Chapter 25: Horoscope

812 28 0
                                    

Cyan's POV

Nandito ako sa school garden ngayon, free time namin kaya dito ko naisipan pumunta kasi sariwa ang hangin dito, may masisilungan at mahihigaan na puno tapos tahimik pa. Si Lorraine pumunta sa kabilang department. Samantalang si Maxine ay kasama naman si Tri.

Habang nakatambay sa school garden, binabasa ko ang nakasulat sa horoscope ko.

Aquarius - (January. 20 - February. 18)

Maswerte ang araw na ito sa iyo. Maaring mahanap mo ang taong mamahalin mo sa iyong pagtanda.

Para sa pag-aaral, huwag mo pababayaan na bumaba ang grado mo. Mabuting aralin ang mga ito sa madaling araw lalo na kung may exam.

Natatawa nalang ako habang binabasa ito. Kahit hindi totoo natutuwa ako. Masyadong positive.

Lucky Number: 12

Sign: Moon or Stars

Color: Black

In-off ko na rin ang phone ko matapos na basahin 'yon, sakto naman dahil dumating si Kean.

"Saan ka galing?" tanong ko.

"Ah, d'yan lang. Gusto mo ice cream? Treat ko," alok niya habang nagpapaypay ng sarili gamit ang hawak niyang pamaypay. Lumaki ang ngiti ko nang sabihin niya iyon.

"Minsan lang 'to. S'yempre naman payag ako." Hinila na niya ako papunta sa ice cream parlor.

"P'wede ikaw muna bumili? Kung ano sa'yo gano'n na rin sa akin." Tumango ako. Inabot niya ang pambili ng ice cream. Nagpaalam naman siya na may pupuntahan lang daw saglit.

"Here's you order, Ma'am. I receive 100 pesos. Thank you, ma'am!" Nagpipindot na ang cashier tapos inabot sa akin ang tray. Naroon na rin ang sukli.

"Thank you po."

Wala pang limang minuto ang nakararaan ay bumalik na agad si Kean, may dalang iba pang pagkain gaya ng fries, pizza, at drinks.


"Kean, ito sukli mo. Thank you dito!" Napatingin ako sa inabot kong barya.

"88 pesos lahat. Hehe! Salamat sa libre ha? Ano nakain mo?" biro ko pa bago kinain ang ice cream. Inalok rin niya ako ng dala niyang pagkain.

"Wala lang. Gusto mo lagi pa kita ilibre e," pagyayabang niya. Ang yabang talaga ng tao na 'to.

"Tss. Ikaw naman 'di mabiro."


"Hahahaha. S'yempre joke lang 'yon, ang swerte mo naman! Next time ako naman libre mo," aniya.


Tumango ako "Sige ba!" Kumakain kami at kasabay no'n ay nagkwentuhan. Sa sobrang puno ng pagkain laman ng mesa namin nakita kong matatapon na ang inumin ni Kean sa kaniya.

"Kean iayos mo, baka matapon." Napatingin siya sa inumin niya aayusin niya sana ng masanggi ng siko niya ang tray dahilan para matapon sa kaniya ang inumin.

Tumayo siya upang punasan ang kaniyang damit.

"Magpapalit muna ako ha. Saglit lang," saad niya. Kinuha niya ang bag niya, may dala siguro siyang damit.

Nagpatuloy ako sa pagkain habang hinihintay siya. Bigla akong Napalunok at kinabahan. Iyong number! Iyong sign at color! Kanina ang sukli ni Kean sa isang daan ay dose. Ngayon nagpalit siya ng damit, kulay black at mayroong moon at stars.

Ngumiti ako na medyo nag-aalinlangan.

"Ayos ka lang?"

"H-ha? A-ah oo, ayos lang!" Lintek nagbubuhol buhol pa ang dila ko. Bakit kasi gano'n? Coincidence lang naman siguro 'yon 'no?


The Rules of Love [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon