kung andyan na siya”

“Okay po”  sabi nito at binaba ko na ang phone.

Pagkababa ko pa lang ng phone ay tumutunog naman ang cellphone ko, akala ko si Dj, hindi pala…it’s Kiray.

“Kath, where are you?”

“At the office”

“Check your twitter” sabi niya.

Hindi na ako nagatubili. Naglog in ako. Parang mas matindi pa sa nasunog na mall ang balitang kumakalat ngayon sa twitter…….

Sa picture na to, parang ako yung dahilan kung bakit nabasa si Patrisha.“Kath, nakita mo?” tanong ni Kiray sa kabilang linya.

“I saw it….”

“The nerve!!!”

“Kiray, I – I call you later” sabi ko at nabitawan ko ang telepono.

Sa picture na to, halatang naghahanap siya ng kakampi….now it was all clear to me…I am sure……DASHER is PATRISHA!

DANIEL’S POV

Umagang umaga, picture ni Patrisha with my wife ang nakita naming kumakalat sa net. Nasabi na ni Kath to sa akin kaya alam kong mali lang ang tingin nila sa picture na to. Yes, pagtiningnan mo yung picture makikita mong parang si Kath ang bumasa kay Patrisha pero iba ang kwento ni Kath at naniniwala ako sa kanya.

“Ano na naman to?” nasapo ko ang ulo ko. Nadatnan kong natutulog na si Kath kagabi, pero alam na kaya niya to???

“Paninira……halata naman eh” sabi ni Ate Osang.

“Bakit ba nila pinagiinitan ang asawa ko? Sino nagtweet nito?”

“Si Dasher daw” sagot ni Ate Osang. “Si Dasher? Finofollow ko yon eh, wala namang tweet” sabi ni Kuya Mark.

“Pinarami mo pa followers non?” naiinis kong sabi.

“Hindi, para updated lang ako sa mga banat niya…” sagot niya.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon