[STWHB] Step 14

19.6K 392 22
                                    

"Nah. I'm just kidding-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang bigla kong hinablot ang buhok niya. Walang hiyang lalaking 'to.

"Aray! Chastine, masakit!"

"Bwisit ka! Pinakaba mo 'ko! Siraulo ka! Tama bang gawin mong biro yun?! Argh! Sasakalin kita!" gigil na sabi ko habang patuloy ako sa pagsabunot sa kanya. Kung alam niya lang kung gaano niya ko pinakaba dahil sa hindi nakakatuwang biro niya. Ang sarap niyang gilitan sa leeg.

"Ahh. Ahrahyy!" hinawakan niya ako sa braso at bigla akong natauhan. Kunot noo ko siyang tinignan at napabitiw ako sa pagkakasabunot sa kanya.

"Aray! Ginising lang kita bigla ka na nanabunot. Tsk." reklamo niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang kanyang kamay.

"Si Levi.." nanghihinang sabi ko.

"Kaya nga kita ginising, tumawag si Insan at nagpapasundo sa airport. Baka gusto mong sumama."

"Hindi totoo yung plane crash?" nakahinga ako ng maluwag.

"Anong plane crash? Panaginip mo lang yun." kunot noong sagot niya at tinulak ang noo ko gamit ang kanyang hintuturo.

"Ouch." ngumuso ako. Huminga ako ng malalim. Buti at panaginip lang pala dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling totoo man yun.

"Humanda ka! Isusumbong kita kay Levi!" sabi ko nang ulitin niya ang pagtulak sa noo ko. Nagpahabol pa ako ng pagbatok sa kanya at pinandilatan siya ng mata. Kung hindi lang talaga ko buntis bugbog sarado talaga sa'kin 'tong lalaking 'to. Leche.

"Wag. Papatayin ako nun." inayos niya ang damit niya na halos mapunit na dahil sa kagagawan ko.

"Tss. Magbihis na kayong dalawa. Wag ka na magpaganda baka hindi kita dalhin kay Insan at itanan na lang kita." sabi niya at bahagyang humina ang kanyang boses sa bandang huli.

"Ano?"

"Wala. Sabi ko magbihis ka na. Mainipin pa naman si Navarro. Hintayin ko kayo sa kotse." sagot niya saka siya lumabas.

-

Hyatt's POV

Kung hindi lang kasalanan ang mang-agaw ng asawa ng iba ay ginawa ko na. Kung hindi ko lang pinsan si Levi ay malamang matagal ko nang niligawan si Chastine. Kung hindi ko lang alam na matindi ang tama ng pinsan kong 'yun kay Chastine malamang ay hindi ko ito pinaubaya.

Unang beses pa lang na nakita ko siya ay tinamaan na talaga ako. I was in third year college back then..

"Sino yun?" tanong ko sa isa kong kasamahan sa varsity team.

"Sino? Yung naka-pula?"

"Hindi. Yung naka-puti." sagot ko. Hindi maalis ang tingin ko sa babaeng iyon. Napaka-ganda niya.

"Ah, si Chastine. Type mo? Kaklase yan ni Leo."

Chastine. Napaka-gandang pangalan. It suits her well. Lalapitan ko sana siya nung araw na yun pero nataranta ako nang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Imbes na lapitan at kausapin siya ay nilagpasan ko ito.

Iyon ang unang beses na natorpe akong lumapit sa isang babae. It was just weird. Akala ko ay mawawala rin ang nararamdaman kong iyon kapag nagtagal pero hindi. Dinadaga pa rin ako tuwing sinusubukan kong lapitan siya dati. Until the night of her debut.

"Lu, sigurado ka bang ayos lang 'tong suot ko?" tanong ko sa pinsan ko na si Luanne. She is a fashion designer at siya mismo ang nagdesign ng damit na 'to.

"Of course. Basta ako ang nagdesign siguradong maganda. For sure hindi ka matatanggihan ng babaeng tinutukoy mo kapag inaya mo siyang sumayaw mamaya."

27 Steps to His Bed ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz