1st Step

52.4K 780 48
                                    

SEDUCTION..

Lumunok muna ako ng maraming laway habang pinagmamasdan ang pintuan na kanina ko pa gustong pasukin. Pakiramdam ko ay tuyong tuyo ang lalamunan ko kahit naka limang litro ata ako ng tubig kanina bago ako lumabas ng unit ko.

"This is it Lira Chastine Manalo, it's your time to shine." pagpapalakas ko sa loob ko.

Inayos ko ang push up bra na aking suot para lalong lumabas ang maganda kong cleavage sa plunging neckline ng suot kong mini dress.

Pinulot ko na ulit yung ulam na inilapag ko kanina bago ko pinindot ang doorbell sa harapan ko. I waited for a few second which seems like forever before a man with sexily messed hair opened the door. I smiled wildly.

"Ah, hi Levi." I greeted and he looked sharply at me.

Itinaas ko yung ulam na nasa tupperware para malaman niya kung anong isinadya ko rito. Baka kasi isipin niya nandito lang ako para mang-akit which is actually my main reason.

"Kelan ka ba titigil Chastine?" He asked exasperatedly.

I know I'm supposed to be hurt sa tono ng boses niya. But call me crazy dahil napangiti pa rin ako. Kasalanan ko ba kung kinikilig ako kapag binabanggit niya ang pangalan ko? Simula noong tinawag niya kong Chastine ay sinabihan ko lahat ng kakilala ko na Lira na ang itawag sa'kin dahil gusto kong si Levi lang ang tumawag sa'king Chastine. Oh my God!

"Hindi ako titigil hangga't hindi nagiging tayo." I bravely answered and I winked at him.

Juice colored. Dalawang taon ko na itong ginagawa at ngayon pa ba ko susuko? Ano ba kasing ayaw niya sa'kin? Maganda naman ako, mabait, masipag, masarap magluto, mapagmahal, matangkad, makinis, maganda ang hubog ng katawan, at vir--

"I told you, hindi ako pumapatol sa virgin." sabi niya na parang nabasa niya ang laman ng isip ko.

"Then devirginize me." I offered and gave him a seductive smile.

He just stared blankly at me.

Kasalanan ko ba na virgin pa rin ako at the age of 22? Kasalanan ko ba na kaya ako naghahabol sa kanya ngayon dahil buo na ang loob ko na siya ang gusto kong mag devirginize sa'kin? Bwiset naman kasi, bakit ba kasi  takam na takam ako sa lalaking 'to na sasaksakan ng babaero? Isa pa yon sa hindi ko matanggap e, kahit sinong babae basta sexy ikinakama niya tapos ako inaayawan niya. Sino ba kasi nakaimbento nito pepektusan ko.

I was surprised when he lifted my chin and our eyes met. The fuck! It's working. Sa wakas papatulan na niya ko. Give it to me baby. I closed my eyes. I can feel his breath touching my face.

"Not now Chastine. Not now." Binitawan niya ang baba ko kaya napamulat ako ng mga mata.

Ano ba yan. Kiss na nga lang di pa maibigay. I inwardly groaned.

"Honey, what's taking you so long?" tanong ng isang babae na kalalabas lang ng kwarto niya. Nakabalot sa katawan nito ang kumot at sa tingin ko ay wala siyang suot na kahit ano sa ilalim noon.

I felt my heart clenched. Ang sakit lang na kahit ilang beses ko pa ialay ang maganda kong katawan sa kanya ay mas pinipili pa rin niyang iba ang ikama. Palagi niya kong tinatanggihan. Ano bang ayaw niya sa'kin bukod sa virgin ako? Hindi ba nga dapat mas matakam pa siya sa'kin dahil iyon ang gusto ng mga lalaki? Pambihira talaga tong si Levi, kaya lalo ako naiinlove e.

"Nothing." I saw him smirked before he closed the door in my face.

Hindi man lang kinuha tong niluto ko. Ang kati kati talaga ng lalaking yun. Maging akin ka lang talaga Levi, maya't maya ko yan kakamutin. I giggled at the thought. Pati ang aking kasangga down there ay nakikisama sa kilig.

27 Steps to His Bed ✓Where stories live. Discover now