15th Step

24.6K 566 7
                                    

"Good afternoon Doc." malanding bati sa kanya ng mga babaeng nurse na nakasalubong namin. Bakit ang daming malandi sa mundo? Ito namang lalaking 'to halatang tuwang tuwa na may nanlalandi sa kanya. Magkaka anak na at lahat ang landi landi pa rin.

Kumapit ako sa braso niya tapos tumingin siya sa'kin. He looked amused and I frowned at him. Huminto siya sa paglalakad at pinisil ang ilong ko.

"Stop frowning. Baka makasama kay baby." sabi niya at hinalikan ako sa noo. Naku naman talaga 'tong lalaking 'to, lakas mag-PDA. Kinikilig tuloy kami ni baby sa tummy ko.

"Mas makakasama kay baby yung paglalandi mo sa iba." I pouted.

"Hey, wala akong ibang nilandi ever since naging tayo." sagot niya.

Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko para magsalita nang may tumawag sa kanya.

"Levi."

Lumingon kami pareho sa babaeng tumawag sa kanya. Mahaba ang kulot nitong buhok na mukhang masarap sabunutan. Matangos ang ilong nito na masarap paduguin. Mapupula ang mga labi nito, gawa ng lipstick, at nakakagigil pasabugin. Angat na angat din ang mga mata nito na makapal ang eyeliner, mas aangat siguro ang mga ito kung lalagyan ko ng blackeye.

"Carla." sagot niya. Familiar ang babaeng ito. Tinitigan ko ang name plate niya saka ko naalala kung sino siya. Siya yung malanding doktor nung medical mission. Si santa santita Santilian.

"Oh yeah, I'm here to give you this." she took out a familiar watch from her bag, it's Levi's. "You left it in my suite."

Tumingin ako kay Levi na mukhang hindi alam ang gagawin. Ngayon ko lang napansin na wala siyang suot na relo. Bakit ba hindi ko ito kaagad noong dumating siya kahapon?

"Thanks." He half-smiled before he looked at me. I just rolled my eyes at him.

Bwiset 'to. Kasasabi lang niya na wala siyang ibang nilalandi tapos heto at may babaeng lalapit sa'min para ibigay ang naiwan niyang relo. Magkasama ba sila sa Singapore? Medical conference ba talaga ang ipinunta niya doon o naglandi lang siya?

"Galing ako sa clinic mo kanina pero wala ka. Mind if I invite you to have some coffee? May sasabihin kasi ako." tanong ng babae na hindi ko matandaan ang pangalan dahil hindi naman talaga ito katanda tanda.

"Maybe next time." sagot ni Levi. Inakbayan niya ko at nagsimula na maglakad.

"Levi, it's about Mayen."

Napatigil siya sa paglalakad pagkarinig sa sinabi ng malanding doktor. Tumingin sa'kin si Levi as if asking for permission. Papayag ba ko? Kaso parang gusto ko rin uminom ng kape kaya napa-oo na lang ako.

"Ah Chastine, diretso ka nalang sa room na 'yon." itinuro niya ang ikalawang pinto sa kanan mula sa kinatatayuan namin, "Susunod na lang ako. Sandali lang kami." Ngumiti siya.

"Teka, hindi mo ko isasama?" I asked and he shooked his head.

Para akong maiiyak sa sagot niya. Ganito ba talaga ang buntis? Nagiging madrama ang buhay. Langya naman kasi e. Hahayaan niya ko magpavheck magisa sa OB para lang makapaglandi siya. Bwiset. Sino ba kasi 'tong bruhang 'to na mukhang mangkukulam? Ang kapal ng mukha niya para agawin ang Levi ko.

"Ah ganon. Mas gusto mo pang sumama dyan sa mangkukulam na yan kesa samahan ako?!"

"Chastine, watch your mouth." He warned. Parang nagpanting ang tainga ko dahil sa warning na 'yon. Watch your mouth?

"Watch my mouth? Bakit ayaw mo bang masabihang mangkukulam yang babae mo? Totoo naman--"

"Shut up. You're being childish."

27 Steps to His Bed ✓Where stories live. Discover now