Chapter 37

361 22 9
                                    

Ilang araw pa ang lumipas ay wala pa ring Kale na nagpapakita kay McKenzie. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit niya hinahanap ito gayong dapat ay iniiwasan niya ito. Pero anong magagawa niya, nakakaramdam siya ng lungkot lalo na't wala siyang nabubwisit at wala ring nang-aasar sa kanya.

Mula pa sa klase niya kaninang umaga ay problemado na siya at maraming iniisip lalo na't di niya alam kung saan hahagilapin si Kale.

"Hoy, mukha kang bumagsak this sem. Tigilan mo nga 'yang kadramahan mo Mc, di kami sanay na tahimik ka," pukaw ni Silver kay McKenzie. Lunch nila ngayon sa cafeteria at napansin nito na mukha siyang problemado at malalim ang iniisip.

"Kumain ka na lang nga diyan Pilak. Isa ka pang madaldal imbes tahimik na eh. For sure, may chika 'yan kaya tahimik. Hintayin na lang natin, di ba Kenz?" sabat naman ni Natalie na patuloy lang sa paglamon sa tabi ni Tyler.

Di niya pinansin ang mga ito at sa halip ay lumapit kay Johansen. Sabay-sabay silang kumakain ngayon kasama ang mga kaibigan ni Kale.

"Si Nixon?" bulong niyang tanong.

"Nag-migrate na, no work eh kaya sumama sa sugar mommy niyang mayams and magands-aray, ano ba?! 'Yong hair ko!" tili ni Johansen nang bigla siyang hilahin ni McKenzie sa buhok. Huli naman na nitong napagtanto na si McKenzie ang nagtatanong. Busy kasi sa pagce-cellphone.

"Ay ikaw pala 'yan, kala ko si Ali. Di ko knows kung where na siya pero try to call her, eto number niya."

Tiningnan agad niya ang screen ng phone nito at kinopya ang number na nakalagay. Agad niya itong tinawagan. Hoping siya na sana ay sumagot ito dahil marami siyang tanong na kailangan nitong sagutin when in fact she really misses the girl.

"The number is out of coverage area. Is this really her number?" nagtitimpi niyang sabi kay Johansen na ngayon ay amused na amused siyang pinapanood.

"Baka wala kang load? Try mo ulit."

"Of course may load ako. What do you think of me? Stupid? Tatawag ng walang load. Of all people talaga ako pa. I dialled her number multiple times, wala pa rin."

Bigla na lang napatampal si Johansen sa kanyang noo na para bang may nakalimutan siya kahit wala naman.

"Ops, wala nga palang phone si baks. Eme ko lang 'yang number. Sorna," at nginitian siya nito nang malapad.

Inirapan lang niya ito kaysa patulan pa. Takot lang niya na mahalata siya ng mga kaibigan at ayaw na rin niyang gumawa pa ng scene. Bumalik na ulit siya sa tabi ni Aubrey at kumain na ulit kahit nawalan na siya ng gana. Ibinigay niya ang tirang pagkain kay Natalie at umalis na.

Naglibot-libot muna siya sa university, nagbabaka-sakaling mahanap si Kale. Una siyang pumunta sa office ng kanyang Tito Brandon.

"Tito?"

Bigla naman itong napahinto sa pagbabasa ng libro saka nag-angat ng tingin kay McKenzie.

"McKenzie? Ikaw pala, napagawi ka rito. Is there a problem or something?"

"Tito, ano k-kasi...uhm...I just want to ask if nagawi dito si N-Nixon?" nahihiya at utal-utal na tanong niya rito na siyang ikinatuwid ng upo nito sa swivel chair.

"Nixon? You mean si Ms. Oliveros? I'm sorry but I haven't seen her. She's also exempted from her exams so maybe that's it. At wala pa namang report na isina-submit sa'kin para ipatawag siya sa office ko."

"Okay Tito. Thank you."

Sumunod ay sa building ng College of Engineering siya pumunta. Tiningnan niya ang mga room sa first floor ngunit wala pa rin. Pinagtitinginan na siya ng ibang mga estudyante lalo na ang mga lalaki na biglang nagsilabasan at tumambay na sa hallway. Merong nagtangkang lapitan siya ngunit mabilis siyang lumayo.

Falling with a Bartender (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon