[STWHB] Step 9

17.8K 352 13
                                    

Ano pa nga bang inaasahan ko? I know I'm being too sensitive when it comes to this matter. Para sa'kin ay napakalaking issue talaga nito. Alam ko naman na kahit sabihin niyang okay lang sa kanya na hindi kami magkaroon ng anak ay hindi maaalis sa kanya ang kagustuhang magkaanak.

"Chastine, naman. Pansinin mo naman ako, oh. Kanina mo pa 'ko hindi pinapansin. Ano bang problema?" he asked a bit frustrated. Oo kanina ko pa siya hindi pinapansin. Naiinis kasi ako sa kanya. Ayoko rin naman sabihin sa kanya yung dahilan kung bakit ako naiinis dahil ayoko na rin palakihin yung issue. At sigurado hindi niya rin yun matatandaan dahil matapos niya sabihin yun kagabi ay nakatulog na siya. Basta ayoko siya pansinin.

Binilisan ko pa ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa may pintuan ng bahay NIYA. Kauuwi lang namin.

"Chastine.." this time ay hinawakan na niya ako sa braso. Iritado ko siyang tinignan.

"Ano ba talagang problema? Bakit ang init yata ng ulo mo sa'kin?" he sighed.

"PMS." simpleng sagot ko saka ko kinuha ang susi na hawak niya para buksan ang pinto. Medyo nagtaka ako dahil hindi ito naka-lock. Kumunot ang noo ko.

"Iniwan mo bang nakabukas 'tong bahay mo?"

"Bahay natin." pagtatama niya. "Nilock ko yan nung umalis tayo." maging siya ay nagtaka.

"Dyan ka lang. Ako muna ang papasok to make sure that it's safe." sabi niya at tumango na lang ako kahit ayaw ko sana siyang papasukin sa loob. Paano kung may nakapasok pala na magnanakaw tapos nandun pa yun ngayon sa loob tapos bigla na lang siyang saktan? Napailing ako. Wag kang paranoid, Chastine.

Wala pang ilang minuto ay bumalik na siya kaagad. Nakahinga ako ng maluwag. "Halika na." nakangiti niyang sabi at inilahad ang kanyang kamay.

Muntik na malaglag ang lahat ng internal organs ko nang makita ko ang mga kapatid niya na naghihintay sa may sala. Si Luanne at si Lexus. Bukod sa kanila ay mayroon ding babae na medyo may edad na pero maganda pa rin.

Inakbayan ako ni Levi at bumulong, "Mama ko."

Ano daw? Mama niya? Bigla yatang naging gulaman ang mga tuhod ko. Nanlalambot ako. First time ko mamimeet ang Mama niya. Ganito din ang pakiramdam ko noong nakilala ko ang lolo niya. Bakit ba palagi na lang surprise kapag nakikilala ko ang mga myembro ng pamilya nila? Mabuti na lang talaga at wala akong sakit sa puso dahil kung meron malamang ay inatake na 'ko.

"Ma, kailan pa kayo dumating?" he asked as he kissed his mother on the cheek.

"Kanina lang. Nagtatampo na talaga ako sa'yo, Kurt. Nagpabook kaagad ako ng flight nang malaman ko na ikinasal ka nang hindi man lang kami sinasabihan ng Papa mo. Matagal ko nang hinihiling sa'yo na dalhin mo sa Canada si Chastine para makilala namin siya pero kinasal na kayo at lahat hindi mo pa rin siya pinapakilala." halata sa boses nito na nagtatampo nga ito.

"Ma, I'm sorry. Biglaan lang ang lahat. At saka sabi ko naman sainyo kumplikado ang sitwasyon namin dati." he explained.

"Kahit na. Nagtatampo pa rin ako sa'yo, Kurt. Siya na ba si Chastine?"

Tumango si Levi. "Ma, I want you to meet my wife Chastine."

Napayuko ako. Hindi naman ako mahiyain pero ewan ko ba. Feeling ko ay nagrarambulan ang mga laman loob ko ngayon at kakaiba ang nararamdaman ko. Nanlalamig ang mga kamay ko.

"Haay, hija. Finally na-meet din kita. Hindi ka ba naman pinapahirapan nitong anak ko? Alam mo kasi sobrang pasaway niyan dati. Wala yatang araw na hindi kami pinapatawag sa school nila dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan." dirediretsong sabi ng Mommy niya.

Si Levi? Ganun kapasaway dati? Hindi ko maimagine. Ang mature niya kasi mag-isip MINSAN.

"Hindi naman po." sagot ko. Sa kama niya lang po ako pinapahirapan, though masarap din naman kasi. Gusto ko sanang idagdag. I nearly laugh at the thought.

"Ma, good boy na 'tong anak mo, noh."

"Heh! Nagtatampo pa rin ako sa'yo, Kurt. You better call your father. Nagtatampo din yun, hindi niya lang maiwan yung ospital kaya hindi siya nakasama sa'kin."

Natawa ako. Ang cute magtampo ng Mama niya. Haha. Akala mo teenager, eh.

"Wag ka na magtampo, Ma. Dadami wrinkles mo niyan." malambing niyang sabi saka niya ito niyakap.

"Salbahe ka. Wag mo 'kong daanin sa ganyan, Kurt." matigas na sabi nito.

"Sorry na kasi, Ma. Nandito pa naman ang Misis ko tapos magtatampo ka sa'kin. Baka isipin niya hindi ako mabuting anak." pangongonsensya niya sa Mama niya. Binatukan tuloy siya nito. Ang lambing niya sa Mama niya, pati rin naman kay Luanne. Nakakatuwa sila panuorin.

"Pasalamat ka at nandito ang asawa mo kaya hindi kita pinalo."

"Ma, naman. Baka maturn off ang Misis ko niyan." he chuckled.

"Ang corny niyo pong mag-ina. Jusko. Wala bang makakain dito, Love?" pag-eksena ni Luanne. Ang KJ talaga ng babaeng 'to. Hanggang ngayon ba ay wala pa rin siyang love life? Napailing na lang ako.

"Pagpasensyahan mo na si Luanne, bitter lang yan." bulong ng Mama niya.

"Halika na, Maldita, uuwi pa tayo sa hacienda."  she called Luanne. Maldita daw? Ang cool pala ng Mama ni Levi. Tawagin daw bang Maldita ang sariling anak?

"Sige aalis na kami para makapagpahinga kayong dalawa. Dumaan lang talaga 'ko para kamustahin kayo."

"Sige, Ma. Ingat kayo." sagot ni Levi bago siya tumingin kay Lexus. "Lex, ingat sa pagddrive."

"Ingat po, Mama." sabi ko nang bineso niya 'ko.

Nagulat ako nang bigla akong niyakap ni Luanne. Gulat talaga. As in, yung nakanganga at nanlalaki ang mga mata. Never kong inakala na mangyayari 'to. Ang arte niya kasi.

"Welcome to the family, Sissy." she whispered.

Hindi ako nakasagot at nanatiling nakanganga. Mabuti na lang at hindi pa pinapasukan ng langaw ang bibig kong nakaawang.

"Masaya ako para sa inyo ng kambal ko. Hindi lang halata but seriously I'm glad that he married the right person." she said sincerely before they left.

"I'm sorry but this test result shows that it is almost impossible for you to bear a child, Chastine. There is a big tendency of miscarriage if you will get pregnant.."

Hindi ko na maintindihan yung iba pang sinasabi nito. Wala rin nman akong alam sa medical terms. At isa lang naman ang ibig sabihin ng mga sinasabi niya, hindi ako magkakaroon ng anak.

Humigpit ang hawak ni Levi sa kamay ko as the doctor broke the news. Kahit alam ko na ang tungkol dito ay sobrang nasaktan pa rin ako. Iba pa rin yung pakiramdam na doktor na mismo ang nagsasabi sa'yo ng tungkol sa kalagayan mo. Hindi ko itatago na umasa pa rin ako na baka pwede pa kahit paano.

"Wala bang ibang alternative, Tita?" he asked. Pinsan ng Papa niya ang OB na tumingin sa'kin.

"You can use a surrogate mother if you want." her aunt suggested.

Tumingin sa'kin si Levi para hingiin ang opinyon ko. I shook my head. Ayokong gumamit ng ibang babae na magdadala ng anak ko. Gusto ko ay ako mismo ang magdala nito sa sinapupunan ko sa loob ng isang buwan.

"We'll talk about it. Thanks for your help, Tita." paalam niya.

"Even doctors believe that miracles do exist. Have faith in Him, Chastine, Levi." she said before we left her clinic.

I can't even say a word. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nanghihina ako. Unti-unti na lang bumagsak ang mga luha ko. Niyakap ako ni Levi ngunit hinayaan niya lang akong umiyak.

"One in a million is still a probability. We can still hope." he whispered against my hair. "God has a better plan for us."

27 Steps to His Bed ✓Where stories live. Discover now