CHAPTER 64

101K 988 700
                                    

CHAPTER 64


KATHRYN’S POV

Wala na si Dj ng gumising ako pero as always may note siya na mamaya ay susunduin niya ako kasi ngayon na yung premiere night ng teleserye niya. Ipapakita yung first 10 episodes nila. I texted Kiray at yung iba pa na magkitakita na lang kami sa venue. Serenity will be there also to support DJ.

I have a very busy day today, dahil two days lang naman kaming wala so two days ding tengga ang mga trabaho. Ang dami kong hinahabol na deadlines para sa mga reports ng Company, I need to finalize some proposals, meeting with the board and clients. Whew!

Maaga pa lang ay nasa office na ako. Don ko na rin kinain ang almusal ko dahil feeling ko kulang na kulang ang isang buong araw para sa lahat ng obligasyon ko.

“Are you done?” pumasok si Dom sa office ko. “Almost” sabi ko pero nakatingin pa rin sa monitor ng laptop ko. Dala niya ang laptop niya at umupo sa harapang upuan. Mas madali kung magkaharap kaming magtrabaho at least mas madali kong maconfirm yung mga info from him.

Actually hindi ko talaga alam kung kaya ko bang iwan ang company. Bukod sa ito lang yung request ni Dad from the very start eh minahal ko na talaga ito. Ang company na yung naging proof ng kung gaano ko kamahal ang pamilya ko. Syempre hindi madaling magpatakbo ng malaking kompanya katulad nito pero wala naman na akong magagawa eh, amin ang kompanya so dapat miski isa sa amin ang magpatakbo nito. At ako nga yon.

“One down” sabi ni Dom ng paglabas namin ng board meeting. Nagsmile lang ako. Pagpasok ko sa office ay ayos na ang lunch ko sa table ko. Pati si Shiela ay busy. Malapit na kasi ang end ng fiscal year ng mga distributors so lahat kami ay nagmamadali na matapos ang lahat ng reports ngayon. Ngayon pa talaga!

After lunch ay dumating na rin yung mga client para sa meeting namin. dumirecho na kami ni Dom sa conference room.

Dad will be in China for two months. May aattendan siyang summit. Dapat kasi ako pero nga dahil sa kalagayan ko ay nagprisinta na lang si Dad na siya ang pupunta. Ang summit is for the expansion of BerCorp. We will go international na rin at syempre with the help of Dom yon.

Akalain mong it’s getting dark na pero parang wala pang balak matapos ang meeting namin. My God…pano na yung premiere night ng asawa ko???

Hindi ako pwedeng umalis dito para pumunta don. You just can’t go ng hindi pa tapos ang obligation mo para magawa yug isa pa, ganun ka-complicated ang oras minsan. Hindi na ako mapakali sa pagvibrate yung phone ko. it’s Dj reminding me na by 7 ay susunduin niya ako.

Patuloy sa pagsasalita ang isang client sa harap pero yung utak ko ang naiisip eh bakit ang bilis bilis ng oras. Nagtext na rin sila Kiray. Nagpaalam na muna ako to make a call. 6 PM na at I need to inform Dj na nasa meeting pa ako.

“Hon”

“Are you ready?” tanong niya.

“Not yet. Still here at the office..currently having a meeting eh”

“Owwww” parang bumaba yung tono ng boses niya. “So what’s the plan?” he asked.

“Susunod na lang ako. Kasabay ko sila Kiray”

“Okay. ..but let Kuya Jonjon drive for you. Wag kang magpakapagod diyan huh” sabi niya. “Okay”

“I love you. See you later”

“I love you too”  at pinatay ko na ang phone at bumalik sa meeting.



LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon