27th Step

21.4K 482 26
                                    

“Ma’am, may naghahanap po kay Doc sa labas.” sabi ni Manang.

Sabado ngayon at kasalukuyan kong tinuturuan magbasa si Maxine. Ito ang naging pampalipas oras naming dalawa sa nakalipas na mga buwan.

“Sino daw po?”

“Mayen daw po ang pangalan.” sagot ni Manang. Bigla kong nabitawan ang lapis na hawak ko at natigilan ako.

“Si Mama!” excited na sabi ni Maxine at tumakbo papunta sa may pintuan.

Anong ginagawa niya dito? Kukunin na ba niya si Maxine? Napamahal na sa’kin yung bata at itinuring ko na rin itong isang tunay na anak. Nakaramdam ako ng magkahalong kaba at lungkot. Pilit kong pinakalma ang sarili ko bago ako tumayo para sundan si Maxine. For the first time, ay magtatagpo ang landas namin ni Mayen.

“Mama, namiss po kita.”

“Baby, namiss din kita. Kamusta ang pakiramdam mo? Nagpakabait ka ba dito?” tanong ng babaeng nakaluhod na mahigpit ang yakap kay Maxine. Aaminin ko, nakaramdam ako ng kaunting selos. Alam ko wala akong karapatang magselos dahil siya naman ang tunay na ina, pero sa loob ng ilang buwan ay ako ang tumayong ina ni Maxine.

“Opo. Magaling na po ako. Lagi po kasi ako inaalagaan ni Mommy Chas, at saka po ni Daddy.”

Nag-angat ng ulo ang babae at tumingin sa’kin. Nginitian niya ako ngunit hindi ko nagawang ngumiti pabalik. This time, I felt insecure. Tama ang sinabi ni Ace, she’s beautiful. Ang amo ng mukha niya tulad ni Maxine. Hindi rin halata na may anak na siya. Naconscious tuloy ako bigla sa sarili ko. Pakiramdam ko ay nagmukha akong losyang kahit wala pa akong anak.

“Mommy Chas, siya po ang Mama ko.” sabi sa’kin ni Maxine. Mababakas sa mukha niya ang sobrang saya nang makita ang ina.

“Ikaw pala si Chastine, maraming salamat sa pag-aalaga sa anak ko.” she said sincerely.

Gusto ko siyang irapan at palayasin sa loob ng pamamahay na ‘to pero hindi ko magawa. Paano ko magagawa kung ganyan ang ipapakita niya sa’kin? Pakiramdam ko ay napaka sama kong tao. Ngayon ay alam ko na kung kanino nagmana si Maxine.

I just smiled at her. Ang gaan kaagad ng pakiramdam ko sa kanya na parang hindi kami magkaribal sa isang lalaki. My God. Naloloka na yata talaga ‘ko.

“Maupo ka muna. Tatawagan ko si Levi para sabihing nandito ka.”

“Manang, pakihanda naman po ng merienda ang bisita natin.” utos ko kay Manang saka ako pumunta sa kwarto para tawagan si Levi.

“Yes, Baby? Miss mo na ‘ko?” malanding sabi niya pagkasagot ng phone. Napairap ako. Kung pwede ko lang siyang hilahin palabas sa phone para sabunutan ay ginawa ko na.

“Nandito ang ex mo.” seryosong sabi ko.

“Si Mayen?” mababakas ang pagkabigla sa boses niya.

“Sino pa nga ba? Kaya kung pwede lang bilisan mo at umuwi ka na dahil hindi ko kayang pakiharapan ng matagal ang ina ng anak mo. Hindi ako magaling makipag plastikan.” pinatay ko kaagad ang tawag.

Naiinis ako. Bakit ba kasi bigla na lang sumulpot ang babaeng ‘yon? Nakakairita ang pagiging mabait niya. Bwisit. Feeling ko tuloy ay wala akong karapatan maging rude sa kanya. Mas gugustuhin ko pang makaharap ang malditang kakambal ni Levi kesa sa mala-anghel na ex nito.

Bumalik ako sa sala kung saan naroon si Maxine at Mayen. As much as possible ay hindi ko tinitignan si Mayen dahil lalo lang akong naiinsecure. Na kay Maxine lang ang atensyon ko habang hinihintay si Levi. Kung pwede ko lang sana hilahin ang oras ginawa ko na.

27 Steps to His Bed ✓Where stories live. Discover now