Chapter 36

338 19 6
                                    

Makalipas ang ilang araw ay pwede nang umuwi si Kale. Kasalukuyang nasa ospital si Mr. Henderson upang ihatid si Kale pauwi ngunit nandoon din si McKenzie na kanina pa di mapakali.

"Dad, ako na kasi ang maghahatid sa kanya and besides may meeting ka pa di ba Dad? Dapat hindi nale-late ang isang CEO, right Daddy?" pangungumbinsi ni McKenze sa ama. Gustong-gusto na niyang paalisin ito dahil napupurnada na ang kanyang gagawin.

Nagtataka at may halong pagdududa naman na bumaling si Mr. Henderson sa kanyang anak. Hindi nito alam kung bakit kakaiba ang ikinikilos nito pero naisip naman nitong baka nagbabago at bumabawi na ito sa mga kabulastugang pinaggagagawa nito.

"Are you really sure, hija? Kale, ayos lang ba sa'yo?" di pa rin kumbinsidong sabi nito.

"C'mon, Daddy! Just go na and look, you can leave her with me. Behave na ako and no more troublemaking, promise!"

"Alright. Keep your word, McKenzie. Mag-iingat kayong dalawa ha? Kale, pwede ka nang pumasok bukas at ikaw, diretso pasok na sa Henderson, no fooling around. Understand?" bilin pa ng ama ni McKenzie sa kanya.

"Yes Dad! Paulit-ulit. Just go na Daddy, bye!" pantataboy niya sa ama at bahagyang tinulak ito pasakay ng sasakyan.  Sumakay na ito at umalis na.

Nang makaalis na ang ama ay nilingon na niya ang katabi ngunit nakatayo na ito sa gilid, malayo sa kanya at pumapara na ng taxi.

Lesbi! Ano na naman kayang trip nito! pagngingitngit niya sa sarili.

Nagsisimula na naman siyang mag-alburuto dahil naiisip niyang baka may katangahan na naman itong gagawin na baka ikapahamak pa nito. Takot lang niya sa ama kung mabangga pa ito gayong pauwi na sila.

Dali-dali niya itong hinablot sa damit. "Lesbi! What do you think you're doing huh? Palaboy-laboy ka na naman, let's go!"

Hihilahin na sana niya ito para maglakad na paalis nang mabilis siyang pinigilan ni Kale.

"Kaya ko nang umuwi mag-isa saka tanghali na rin, may pasok ka pa. Pumasok ka na at papalitan ko na lang 'yong mga damit na ipinahiram mo sa'kin," tanging sabi nito sa kanya. Tulad ng dati ay cold na muli ito.

Nagsisimula na siyang manggigil dahil sa pantataboy nito sa kanya gayong masaya siyang uuwi na ito at siya pa ang nagpresintang maghahatid dito. Ngayon pa lang na may gumawa sa kanya ng ganito.

"Kumain ka na ba?" biglang tanong nito sa kanya.

Saka lang niya napagtanto na wala pa siyang kinakain dahil dumiretso agad siya ng ospital nang malaman niyang uuwi na si Kale. Bigla siyang napayuko at laking gulat niya nang hinawakan siya sa kamay nito papunta sa sasakyan niya. Para namang kiniliti ang puso niya dahil sa kamay nilang magkahawak. Kusa na lamang siyang napangiti.

"May alam akong kainan na malapit lang sa tinitirhan ko at mas malapit lang kumpara sa ibang resto," suhestiyon ni Kale at itinuro na ang daan papunta kay McKenzie.

Nang makarating sila sa isang karinderya ay agad na bumaba si Kale.

"Unicorn, tara na," yaya nito sa kanya.

Di naman siya makapaniwalang tumingin dito. Tila nandidiri sa itsura ng tindahan at sa isip niya'y parang hindi ito malinis. Simple at di naman gaanong kalakihan ang karinderyang pinuntahan nila at dinadayo ito ng karamihang mga estudyante at nagtatrabaho na sakto lang ang pera sa bulsa.

"Hindi ka pa ba nagugutom—"

"I think I need to call Aubrey na lang," alanganing sabi niya kay Kale at pinaharurot na ang sasakyan.

"Ayaw sigurong kumain sa mumu. Gusto niya siguro gintong sabaw." Himas-himas ang kanyang tiyan ay pumasok na siya sa karinderya ni Aling Neneng.

***

Falling with a Bartender (GL)Where stories live. Discover now