Chapter 4

654 37 0
                                    

Nasa The Midnight Haven na ngayon si McKenzie kasama ang buong gang dahil maagang natapos ang kanilang klase. Kasalukuyan silang nagpa-party dahil sa pagiging heiress niya.

This is our first time to celebrate an occasion in a simple way. It is very unusual for us because we often celebrate abroad and there's always a grandiosity in it.

They are having fun in the VIP lounge. Halos lahat na ata ng mga alak at cocktails ay in-order na nila dahil sagot lahat ni McKenzie. Hindi na sila magkandaugaga sa pag-inom pati ang mga pulutan ay hindi rin nila pinalampas.

This is our life. We get what we want in just a snap. Problems? There's no such thing as that to us because we have everything especially money. With that being said, it can also give us everything.

Nang magsawa na silang uminom at kumain ay nagkayayaan naman silang sumayaw.

"Let's dance guys!" sigaw ni Aubrey. Sumunod naman sila at pumunta na sa dance floor saka nagsayaw na.

(Animals by Martin Garrix playing)

Bigay-todo ang bawat isa sa kanila sa pagsasayaw at bawat ritmo ng tugtugin ay kanilang sinasabayan. Wala silang pakialam sa paligid at nagpapaka-wild lang na tila parang sa kanila lang ang mundo.

Mayamaya ay naririnig na nila ang mumunting halinghing ni Aubrey. Naghahalikan na silang dalawa ni Black samantalang ang iba naman ay naghihiyawan na sa magkasintahan.

"Dang, Aub and Black!"

"Sana all!"

"C'mon guys, let's party harder!"

Ilang minuto pang pagsasayaw ay bumalik na sila sa kanilang puwesto. Inuman at kainan ulit.

"Let's go downstairs. Doon naman tayo magsayaw and meet other people!" masiglang yaya ni Nat sa mga kaibigan.

"Nice idea, let's go!"

Umalis na muna silang pito sa VIP lounge at pumunta sa first floor. Nandoon kasi ang pam-public na dance floor kung saan ang lahat ay magkakasama.

Kahit lasing na ang iba sa kanila ay tuloy pa rin sila. Sayaw na naman at kung sino-sino na ang kanilang nakakasayaw.

We're enjoying the night and partying like animals.

Mayamaya ay napansin ni McKenzie na may lumapit kay Nat na isang babae at sinunggaban nito ng halik si Nat. Ang hitad naman niyang kaibigan ay humalik din pabalik.

"Woah, woah Nat!" kantyaw ni Eiji rito.

"So hot Nat!" segunda naman ni Tyler.

Si Nat naman ang kanilang hiniyawan habang may pasipol-sipol pang nalalaman ang tatlong mokong.

Malala na talaga sila. Kailangan ko na ata talagang tanggapin na may mga baliko akong kaibigan.

Ilang sandali lang ay humanap na sila ng mauupuan sa first floor at 'di naman sila nabigo. Dito na nila ipinagpatuloy ang pag-iinom. Habang nakaupo na sila ay sumunod pala sa kanila ang kahalikan ni Nat.

"Hello guys, I'm Sab. Do you mind if join you?"

"No problem Sab. Welcome!" magiliw na sagot ni Eiji at umupo na si Sab sa tabi ni Nat.

Walo na silang magkakasama ngayon. The more, the merrier. Ilang saglit pa ay may dumating na isa pang babae at mukhang tinitingnan nang malagkit si Reign. Kaya ngumuso sila kay Reign na itinuturo ang babae at hinalikan agad ito ng huli.

Hiyawan, tawanan at asaran ang nangyari sa kanilang table. Sobrang saya nila dahil may nakakuwentuhan at kasama silang iba. Halos ang mga kasama ni McKenzie ay nagme-make-out na. Siya naman ay umiinom lang.

Falling with a Bartender (GL)Where stories live. Discover now