Chapter 22

429 22 7
                                    

Mukhang naka-high na gumising si McKenzie dahil sa nangyari kahapon. See? Ang aga-aga na-i-stress na agad ako. Buwisit talaga!

Bago pa tuluyang masira ang kanyang araw at mood ay isinantabi na niya ang kanyang mga iniisip na may kinalaman sa pesteng kahapon.

Kahit may pasok sila ngayon ay excused si McKenzie. At naiisip pa lang niya ang pagpasok ay hindi niya maiwasang isipin kung ano ang magiging hatol sa kanilang anim. I won't think about that at the moment. Bahala na.

Ngayon ang araw nang pagpunta niya sa Spain at hindi ito alam ng gang. Sa isip ni McKenzie ay baka maudlot pa ang kanyang pag-alis kung sakaling ipapaalam niya sa mga kaibigan.

Isa ring dahilan kung bakit siya puyat ay dahil ginabi siya sa pag-aayos ng kanyang mga gamit. Sino bang hindi mara-rush sa gano'n? Bigla-bigla kang paaalisin. Parang ang lapit lang ng Spain sa Pilipinas, tsk.

I might stay there for a while. Only myself, McKenzie Knight Henderson can take a vacation in the middle of the semester. Good luck na lang sa gang.

Habang kumikilos na siya upang maghanda ay hindi niya maiwasang isipin at magtaka kung ano ang sasabihin sa kanya ni Royce.

After an hour, she's already finished and ready to go. She checked her belongings first for the nth time and when everything seems fine, she left her penthouse and went straight to the airport.

Sakto lang ang dating ko at ngayon ay nakasakay na ako. In five minutes ay lilipad na. Natulog muna si McKenzie dahil matagal pa ang travel time na 14 hours bago siya makarating sa Barcelona, Spain.

***

Makalipas ang apat na oras ay nagising si McKenzie at kumain. Tiningnan niya ang kanyang selpon at nag-message sa kanilang group chat. Kinumusta niya ang mga kaibigan at gano'n din sila sa kanya. Nagkuwentuhan lang sila at mayamaya ay nagpaalam na rin sa isa't isa.

Nag-binge watching muna siya ng movie. Nang makatapos siya ng ilang movies ay natulog ulit siya.

Makalipas pa ang ilang oras ay nakarating na si McKenzie sa Barcelona. Pagbaba niya ng airport ay may malalaking bisig ang sumalubong sa kanya at niyakap siya nang napakahigpit.

"Finally, Innamorata! Welcome amore mio!" nakangiting bati sa kanya ni Royce at halos hindi na siya nito pakawalan.

"Grazie amore mio," nakangiti rin niyang bati pabalik at bago pa siya makaganti ng yakap ay isang labi ang dumampi sa kanyang labi. Isang masuyong halik ang iginawad ni Royce kay McKenzie na tinugunan niya rin ng may pananabik.

Ilang minuto muna ang itinagal ng kanilang halikan bago nagpasyang humiwalay si Royce at dinampian siya nito ng halik sa kanyang noo.

"You never changed Innamorato. You're still hot and handsome."

"Thanks, Innamorata but I already know that," sabay kindat nito sa kanya. "And did I forget to remind you how alluring you are right now?"

Nginitian na lamang ni McKenzie si Royce at marahan na hinampas sa braso. Kahit kailan, napakabolero talaga.

Inalalayan na siya ng kasintahan at kinuha ang ibang luggage na kanyang dala. Nakangiti silang umalis ng airport at sumakay na sa sports car ni Royce.

"Saan tayo pupunta ngayon, Innamorato? And this car of yours is very exquisite. What brand is this?" tanong ni McKenzie habang sila'y nagbibiyahe.

Sandali munang nanahimik si Royce saka sinulyapan si McKenzie bago sumagot.

"Malalaman mo na lang mamaya Innamorata." Ibinalik na nito ang tingin sa daan. "This is my favorite McLaren Elva," tipid nitong sagot at mas dumiin ang pagkakahawak nito sa manibela.

Falling with a Bartender (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon