Chapter 26: In the name of love

786 29 2
                                    

Cyan's POV

Paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang sinabi sa akin ni Kean kanina sa birthday party ng kapatid niyang si Ash.

Ang daming nakangiti sa akin at para akong artista kanina kung pagkaguluhan. Kasama na roon ang friends ni Kean at ang family niya.

Nakita ko ang dalawang babae na masama ang tingin na lumapit sa akin.

"Diba ikaw ang kaibigan ni Maxine!?" Namumukhaan ko siya. Si Cassandra ang bestfriend ni Kean.

"Ako nga, bakit?" walang habag kong sagot. Feeling ata nila masisindak nila ako. Bahagya silang napangiti.

"Ang kapal mo rin 'no? Ano naman ginagawa mo dito? Trespass ka," singhal niya, tila galit na galit na makitang naroon ako.

Hihilain niya sana ang buhok ko nang hilain ako ni Kean palayo sa kanila.

"Wag nyo nga pag-piyestahan girlfriend ko! Umuwi nalang kayo!"


Huh?


____


"So, gaano na kayo katagal ni Kean?" tanong ng mommy niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko talaga alam kung bakit niya ako naging girlfriend agad nang hindi naman siya nangliligaw. Alam ko namang ginawa niya lang 'yon para mailayo ako sa gulo kanina. Gusto ko umamin at sabihin ang totoo pero ayaw ko ma-eskandalo at madawit ang pangalan ng mga kaibigan ko. Naniniwala tuloy ang buong pamilya ni Kean na in relationship kami.


"Ah bago palang, ma," sinalo na ni Kean ang tanong sa akin ng mommy niya. Dapat lang dahil hindi ko alam ang isasagot ko.


"That's nice. I think you are better than his ex-girlfriend you know. Look to her friends hay!" sambit ni tita. Tumawa nalang ako sa sinabi niya, mukhang may bad records ang mga kaibigan na 'yon ni Kean sa pamamahay na ito.

Maya-maya pa't saglit na nagpaalam ang mommy niya para kumuha ng makakain namin.


"Uy! Kean kamusta na si Pheb?" singit ng isang babae na kararating lang. Tumayo si Kean at sinalubong iyon ng yakap.


"Ate. Si Cyan, girlfriend ko." Mukhang na gulat ang ate niya nang makita ako pero ngumiti siya sa akin.

"Sh– Huy, I'm so sorry! 'Wag mo nalang isipin ang tinanong ko. Hi Cyan, I'm Kisses pinsan niya." Ngumiti siya bago nakipag-shake hands at bumeso sa akin.

"Nice to meet you. Just call me ate Ki, okay?"

"Opo ate Ki. It's nice to meet you too," sambit ko at ngumiti. Mukha siyang mabait at totoong approachable. Saglit lang kaming nagkwentuhan dahil kailangan rin niya i-entertain ang ibang bisita nila.


"Kumain muna kayo. Asikasuhin mo siya, hijo at pupuntahan ko lang kapatid mo." Nang makaalis na ang mommy niya, ang daming tanong ang gusto lumabas sa bibig ko.

"Salamat kanina ha." Iyon ang una kong nasabi. Nakakahiya. I'm causing a trouble. Mali yatang napunta ako dito.

"You're welcome. Sorry about what happened. Mainitin kasi ang ulo ng isang 'yon."

Parang bigla rin tuloy uminit ang ulo ko at napakunot ang noo. "Pasensya ka na rin pero I don't think na tamang ibaling ang init ng ulo niya sa kanino man, lalo na kung wala naman kasalanan sa kaniya."



"You're right. I'm really sorry."



"Wait. About sa kanina, alam ng family mo na girlfriend mo ako?" napupuno pa rin ng tanong ang isip ko kasi bakit ang dami-dami niyang p'wedeng ipalusot, bakit iyon pa!?


The Rules of Love [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon