2nd Step

36.5K 641 25
                                    

CONFESSION..

"LIRA, paki-akyat naman 'to sa office ni Sir Ace. Salamat."

Nakasimangot kong kinuha yung folder na ipinapabigay niya. I'm so broken right now, hindi ba nila mahalata? Waah! Gusto ko na umuwi at magngangawa sa bahay dahil kagabi ko lang talaga narealize lahat ng kagagahang pinag gagawa ko sa mga nakalipas na panahon.

Pinilit kong magmukhang professional kahit sambakol ang mukha ko. Ayoko namang magmukhang kawawa sa harap ng kaibigan ni Levi. Oo, kaibigan niya ang CEO ng kompanyang pinagttrabahuhan ko. Small world, right? Kaya nga lalong tumindi ang pananalig ko na balang araw ay matitikman ko rin siya.

"Good morning Sir. Pinabibigay po ni Miss April." dahan dahan kong inilapag ang folder sa table niya dahil busy siya sa pagtipa ng mga letra sa kanyang desktop.

Tumango lang siya. Ni hindi niya ko tinignan. Well, sanay naman kami sa kanya dahil likas siyang suplado. Hindi rin naman kami nagrereklamo dahil gwapo siya, at talagang magaling siyang mamahala ng kompanya.

Lumabas na ako ng office niya at parang gusto kong bumalik ulit doon nang makita ko kung sino ang paparating. May kasama siyang babae at naka-akbay siya rito. Nagtatawanan sila na akala mo ay mga baliw.

Bigla akong nakaramdam ng hiya nang malapit na sila sa'kin. Shit. Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Bakit ba kasi napaka desperada mo Chastine?

Diretso lang sila sa paglalakad na parang hindi nila ko nakita. Sige lang Levi, isinusumpa ko, darating din ang araw na maglalaway ka sa'kin. Itaga mo yan sa hotdog mo.

"Ah Miss.." napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya. Kilalang kilala ko ang  boses na 'yon.

Lumingon ako kaagad, "yes--"

At nakita ko siyang kinakausap yung secretary ni Sir Ace na si Mae. Tsk. Akala ko pa naman ako yung tinatawag niya. Kainis. Desperada na nga assumera pa.

Bago ako tumalikod ay nakita ko pa siyang nag-smirk sakin o sa tao sa likod ko? Ah ewan. Bahala ka sa buhay mo Levi. Magpapahinga na muna ako sa pangaakit sa'yo. Ayaw mo sa virgin? Sige. Pero asahan mo, babalik ako sa pangaakit sa'yo kapag hindi na ko virgin, patulan mo lang ako.

*

“Bakit kanina ka pa ata nakasimangot dyan Lira?” tanong ni Mimi na officemate ko.

Lunch break namin ngayon at nandito kami sa cafeteria na nasa 11th floor ng building namin.

“Wala. Bakit ba kasi walang nanliligaw sa'kin?” I murmured.

Kailangan ko na talaga madevirginize sa lalong madaling panahon nang maanakan este maikama na ko ni Levi.

“May lagnat ka ba? Akala ko ba ayaw mo magpaligaw?” she asked.

“I need someone to devirginize me.” Saad ko.

Napanganga naman siya. Then she burst out laughing. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

“Baliw! Atat makatikim ng masarap, ganon? Maghanap ka na kasi ng boyfriend. Jusko! Kung anu anong pumapasok sa isip mong babae ka.” She said trying to contain her laughter.

“Seryoso ako noh.”

“Wag ka kasi nood ng nood ng porn.”

Napairap na lang ako. Bakit baa yaw niyang maniwala na seryoso talaga ko? At saka hindi ako nanunood ng porn noh! Ang porn hindi lang dapat basta pinapanood, kailangan ginagawa. Ano bay an, ang manyak ko.

“Teka, kailangan mo talaga ng lalaki? Naalala ko kasi yung pinsan ko na may gusto sa’yo. Gwapo yun, kaso torpe kaya hindi ka magawang lapitan.” Sabi niya habang tinataas baba ang dalawang kilay.

27 Steps to His Bed ✓Where stories live. Discover now