Chapter 18: Dmitri Alonzo

819 31 5
                                    

"Two Down. Mamahalin na talaga kita nang totoo." Biglang tumawa ng malakas si Maxine sa narinig niya.

"Why are you laughing?" seryosong tanong ni Tri habang nakatingin kay Maxine.

"Alam ko naman sunod niyan, e'di joke!?" ngiting sabi ni Max.

"Okay, one more, seseryosohin ko sa sinasabi ko," sambit ni Tri na hindi mawari kung nagbibiro pa siya.

"Komedyante ka talaga!"

"Ah, komedyante talaga tingin mo sa akin? Corny ba magkagusto sa'yo?"

Kumunot ang noo ni Max, "Huwag ka ngang gan'yan, Tri Alonzo!"

"Bakit naman?"

"Mamaya mahulog ako sa'yo, hindi mo ako saluhin," saad ni Max.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa dalawa nang sabihin ni Maxine iyon.

"Hahahahahahahaha joke. Biro lang!" pambawi naman ni Max habang natatawa pa rin sa nakitang reaksyon sa mukha ni Tri.

"Paano kita masasalo kung sa iba ka pa rin babagsak?" Nabigla naman ito sa sinabi ni Tri at mas ikinabigla niya lalo ang paghawak nito sa kamay niya.


Agad na binawi 'yon ni Max bago nagbitaw ng pambara, "Alam mo? Uuwi nalang ako. Magpapahinga. Tama na 'yang joke mo. Save mo nalang sa field day."


"Hatid na kita," alok ni Tri ang kamay nito kay Maxine pero tinanggihan niya ito at nagpumilit tumayo kaya na out of balance at natumba.

"Iyan kasi ayaw pa tanggapin tulong ko, maa-out of balance ka pa, hahawak ka lang naman kasi sa kamay ko." Muli niyang inalok ang kaniyang kamay upang tulungan si Max sa pagtayo.

Ilang segundo pa ang lumipas nang mapagpasyahan niyang abutin rin ang kamay ni Tri at nagpabigat pa ito dahilan para mapatagilid ito. Nang makatayo siya ay inalis niya ang pagkakahawak sa kamay nila at pinatong ito sa balikat ni Tri para hindi siya ulit matumba.


"Nakakainis ang pagiging lampa ko," bulong ni Maxine sa sarili. Binuksan ni Tri ang pinto ng kotse niya at pinaandar ito.

"Ang yabang mo!" sabi ni Max sa kaniya nang makaandar na sila.

"Hindi ako mayabang, wala akong ibang p'wedeng ipagyabang sa ngayon kun'di ang mukha ko," natatawang sambit ni Tri habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"Psh. Si hangin naman, lakas kasi palagi ng aircon mo dito!" pailing-iling na sambit ni Maxine pero sa kalooban nito'y may pagsang-ayon rin sa sinabi ni Tri.

"Hindi ka ba naiinitan?"

"Ha? Ang lamig nga," sambit ni Max na pinagpapawisan ng malamig . Hininaan naman ni Tri ang aircon dahil doon.

"Ang hot na nga ng katabi mo nilalamig ka pa rin?" biro muli ni Tri sabay tawa.

"Seryoso ako ah," sagot naman ni Max.

Kaya hininaan muli ni Tri ang aircon, hinawakan rin nito ang noo ni Max para tingnan kung mainit siya pero imbis na init ang naramdaman nito, malamig na pawis ang naramdaman niya.

The Rules of Love [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon