23rd Step

18.9K 393 30
                                    

Sorry kung natagalan ang UD. Isang linggo ko ring piniga ang utak ko para dito, kaso wala, eh. Kinakalawang na naman ang utak ko. Hindi ko kasi maramdaman ang malanding kaluluwa ng bida, nagbakasyon ata sa Korea. :3

Anyways, thanks ulit sa magandang comment mo sa PHDG, Ate Glai. <3

-

Kung may mga tao na masasabi mong hindi ka iiwan kahit anong mangyari, iyon ay ang pamilya mo. I am thankful na naiintindihan nila ang kalagayan ko. Dahil sa kanila kaya kinakaya ko ang lahat ng ito.

Nagkaayos na rin kami ni Mommy. Humingi ako ng tawad sa lahat ng nasabi ko at sa mga nagawa ko. She also did the same. Humingi siya ng tawad para sa mga pagkukulang niya and she asked for a chance to make it up to us.

“Chas, gusto mo bang mamasyal mamaya? May bagong bukas na resto dyan sa malapit. Wanna try?” tanong ni Gui. Ewan ko ba pero feel niya talaga umastang Kuya ko.

“Next time na lang siguro.” I smiled weakly at him. Wala pa rin ako sa mood lumabas ng bahay.

“Mahigit isang linggo ka na dito sa bahay. Hindi ka ba nababagot?”

I shook my head. Tumabi siya sa’kin sa inuupuan ko saka niya ko inakbayan.

“Ate, walang mangyayari kung magmumukmok ka lang dito. Move on din. Yung gagong doktor nga na yun mukhang walang pakialam sa’yo, eh. Ni hindi ka man lang dinadalaw. Wag talaga magpapakita sa’kin yung gagong yun, bubugbugin ko yun.” sabi niya na nakakuyom ang kamao. Hindi pa ito nakuntento at sinuntok ang center table.

“Ouch!” reklamo niya. Napairap na lang ako saka tumawa. Baliw talaga ‘tong batang ‘to.

“Ayan. Tumatawa ka na.” he laughed as he pulled me closer to give me a hug.

“Baliw ka kasi.”

“Kung kailangan ko masaktan araw araw para lang tumawa ka, gagawin ko.” huminga siya ng malalim. “Chas, gusto ko kumain ng cake.” malambing niyang sabi.

Kumalas ako sa yakap niya saka ko siya kinurot sa pisngi, “Kaya pala nagpapaka sweet na naman ang kapatid ko kasi may kailangan sa’kin.”

“Hindi naman sa ganun. Namiss ko lang yung gawa mong cake.” sabi niya na naka nguso.

“Oo na. Check mo muna kung kumpleto ang ingredients diyan. Kung hindi, bumili ka muna.” I smiled at him.

“Aye aye, Captain.” tumayo siya kaagad para pumunta sa kusina. Kung may tao na talagang nageeffort para maging masaya ako, si Guiraud yun. He always cheers me up.

“Walang strawberry. Bibili lang ako. Sama ka, Chas?”

“Ikaw na lang. Ireready ko na lang yung mga gagamitin.”

Pagkaalis ni Gui ay inayos ko na ang mga gagamitin ko. I tried to focus on what I was doing. Ayoko na munang magisip ng kung anu ano. Gusto kong ipahinga ang utak ko. Tama si Gui, walang mangyayari kung magmumukmok lang ako dito.

“Sir, hindi po kayo pwedeng pumasok.”

“Sir, hindi po talaga pwede. Kabilin bilinan po ng mga amo namin na wag kayo papasukin.”

Ano yung ingay na ‘yon? Kumunot ang noo ko. Hinubad ko ang suot kong apron saka ako pumunta sa pinanggagalingan ng ingay.

“Manang, anong problema—“

“Chastine!”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita ko si Levi na nagpipilit pumasok sa bahay. Pinipigilan siya ng mga kasambahay pero mukhang wala itong balak magpapigil. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw at nanatili akong nakatitig sa kanya. Mahigit isang linggo lang kaming hindi nagkita pero parang ten years kaagad ang itinanda niya. Bukod doon ay mukhang isang linggo din siyang hindi nagshave. Medyo mahaba na ang balbas niya. Mukhang napabayaan niya ang sarili.

27 Steps to His Bed ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon