CHAPTER 32

117K 934 242
                                    

I dedicated this chapter to one of the admins ng Loving you for no reason behind the storyline page! Jimz!!! Girl, thanks for all the support :)

I love you all and you know it!

I'll always be your ate len :)



CHAPTER 32


KATH’S POV


Kung nung hindi pa namin alam na buntis ako ay sobrang higpit ni Dj pagdating sa pagkain ko, ngayong buntis ako ay mas lalo siyang humigpit.

May taping sila ngayon sa may Pampanga kaya gabi na siya makakauwi at ang aga niyang umalis. Pagtingin ko sa side table ay may isang note doon. Alam ko na…listahan to.

Honey,

Please don’t forget all the things that the Doctor had told you pati na rin yung bilin ko.

Bilin?? Commandments kaya yung sinabi niya kagabi.

I informed everyone to look after you…wag kang makulit please.

Please text me pag nay naramdaman kang kahit na ano.

Honey…please sundin mo lahat huh? Please??

Your Concerned Handsome Husband

 

Ano ba to puro please?? Parang gusto kong tumawa. Tumingin ako sa oras. Maalas otso na pero wala pa akong gana bumangon. I think ito na yung sinasabi nilang paglilihi syndrome. Parang gusto ko lang humilata buong maghapon. Kinuha ko ang unan ni Dj at niyakap iyon. Parang antok pa ako kasi nga nilatag niya ang lahat ng “bilin” niya kagabi na parang kung susumahin eh…wag matigas ang ulo ang magiging kalalabasan sa dulo. Miski pagbaba sa kotse eh magdahandahan daw ako.

Maya maya ay narinig ko na ang katok ng isang alagad ni Dj. Si Ate Lorna.

“Oras na para kumain ng almusal” sabi niya. Nakasilip lang siya sa may pinto at nakangiti.

“Punta tayo sa mall” sabi ko. Kumunot ang noo niya.

“Huh…ang aga pa?”

“Sa labas na lang tayo magalmusal” umayos ako ng upo.

“Hindi ka ba papasok?”

Ngumiti lang ako sa kanya.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon