Epilogue (The Last Step)

23.3K 471 49
                                    

"Daddy!" sinalubong ako ni B pagdating ko sa school nila para sunduin sila. Ako mismo ang naghahatid at sumusundo sa kanila sa school. Ayaw kong ipagkatiwala sa iba ang bagay na kaya ko namang gawin.

"Where's A and Kuya Light?" pinunasan ko ang pawis niya. Masyado kasing makulit ang batang 'to. Araw araw na lang tuwing sinusundo ko siya ay mukha ng basahan ang uniform niya.

"There's Charles. And Light is.." he paused then shrugged, "Dunno."

"Charlie, diba sabi ko sa'yo tawagin mong Kuya si Kuya Light mo. How many times do I have to tell you that?"

"Oh, Dad, there's Light—Oops! I mean Kuya." itinuro niya ang batang lalaki na nakaupo sa bench at may hawak na libro.

Light is kinda weird. I mean, he's weird for his age. He loves reading books. And he's only five but acts like a 25 year old. Well, he is a genius. I'm not saying this because he's my son, but yeah he really is a genius.

"B, you call your twin. And I'll go to your Kuya."

Nilapitan ko si Light na tumingin at ngumiti lang sa'kin saka ibinalik ang atensyon sa binabasa niya.

"Hey, Kiddo, what are you reading?" tanong ko at inakbayan ko siya.

"Flowers for Algernon by Daniel Keyes."  walang ganang sagot niya.

Nanlaki ang mata ko. Teka, high school na 'ko nang basahin ko yang story na yan, ah. This kid is unbelievable. Five years old at binabasa yun?

"Where did you get that?"

"In your library, Dad. Are we going to visit Mommy later?" isinara niya ang binabasa niya at inilagay sa bag niya.

Tumango ako. Kinuha ko ang bag niya pati na rin ang bag ng kambal para ilagay sa kotse.

"A, where's B?"

Yung inutusan kong tumawag sa kanya iyon naman ngayon ang wala. Nakita kong nakikipag laro si Charlie sa iba pang mga bata. Tinawag ko siya. Parang nagdadalawang isip naman itong nagpaalam sa mga kalaro niya at sumakay sa kotse.

"Magpalit muna kayo ng damit." utos ko. Pawis na pawis kasi silang dalawa. Lalo na si Charlie na sobrang dungis. Napansin ko rin ang butas sa shorts nito. Napailing na lang ako. Ilang shorts na ba ang nabutas ng batang 'to? Hindi naman ganyan si A.

"Dad, we're going to the cemetery, right?" tanong ni Charles.

"Yes. Dadaan lang tayo dun." nakita ko ang pagnguso ni Charlie. Takot siya sa multo kaya hindi siya kumportable tuwing pumupunta kami sa sementeryo.

"Dad, can I just stay here in the car?" tanong ni Charlie.

"No. You'll come with us." bumaba na ako at kinuha ang bulaklak na binili ko kanina. Sumunod din sina A at Light.

"B, let's go." hinawakan ko ang kamay niya at nakanguso siyang bumaba ng sasakyan. "Here. You hold this." ibinigay ko ang hawak kong bulaklak.

"Dad, I wanna see Mommy na. I miss her already." nakangusong sabi ni B. Inilapag niya ang bulaklak sa ibabaw ng puntod at saka ngumiti. "Kuya Levinn, how are you there in heaven?"

"As if he can here you." narinig kong bulong ni Light. Sabi naman sa inyo hindi siya normal na five year old kid. Sinaway ko siya kaagad. Ayaw ko namang kunsintihin ang ganyang ugali niya. Baka sakalin ako ng Misis ko pag nagakataon.

Dumaan lang talaga kami para bisitahin ang puntod ng Kuya nila bago kami pumunta sa ospital para dalawin ang mommy nila. Kahapon pa nila ako pinipilit na dalhin ko sila sa Mommy nila pero hinayaan ko na muna magpahinga si Chastine.

27 Steps to His Bed ✓Where stories live. Discover now