18th Step

21.5K 467 29
                                    

Nagising ako na wala na sa tabi ko si Levi. Napagod yata ako sa byahe at sa ginawa namin kaya nahimbing ang tulog ko. Hindi man lang niya ko ginising. Tumingin ako sa bintana at nakitang madilim na sa labas. Nasaan kaya ang lalaking 'yon?

Napagpasyahan ko na lumabas na ng kwarto para hanapin si Levi. Napansin kong naka awang ng kaunti ang silid ni Don Alejandro nang dumaan ako. At may narinig akong naguusap. Hindi ko sana gustong makinig sa usapan pero parang narinig ko ang pangalan ko kaya lumapit pa ako ng kaunti.

"Kung hindi mo kayang sabihin sa kanya ay ako na mismo ang magsasabi." ani Don Alejandro sa pagalit na boses. Shit. Hindi dapat ako nakikinig sa usapan ng iba.

Lalayo na sana ako nang marinig kong magsalita si Levi, "Just leave it like that. Hindi na niya kailangan pang malaman na ako ang nakatakda niyang pakasalan in that stupid arranged marriage. Ginawa ko na ang gusto niyo." parang may kung ano na tumusok sa dibdib ko sa sinabi niya. Anong ibig sabihin nito? All this time. Yung taong hinahabol habol ko ay siya rin palang taong tinakbuhan ko. Shit. At ang masakit pa ay alam niya ang lahat ng 'to pero hindi niya sinabi sa'kin.

Pinatulan niya lang ba ko para matuloy ang kasal na ipinagkasundo ng mga lolo namin? Napahawak ako sa tiyan ko. Paano kung sinadya niyang buntisin ako para wala na kong kawala sa pagpapakasal sa kanya?

"Cancel the engagement." Levi said with finality in his voice. Pakiramdam ko ay piniga ang puso ko. Ayaw niyang matuloy ang kasal. Shit. Anong kagaguhan 'to? Pinaglalaruan ba niya ko? Tangna niya. Paasa! Gago!

"I can't marry her--"

"At sino ang gusto mong pakasalan? Yung babaeng yun na mukhang pera? Hanggang ngayon ba ay umaasa ka pa rin na babalikan ka niya? Wag kang tanga, Levi! She left you for another man. Pera lang ang habol niya sa'yo--"

"She has nothing to do with this!" galit na sigaw ni Levi. Bakit ganoon na lang ang reaksyon niya? Sino ba yung babaeng tinutukoy ni Don Alejandro? Iyon ba ang dahilan kung bakit ayaw niya kong pakasalan?

I'm sorry but you can't.

Naalala ko ang sinabi niya noong sinabi kong gusto kong makapasok sa puso niya. Is that girl the reason? Pero kasasabi niya lang kahapon na mahal niya ko. Isa lang ba iyong kasinungalingan? At ako naman si tanga naniwala kaagad.

Nanlambot ang tuhod ko at muntik na kong matumba. May ibang mahal si Levi, at hindi ako yun kaya ayaw niya kong pakasalan. Kaagad akong tumakbo pabalik sa kwarto ni Levi. Hindi ko na kaya pang marinig ang mga sasabihin niya. Masyado ng masakit ang mga narinig ko. Pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko.

Hindi ka iiyak. Hindi ka iiyak. Matapang ka Chastine. I chanted inside my head while staring at the mirror. Naghilamos ako para mahimasmasan. Baka sakaling panaginip lang ang lahat. Pero hindi e, damang dama ko pa rin ang sakit sa dibdib ko. Choice ko 'to. Pinili kong magpaka-tanga kay Levi, walang pumilit sa'kin. Pero kahit naman yata hindi ito ang pinili ko ay dito pa rin ang bagsak ko.

Ang daming gumugulo sa isipan ko ngayon. Hanggang dito na lang ba ko? Papayag na ba kong matuloy ang arranged marriage para lang hindi mawala sa'kin si Levi? Magiging masaya ba ko knowing na labag ito sa kalooban niya? Sasabihin ko na ba na alam ko na ang lahat? Paano ang magiging anak namin?

Paglabas ko sa banyo ay nakaupo si Levi sa gilid ng kama. Nakatingin ito sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip. Hindi maalis ang kaba sa dibdib ko. Natatakot ako na baka yung babaeng tinutukoy ni Don Alejandro ang laman ng isip niya ngayon. Paano kung umaasa siya na babalikan pa siya nito?

"Levi.."

Nagulat siya ng magsalita ako. Ni hindi niya namalayan ang pag-upo ko sa tabi niya sa sobrang lalim ng iniisip niya. Nakatingin lang siya sa'kin at walang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha.

27 Steps to His Bed ✓Where stories live. Discover now