Special Chapter

17.5K 364 21
                                    

Napangiti ako habang pinapanood ang magaama ko na naglalaro ng basketball sa likod ng bahay namin. Magkakampi sina Levi, Charles, at Tamtam. Tapos sina Light, Charlie, at Zabdiel naman sa kabilang team. At ang walangyang asawa ko ay inaakit na naman ako. Chos! Bakit ba kasi wala siyang suot na pangitaas. Jusko! Nagkakasala ako at kung anu anong maruruming bagay na naman ang pumapasok sa utak ko habang pinapanood ko siya at nakikita ko ang pagtagaktak ng pawis niya. Kaloka!

"Dad, pasa mo sa'kin." excited na sabi ni Tamtam na nakataas ang dalawang kamay at sinesenyasan ang Daddy niya. Pinasahan naman siya ni Levi.

"Kuya Z, tawag ka ni Mommy." sabi niya kay Zabdiel na binabantayan siya. Lumingon sa direksyon ko si Zabdiel at sinamantala naman iyon ni Tamtam para makashoot. Mautak!

"All 27!" masiglang sigaw ni Tamtam.

"Madaya ka! Di ka na makaka-score ngayon." sabi ni Zabdiel na siya namang may hawak ng bola. Pinasa niya muna ito kay Charlie at ibinalik din sakanya saka niya shinoot. Hindi siya mabantayan ng maayos ni Tamtam dahil di hamak na mas malaki siya dito.

11 years old na si Zabdiel, 9 naman si Tamtam, 15 yung kambal, at 16 si Light. Grabe. May mga binata na ako. Parang kahapon lang karga karga ko pa sila at hindi pa sila marunong maglakad. Pero ngayon marunong na sila maglaro ng basketball. Haay. Ang bilis nila lumaki.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa'kin si Levi at hinalikan ako sa tungki ng ilong. Old habits die hard. Hanggang ngayon ang hilig pa rin niya manghalik sa ilong. Inabutan ko siya ng tubig at kinuha ko ang towel na nasa tabi ko para punasan ang pawis niya. Napalunok ako. Kahit malalaki na ang mga anak namin ay halos wala pa ring pinagbago si Levi. Yummy parin siya.

"Mmy, water." lumapit sa'min si Tamtam na basang basa din ng pawis.

"Magpahinga ka na. Basang basa ka na ng pawis, Tam. Palitan mo na yang damit mo." inabutan ko siya ng tshirt at towel.

"Boys, tama na yan. Magpahinga na kayo." tawag ko sa mga Kuya niya na naghahabulan naman ngayon. Pasimuno na naman si Charlie. Akala mo hindi 15 years old kung makipaglaro sa mga kapatid niya. Mas mahilig pa nga ata siya maglaro kaysa kay Tamtam.

Isa isa naman silang lumapit sa'min. Parepareho silang hinihingal habang nagtatawanan. Hindi ko alam kung ano ang tinatawanan nilang apat.

"Mmy, may practice nga pala kami mamaya." sabi ni Charlie.

Kasali si Charlie sa isang boy group sa school nila. Mga naggugwapuhang teenagers na magaling sumayaw at kumanta. Bassboat ang pangalan ng grupo nila. At syempre ang anak ko ang pinaka gwapo. Haha. Dito sila sa bahay madalas magpractice at may sarili silang practice room dito. Syempre kailangan full support kamin mag-asawa sa mga hilig ng mga anak namin.

Si Charles ay walang hilig sa pagsayaw dahil sa kasamaang palad ay minana niya ang matigas na katawan ng Daddy niya. Pero varsity naman siya ng basketball team sa school nila. Mas okay na rin yun, atleast hindi malilito yung mga tao kapag nasa iisang team silang kambal dahil hanggang ngayon ay magkamukhang magkamukha pa rin sila.

Si Zabdiel naman ay nasa basketball team din ng school na pinapasukan niya. At marami ang nagsasabi na malaki ang potential niya sa paglalaro nito.

Si Light naman ay nasa College na ngayon. Kaso ni minsan ay hindi ko pa siya nakitang magbuklat ng libro niya. Hindi na rin naman ako umaangal dahil matataas pa rin naman ang grades niya. At nasa Dean's List din siya.

Si Tamtam naman ay mahilig pa rin kumain. Though, hindi na siya chubby dahil nahihilig din siya ngayon sa pagsasayaw. Madalas siyang makigulo kapag nagpapractice sila Charlie.

"Mommy!" sigaw ng isang batang babae na tumatakbo palapit sa'min. Hinahabol siya ng yaya niya.

"Twinkle." yumakap siya agad sa'kin at humalik sa pisngi ko.

27 Steps to His Bed ✓Where stories live. Discover now