21st Step

19.4K 362 15
                                    

“Wag na wag ka magkakamaling saktan ang kaibigan ko dahil hindi ako magdadalawang isip na gantihan ka.” seryosong sabi ni Mimi. Bigla na lang itong sumulpot mula sa kung saan. Hindi namin namalayan ang pagdating nito.

“Maldita ka talagang babae ka, eh. Sabihin mo lang kung gusto mo ng away dahil ako ang makakaharap mo. Hindi kita uurungan.” mataray na sabi ni Mimi bago niya binitawan ang kamay ni Luanne.

“Excuse me, but I won’t stoop down to your level, Dear.” and there’s that sarcastic sweet smile again. Hindi ko talaga akalain na ganito kasama ang ugali niya. Sobrang sweet niya kasi kapag kaharap niya si Levi. Feeling ko tuloy ay natatakot lang siya na mawala ang atensyon ni Levi sa kanya kaya niya ito ginagawa. She’s a jealous sister.

“Aba’t sinusubukan yata ako ng malditang ‘to. Hoy, babae, kahit pa isa kang Navarro ay hindi kita sasantuhin sa oras na galawin mo ang kaibigan ko.” pagbabanta ni Mimi pero inirapan lang siya ni Luanne. Napangiti na lang ako sa pagtatanggol sa’kin ni Mimi. Akala mo naman sobrang naagrabyado ako.

“Hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban mo. Jusko lang, ha! Pero para sabihin ko sa’yo, hindi ko inaaway yang kaibigan mo. I came here to give her warning. Dyan na nga kayo!” sabi ni Luanne at nag walk out.

“Okay ka lang ba? Nandyan pa ba sa loob ng tiyan mo yung baby mo? Jusko! Kung alam ko lang na pupuntahan ka ng bruhang kakambal ng fiance mo inagahan ko sana ang pagpunta dito.”

“Gaga. Di niya ko sinaktan physically kaya wag kang OA. Ang ganda ng timing mo, eh. Ang taray pa ng mga linya mo. Di ko kinaya. Haha.”

“Gagang buntis ‘to. Ikaw na nga pinagtanggol ganyan ka pa. By the way, you’re welcome, ha!” sarcastic niyang sabi.

“Eto na nga, oh magpapasalamat na. Excited ka masyado. Thank you.” umupo ako sa sofa dahil para akong inagawan ng lakas sa mga pinagsasabi ni Luanne. Hindi ko maintindihan kung ano ang gusto niya. At saka anong warning ang pinagsasabi niya? Nasisiraan na ba siya ng bait? Ganun ba talaga ang mga walang love life?

“Ano yang pinapanood mo, Teh? Porn na naman?”

“Excuse me lang, ha. Hindi ako nanunuod ng porn. Wag mo ko igaya sa’yo. Hindi ko hobby ang past time mo.” inirapan ko siya. Puro kapornohan ang alam ng babaeng ‘to. Igagaya pa ko sa kanya.

“Excuse me din. Hindi rin ako nanunuod nun. Eew lang ha.” nagcross legs pa talaga siya at kumuha ng pagkain ko.

“Deny pa.” pangaasar ko. “Bakit ka nga pala nandito?”

“Tinawagan lang naman ako ng kapatid mo at pinakiusapan na samahan ka mamasyal dahil hindi ka raw niya masasamahan—Oh my! Sigurado kang hindi porn yang pinapanuod mo? Bakit may gwapong nilalang diyan na tumatakbo ng naka-boxers lang?” tinitigan pa talaga niya ang screen ng laptop ko. “Ay, infairness, ang yummy ni kuya. Kahawig siya ni Doc. Ganyan din ba kayummy ang katawan ni Papa Levi?”

Sinamaan ko siya ng tingin.

“Ito naman, parang nagtatanong lang naman yung tao. Wala naman akong balak agawin siya sa’yo.” tumawa siya at pinakialaman ang laptop ko. Ibinalik niya dun sa eksena na tumatakbo ng naka-boxers si Jaejoong saka siya nagtitili. Ang harot talaga nito kahit kailan.

Nanood lang kaming dalawa hanggang sa dumating si Levi at nagpaalam na rin si Mimi. Sigurado itutuloy nun ang panunood pagdating na pagdating nun sa bahay nila.

“Kumain ka na?” walang ganang tanong ni Levi. Tumango ako. Umupo siya sa tabi ko at pumikit. Mukha siyang pagod at problemado.

Isinara ko ang laptop ko saka ako humarap sa kanya, “Okay ka lang? Ano bang problema?”

27 Steps to His Bed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon