[STWHB] Step 12

17.6K 389 15
                                    

Kinabukasan ay bumalik na rin kami ng Manila kasama si Maxine. Levi has been very quiet since that incident. Hinayaan niya lang ako kung ano ang gusto kong gawin. At hindi ko maiwasang malungkot. Alam mo yung feeling na kahit alam mong nandiyan siya ay hindi mo siya maramdaman?

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nun at kapansin pansin ang pagbabago ng pakikitungo niya sa'kin. Hindi naman niya ako iniiwasan o kung ano man pero ramdam ko yung coldness. Ang sakit sa dibdib.

"Good morning, Mommy." bati sa'kin ni Maxine pag gising ko. Nanunuod siya sa may sala at si Manang naman ay naglilinis ng bahay.

"Good morning. Si Daddy mo?" tanong ko. Alas siete pa lang ng umaga kaya nagtaka ako na wala siya dito sa bahay. Alas otso kasi siya usually umaalis ng bahay.

"Kanina pa po umalis." she answered.

Nakaramdam ako ng pagkahilo habang umiinom ako ng tubig. Actually, kanina pag gising ko ay masakit na ang ulo ko. Para akong magkakasakit.

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" tanong ni Manang. Inalalayan niya ako para makaupo.

"Nahilo lang po ako." sagot ko.

"Tatawagan ko po ba si Doc?"

"Hindi na po, Manang. Okay lang ako."

"Sigurado kayo, Ma'am? Kabilin bilinan po kasi ni Doc na tawagan ko siya kapag may nangyari." nagaalangang sagot ni Manang.

"Opo, Manang. Babalik na lang ako sa kwarto. Kayo na ho bahala kay Max."

"Sige, Ma'am. Gusto niyo bang dalhan ko kayo ng pagkain sa taas?"

"Marunong ka magluto ng pinapaitan, Manang?" I suddenly asked. Bigla kasing pumasok sa isip ko yun.

"Oo, Ma'am. Gusto niyo bang ipagluto ko kayo?"

Kumain kaagad kami matapos magluto ni Manang. Mas masarap daw kasi yung papaitan kapag mainit pa. Actually, ang dami kong nakain. Ang sarap naman kasi talaga. Ayaw ko pa nga sanang tigilan kaso baka sumabog na ang tiyan ko sa sobrang kabusugan.

"Nandun po sa kitchen. Kumakain." dinig kong sabi ni Maxine. Sino kaya kausap niya?

Itinuloy ko pa rin ang pagkain ng lansones at hindi na ako nag-abala pa na tignan kung sino ang kausap ni Maxine. Ang hirap ng napipirmi sa bahay, walang ginawa kundi ang kumain at matulog. Try ko kaya mag-apply sa isang restaurant? Baka sakaling bilhin din yun ni Levi. Haha. Parang gusto ko kasi itry mag-manage ng isang restaurant. Pero pwede rin namang magpatayo na lang ako ng sarili ko, kaso baka hindi kayanin ng savings ko. Hindi naman kasi yun ganun kalaki. Haay.

"Chastine?"

Muntik ko na malunok yung buto ng lansones nang marinig ko ang boses ni Levi. Nilingon ko ito kaagad. Ang aga yata niya ngayon?

"Ang aga mo?" I smiled awkwardly. Naninibago talaga 'ko sa kanya.

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako mula sa likuran. Damang dama ko ang init ng kanyang katawan. Pakiramdam ko ay bigla akong sinilaban.

"Namimiss na kita." he whispered against my neck. I gasped. Bigla akong kinilabutan. Ilang araw din kaming naging awkward sa isa't isa tapos ngayon bigla na lang niya 'kong hahalikan sa leeg. Kaloka.

"Levi.." I moaned.

"Mababaliw na yata ako, Chastine." he said weakly as he claimed my lips.

"Let's make love." he whispered hoarsely. I closed my eyes and nodded obediently.

Ngayon lang ulit siya nag-initiate mula nang makauwi kami. Akala ko tuloy ay ayaw na niya sa'kin kaya siya nanlalamig.

"You're making me crazy." he said while we were busy undressing each other inside our bedroom. He pinned me against the wall and pressed his body against mine.

27 Steps to His Bed ✓Where stories live. Discover now