Chapter 43

110K 859 116
                                    

CHAPTER 43

KATH’S POV

Alam kong maga ang mata ko, hindi ko alam kung anong oras umuwi si Dj o kung umuwi pa ba siya. I am not feeling well, hindi ko alam kung talagang masama ang pakiramdam ko o dahil lang to sa pageemo ko kagabi. Patayo na ako ng makaramdam ako ng pagsusuka. Suot ang isang malaking t-shirt ni Dj ay patakbo akong pumunta sa CR.

Ito ang ayaw ko eh. Morning sickness. Nahihilo ka tapos parang gusto mo lang humilata. Paglabas ko ng CR ay don ko pa lang nakita ang card at isang boquet ng flowers. Halos hindi ko na siya nakita. Anong oras kaya siya umuwi at umalis??

Mabigat akong umupo sa kama at binuksan ang card na nakadikit sa isang boquet ng tulips. “Hi Honey…hindi na kita inistorbo dahil ayokong mapuyat din si Baby. I’m always thinking of you and baby. I love you so much, your most worried husband – Mr. Padilla”

Bumalik yung inis ko. Always thinking of me? and baby pero nalimutan mo ang importanteng araw na to?! Binilugan ko pa sa calendar tapos wala lang? pinunasan ko ang luha ko pero parang gripo ang mata ko. Nakakainis!

“Kath?” tawag ni Ate Lorna mula sa labas. 6:00 am pa lang naman, siguro pwede na akong magpasama kay Ate Sophie kasi 1:00 pm pa naman ang class ni Matthew. Hindi kasi pwedeng si Ate Lorna dahil mas nerbyosa pa yon sa akin.

“Yes?” garalgal ang boses ko.

She opened the door at nagtatakang lumapit sa akin. “O napano ka? May masakit ba sayo? May nararamdaman ka bang kakaiba huh? Ano??” ito na naman siya.

“Wala” sabi ko.

“Eh bakit ka umiiyak??”

“Basta…may almusal na ba?”

“Meron na…pero Kath –

“Okay lang ako” sabi ko at nauna ng bumaba sa dining. Hindi ko mapigil ang sarili ko sa pagiyak. Ewan ko ba, basta naiiyak ako. pinagtitinginan lang ako ni Ate Lorna at Manang Lits. Ayaw na nilang mangusisa dahil feeling ko sasabog talaga ako.

“Te Lorna, mga 7:00 tawagan mo si Ate Sophie huh” sabi ko at bumalik na ako sa kwarto pagkatapos kong kumain. I checked my phone kung nagreply ba sya sa last kong text pero wala din.  Ganun Mr. Padilla??? Ganito na lang ??? Bahala ka!

DANIEL’S POV

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon