Chapter 17

367 23 0
                                    

Araw ng Lunes ay maagang pumasok si Kale sa Henderson University dahil may quiz sila. Hindi na siya nakapag-review dahil sa pagiging bisi niya sa trabaho. Bahala na nga kung bumagsak,sabi ng isip niya. Hindi na rin siya nag-abalang mag-almusal dahil tinatamad siyang magluto.

Nagpasalamat siya nang makarating siya nang maayos sa university na walang sumasalubong o bumabangga. Magiging maingat na ako ngayon. Baka mamaya may masalubong akong may saltik. Mahirap na.

Saktong alas-otso ay nasa room na si Kale at umupo na sa likod. Mamayang eight thirty pa magsisimula ang kanilang quiz kaya nakinig muna siya ng music at sumubsob sa kanyang mesa. Ang mga kaklase naman niya ay abala sa pagre-review. May mga aligaga, meron ding akala mo nag-o-orasyon o kaya'y nagdadasal.

Ilang sandali pa ay naramdaman niyang tumahimik ang paligid kaya nag-angat siya ng tingin. Dumating na ang kanilang propesor. Na-miss ko bigla si sir panot.

"Okay class, keep all your notes and mobile gadgets. Your quiz is thirty items and you should finish it within thirty minutes. You may start now," at ibinigay na sa kanila ang test papers.

Nagsimula na silang magsagot sa test paper. Mukhang pangalan at date lang ata ang masasagutan ko rito ah, biro ni Kale sa sarili.

Tumingin siya sa paligid. 'Di niya maiwasang matawa dahil sa itsura ng mga kaklase niyang mukhang ewan. May mukhang natatae, may pinagpapawisan na pero naka-aircon naman at ang iba nama'y 'di na nagsagot.

Makalipas ang labinlimang minuto ay tumayo na si Kale at nagpasa. "Are you done, Ms. Oliveros? You may leave now," sabi sa kanya ng propesor nang maipasa niya ang kanyang test paper at lumabas na.

Saan naman kaya puwedeng tumambay? Eight forty five pa lang, mamaya pang ten-thirty ang susunod kong klase.

Napagdesisyunan niya munang maglibot-libot hanggang sa napadpad siya sa isang garden. Ngunit may naririnig siyang impit na tunog at tila may nagtatalo. Pinuntahan niya kung saan nagmumula ang tunog na 'yon.

Laking gulat ni Kale nang makita ang tatlong babae. Ang isang babae ay mahigpit na hawak-hawak ng isa samantalang ang isa nama'y akmang sasampalin ito kaya sumigaw siya na sapat lang para marinig ng mga ito.

"Hoy! Ano 'yan? Bakit niyo siya pinagtutulungan?" sigaw niya sa mga ito at nagulat naman ang mga ito kaya kumaripas agad ng takbo ang dalawa at naiwan ang babaeng sa tingin niya ay ang binubully.

"Miss, okay ka lang ba?"

"O-okay lang po ako. Sa-salamat po k-kuya."

"Ah miss, hindi ako lalaki, babae ako. Sa susunod, mag-iingat ka at 'wag sumama sa mga 'yon." Nakatulala lang ang babae kay Kale.

"Sige, miss mauuna na ako," at tuluyan na siyang umalis. Hindi na niya hinintay pang magsalita ang babae. Pipi ata at mukhang may tama rin.

Umupo na si Kale sa isang bench sa garden at pumikit. Ang sarap ng hangin dito. Napakasariwa at presko. Hindi niya alintana ang init dahil may mga puno at may mga huni rin ng ibon na napakasarap pakinggan. Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Payapa. Walang istorbo. At higit sa lahat, malaya ako. Malaya sa lahat.

Iminulat na niya ang kanyang mga mata at pinagmasdan ang magandang tanawin sa garden. Napakaganda. Hindi lang ito basta garden. Para itong paraiso. May lake sa dulo at may mga naggagandahang bulaklak sa paligid. May pond rin at bridge upang makatawid.

Biglang tumunog ang kanyang relo kaya napatingin siya rito. Ten fifteen na kaya nagpasya na siyang umalis at pumunta na sa kanyang klase. Babalik na lamang siya rito sa susunod.

Nang nasa klase na siya ay nagle-lecture lang ang kanilang propesor. Napakaboring. Isa't kalahating oras pa bago mag-lunch. 'Di na lang ako makikinig at itutulog ko na lang.

Falling with a Bartender (GL)Where stories live. Discover now