Chapter 20

377 22 10
                                    

Mag-isa si Kale sa kanyang apartment at kagigising lamang niya buhat nang umuwi agad siya at 'di na pumasok dahil sa nakakabuwisit na usapan nila sa office ni Dean Morgan tungkol sa kanyang scholarship at ang isyu sa pagitan nila ni Henderson.

Bumalik lang siya sa kanyang ulirat nang maamoy niyang nasusunog na ang nilulutong noodles kaya dali-dali niyang pinatay ang kalan at naghanda na para kumain ng hapunan.

Habang kumakain ay iniisip ni Kale kung ano ang kanyang mga gagawin dahil suspended siya ng isang araw. Kaso tinatamad akong kumilos, aniya sa sarili. Masyadong nakakastress ang mga nangyayari. 'Di rin naman ako papasok sa bar ngayon dahil nagpaalam akong may pupuntahan pero alibi ko lang 'yon.

Nang matapos siyang kumain ay iniligpit na niya ang pinagkainan at naligo na. Nagbihis lang siya ng isang itim na sando at shorts.

May pinapa-review pala sa 'kin si Montoya. Isa rin 'yong prof na 'yon. Tuwing nakikita ko siya ay parang may nararamdaman akong kakaiba. Ang labo kasi niya, puwede naman akong mag-review sa library ba't doon pa sa klase niya.

Nagbuklat muna si Kale ng isang libro at isang page ng kanyang note. Lagi akong late kaya hindi ako nakakapagsulat saka nakakatamad. Masakit sa kamay.

Makalipas ang kalahating oras na kunwaring pagbabasa at pagsusulat niya ng ilang formulas sa Calculus ay natapos na siyang mag-review.

Pagtingin niya sa wall clock ay alas-otso pa lang ng gabi. Maaga pa at wala siyang magawa. Wala rin siyang selpon dahil itinapon niya ang ginagamit niya noon. Ayaw ni Kale ng may nakakahawak ng kanyang selpon kaya kung meron man ay idinidispatsa niya ito. De keypad 'yon.

Napagdesisyunan niyang manood ng movie. Nagluto muna siya ng isang bowl ng fries at nanguha ng tatlong bote ng beer saka naglagay ng ice sa baso. Matapos niyang maihanda ang mga ito ay pumunta na siya sa sala at binuksan ang tv. Resident Evil ang napili niyang panoorin.

Habang nanonood ay umiinom siya ng beer habang pinupulutan ang fries. Sa pagpatak ng alak sa kanyang labi ay nagbabadya na naman ang kanyang mga luha.

L?

Hm?

I can't wait for the day that you'll become Mrs. Grey. I love you so much.

We're too young for that, S but we will get there too, soon. I love you too.

Hindi namalayan ni Kale na naubos na ang tatlong bote ng beer pati na ang fries. Tapos na rin ang movie na kanyang pinapanood. Wala sa sariling pinatay niya ang tv. Tumayong nanlalabo pa ang kanyang mga mata saka dumiretso sa kusina para iligpit ang pinagkainan. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa beer o sa aking luha o baka parehas.

Nagmuni-muni muna siya sa sala dahil siya ay busog at parang tinakasan ng lakas.

I really missed you, S.

Ala-una na ng madaling araw nang siya ay pumasok sa kanyang kuwarto at humiga na. Kasabay nito ay ang pagkuha niya ng kanyang Walkman saka ipinasak ang earphones at tuluyan nang natulog.

***

Alas-siete na ng umaga nang si Kale ay magising. Napasarap ang tulog ko dahil napuyat ako kagabi buhat ng kasama ko ang tropa sa bar at dahil suspended ako ay nag-celebrate kami. Nagmadali na siyang kumilos. Nagbihis lang siya ng karaniwan niyang isinusuot na pamasok na black hoodie at track pants na tinernuhan niya ng black sneakers. Hindi na siya nag-abalang kumain pa. Saktong seven thirty ay nakaalis na siya.

Makalipas ang kalahating oras ay nakapasok na si Kale. Tumingin muna siya sa kanyang relo. Late uli ako, susulitin ko na lang. Habang naglalakad siya ay may naramdaman siyang sumusunod sa kanya kaya lumingon siya para alamin kung sino ngunit wala siyang nakita. Hindi na lamang niya pinansin ito kaya naglakad na ulit siya ngunit tila may sumusunod na naman sa kanya kaya mabilis siyang lumingon pero wala ulit siyang nakita. Kakaiba talaga ang university na ito. May mga tama at saltik talaga ang mga tao rito. Maliban sa 'kin.

Falling with a Bartender (GL)Where stories live. Discover now