Chapter 44

128 9 2
                                    

"Nasaan na si Kale? Paki-contact nga siya Mary. The competition will start in 10 minutes. I told her multiple times na agahan ang pasok," naistress na sambit ni Professor Montoya dahil kanina pa silang 8am sa Henderson University na venue ng quiz bee competition.

"Ma'am, hindi po makontak si Kale," kinakabahang sagot ni Mary dito. Sina Russell at Jared naman ay busy sa paglalaro ng Call of Duty sa kanilang phones habang naghihintay.

Napahilot nalang si Professor Montoya sa kanyang sentido at kinalkal ang kanyang phone sa bag upang kontakin si Kale.

"Sorry, I'm late. Nagstart na po ba?" humahangos na sabi ni Kale.

"Finally, dumating ka rin," striktong saad ni Professor Montoya rito sabay ayos sa collar ng black polo shirt ni Kale. Ang black polo shirt na suot nina Kale, Jared at Russel ay ang official organization shirt ng civil engineering sa kanilang university. Black polo shirt for the official participants at orange with white naman kapag president ng organization gaya ni Mary.

Manghang-mangha si Professor Montoya sa itsura ni Kale ngayon dahil wala itong suot na beanie at hindi rin nakahoodie kaya kitang-kita ang makinis at maputi nitong kutis.

"I love your outfit today. Bagay na bagay sayo ang nakablack polo. And your hair, stress ka ba masyado or natural hair? Ang daming puti eh," pabulong na puri ni Professor Montoya habang magkasabay silang naglalakad habang nauuna naman ang tatlo nilang kasama.

"Masyadong stress po sa quiz bee at basketball training," di komportableng sagot ni Kale.

"Ahh, akala ko highlights," natatawang sambit pa nito sa kanya na ikinapoker face niya lang.

"Goodluck guys! Galingan niyo para tayo ulit ang champion! Kayang-kaya niyo yan!" pagchecheer ni Mary. "Let's pray bago kayo pumasok sa room niyo." Mary lead the player. Tahimik lang si Kale na nakikinig habang iginagala ang paningin niya sa main hall.

"Go go go guys!"

"Goodluck Kale. Galingan mo. I'm rooting for you. May reward ka sakin if magchampion ka," at marahang pinisil ni Professor Montoya ang balikat niya.

Nangilabot siya dahil kanina pa ito. She felt uncomfortable pagdating niya.

The quiz bee started.

Marami silang ka-compete at mula rin sa iba't ibang prestigious universities.

Si Jared ang nakaupo sa gitna at binubuhat ng dalawa ang kanilang university habang si Kale naman ay nanonood lang dalawa niyang kasama na mabibilis at mahuhusay sa pagsagot.

"Okay ka lang ba diyan ading?" pangungumusta ni Jared sa kanya dahil sa katahimikan niya. Nagthumbs-up lang siya bilang sagot at nginitian lang siya nito.

Two hours have passed ay sila ang leading pero may ka-tie sila, ang Vermont University.

"Nakalimutan ko 'yong ginamit na formula rito. Nabasa ko 'to pero fuck! Alam mo ba 'to Kale?" bulong ni Jared. Sinubukang isolve ni Russell pero hindi niya rin makuha.

"1 ang sagot," biglang sambit ni Kale habang hinihintay na matapos magbilang ang proctor.

"Ha? Hindi ah! When you substitute it—
"Just write 1. 'Yan ang sagot. Manalo, matalo, 1 'yan. Isulat mo na wala na tayong—

"Time's up! Everybody stop writing. Hands up."

Pinaubaya na nina Russell at Jared ang kanilang sagot tutal hindi rin naman nila alam at 1 na lang ang isinagot.

Pigil-hininga ang lahat lalo na silang tatlo dahil worth 3 points ang huling tanong sa difficult round.

"The correct answer is 1! And we got a champion for the civil engineering quiz bee! Congrats everyone!" at minarkahan nito ng 1st place ang Henderson University.

Falling with a Bartender (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon