Chapter 45

104 8 2
                                    

"Hello. Si McKenzie?" tanong ni Kale sa mga kaibigan nito na kumakain. Nasa canteen sila ngayon, kasalukuyang nanananghalian.

"Kain. Baks?! Ay nandito ka na?! When ka dumating? Pasalubong!" sigaw na bati ni Johansen sa kaibigan. Ngumiti lang siya bilang sagot.

"Kale! Tara kain! Wala si Mc. Busy siya. Ba't mo siya hinahanap?" sagot ni Silver.

"Pakisabi na lang sa kanya na pinapapunta siya sa student council office."

"Sinong nagpapasabi?" wika ni Johansen habang kumakain.

"Si Ashley." Tumaas naman ang kilay ng baklang kaibigan.

"Ichachat ko na kay Zie ngayon. Need na ba niyang pumunta ngayon? Para saan ba yan?" sabat naman ni Tyler kaya napatingin ang mga kaibigan nito.

"Hindi ko rin alam. Basta pakisabi na lang guys sa kanya. Salamat."

"Ba't hindi mo na lang siya ichat? May phone ka naman. Ba't kami pa ang inuutusan mo? Ichat mo na lang kasi siya baks. Close naman na kayo diba?" panunukso ni Johansen. Napangisi si Tyler at Silver. Napansin naman ito ni Johansen at may naglalaro na naman sa isip ni bakla.

"Wala akong load. Alis na ako," walang ganang sagot niya.

"Nahihiya pa eh! Oo na sige na baks, wala ka ng load. Nag-iinarte pa, sige na layas na!"

Paalis na si Kale nang saktong kararating lang ni Natalie matapos mag-order at tinawag siya nito ngunit di niya ito pinansin.

Sakto rin namang dumating si McKenzie at ipinatong ang LV niyang bag sa center ng table kaya nahinto ang mga kaibigan niya. Umupo siya sa tabi ni Tyler.

"Omg, I'm so haggard na," maarteng sambit niya sabay hilot sa sentido. Kanina pa siya busy sa mga pinapagawa sa kanila at may upcoming quizzes pa siya. "Ang daming quizzes. Di pa ako nakakareview!" rant niya sa mga kaibigan.

"So, who's gonna tell her?" maarteng sabi ni Johansen.

"Akala ko ba chinat mo na siya Ty?"

"Oo nga kaso dumating naman na siya-
"Punta ka raw kay Ashley ngayon na," sabat ni Reign sa kanila habang nagmml ito.

"As far as I am not concerned, she's not here. Don't start me with bullshits. Stressed na ako, dadagdagan niyo pa."

"Tanga! Mali-mali ka naman pre. Pumunta si Kale rito, hinahanap ka. Sabi niya punta ka raw sa student council office ngayon," pagtatama ni Black habang binebaby si Aubrey.

"Bakit daw?" Nagkatinginan naman sina Johansen at Tyler na tila nagkakaintindihan sila. Napansin niya ito. "Are you pranking me ha guys? Seriously, it's not funny."

"Pwera biro nga Mc. Punta ka raw sa student council office sabi ni Kale. Magkasunod nga lang kayo na dumating eh. Di rin niya sinabi kung bakit. Try mong pumunta nang malaman mo. Promise, walang halong joke."

"Samahan mo pala ako. Magcar na lang tayo, ang layo at mainit kasi."

"Hintayin mo ako rito. Subukan mong umalis," pagbabanta niya sa kaibigan nang makarating sila sa student council office.

"Basta wag mong tagalan. Five minutes lang."

Pagpasok niya ay nakareceive siya ng chat mula kay Ashley. Tumawag ito sa phone ng office at nag-usap sila. Halos naghintay ng kalahating oras si Silver sa labas.

Sa tagal ng pag-uusap ng magpinsan ay mas marami ang sagutan at tarayan nila sa isa't isa. Simple lang naman sana ang sasabihin sa kanya ni Ashley pero hindi talaga sila magkasundo. Padabog niyang ibinaba ang phone nang matapos dahil no choice siya.

Falling with a Bartender (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon