CHAPTER 90

53.7K 730 160
                                    

CHAPTER 90

DJ’S POV

Kinaumagahan ay nagpasya na kaming umuwi. Sabi  kasi ni Kath ay may kailangan siyang gawin sa Brews.

“Magingat sa pagdidrive Dj” sabi ni Mama at pinaandar ko na ang sasakyan. After naming magdinner maaga siyang natulog tapos ngayon nakatulala siya sa may bintana. Ilang beses ko mang tanungin si Kath kung okay lang siya, lagi lang din naman siyang sasagot na okay lang siya. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakahalata pero parang may iba sa kanya.

“Just tell me kung nagugutom ka para ihinto ko pag may nakita akong mabibilhan ng pagkain” sabi ko at tumango siya.

“Iniisip mo yung case?”

Umiling siya. “Bit sleepy” matipid niyang sagot.

“Go. Sleep. Gigisingin kita pag nasa bahay na tayo” sabi ko.

Maya maya ay pumikit na siya.  I know there’s something wrong…nararamdaman ko yon….kung about sa case ito sana sabihin niya kasi mas nahihirapan ako pagnakikita ko siyang nagkakaganito.

After 2-hour drive ay narating na rin namin ang bahay ng Dad niya. We decided na dito na muna umuwi dahil nakaschedule ang flight ko bukas pabalik ng Europe.

Binitbit ko papasok ang mga gamit namin ni Kath hanggang sa kwarto namin.

“Pupunta ka na sa SBN?” tanong niya sa akin.

“Oo, may meeting kasi kami para sa pagreresume ng shows namin”

Umupo siya sa kama. “Makakasabay ka ba sa lunch?”

“I’ll text you”

Tumango siya.

“Wag ka na munang lumabas, You don’t look okay….magpahinga ka na muna dito” sabi ko sa kanya at dinampian ng halik ang labi niya.

She smiled.

“Bye” sabi niya at lumabas na ako ng bahay.

KATHRYN’S POV

A day after umalis ni Dj pabalik ng Europe ay nagkitakita kami ng Charms sa Brews. It is two weeks before the hearing.

“Ang lakas talaga nila Patrisha no? Kahit may order na from the court e nakalabas pa rin siya ng bansa” sabi ni Yen habang hinahalo ang kape niya.

“Napanood niyo ba yung last interview niya before siya umalis?” tanong ni Kiray.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon