Chapter 31: Ayang

688 30 6
                                    

Kean's POV

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko at panay sila kantyaw sa akin dahil sa nangyari kahapon. Na-meet ko na kasi ang parents ni Cyan, nag-set sila ng dinner sa bahay nila. Iyon na ng, kabado pa ako nang dumating doon, narutal lang na makaramdam ako ng kaba dahil s'yempre haharapin ko sa wakas ang magiging parents-in-law ko. Medyo natakot lang ako kasi baka tutol sila dahil wala pa naman kami sa legal age, pero ilang buwan nalang rin naman iyon.

"Kinabahan ka?" curious na curious na tanong ni Jude habang nagigitara siya.

"Normal lang naman na kabahan!" sabat ni Darren, "Basta malinis ang intensyon mo, hindi ka dapat mag-alala," dagdag pa niya. Ito ata ang unang beses na may magandang nasabi ang utol naming 'to.

Nakausap rin ako ng daddy ni Cyan na kaming dalawa lang, he even said na may tiwala siya sa akin. Hindi rin sila strict pagdating sa mga rules basta alaw raw ang limitations namin.

"Na-meet mo rin ba parents ng dalawa?" tanong ni Jude, he is pertaining to Max and Lorraine.

Umiling ako, "Wala sila."

"Bakit? Umaasa ka pa?" Darren teased him. Napailinh nalang ako sa kanilang dalawa. Si Sam naman busy sa paglalaro ng nintendo.

____

Sinundo ko si Cyan sa kanila, para sabay kami pumasok. Napansin ko na gano'n din naman ang ginagawa ng boyfriend ni Maxine sa kaniya, kaya naiiwan si Lorraine pero pinagd-drive naman siya ng driver nila.

Habang naglalakad, nagawa ko pang lambingin si Cyan kahit kailangan na naming magmadali. Ang init ba naman. Hawak ko ang payong at magkasilong kami doon habang siya naman ay ginagamit ang hawak niyang pamaypay.

"Alam mo na ba?" tanong ko, naguluhan naman siya kasi bigla kong sinabi 'yon. "Kung saan ang kiliti ko?" Natawa siya sabay umiling na sinundot ang tagiliran ko.

"Huh?"

"Nand'yan sa mga ngiti mo," patawa-tawang sagot ko.

"Siraulo!"

"I love you too." Nakangiti ko sambit.

"Sabi ko siraulo, hindi I love you!" ulit pa niya at bahagyang tinigil ang pagpaypay.

"Eh, ayaw. I love you more gusto ko," sambit ko bago pinisil ang pisngi niya.

"I love you more." Saka siya biglang nagpaypay muli at tinutok pa sa akin. "Arte."

Natawa nalang ako, halata naman na kinilig siya kasi ako na 'to 'no! Ang gwapo ko ba naman.

"Bilisan mo na nga! Baka ma-late pa tayo," sambit niya.

Minadali namin paglalakad. Pagdating namin sa gate ng school, isasara na sana ng guard ang gate pero nakiusap kami dito.

"Bakit kasi late kayo?" pailing-iling na saad ng guwardya.

"Ang layo po kasi ng ba–" Hindi ko pa natapos ang ipapaliwanag ko ng magsalita ulit ang school guard.

"Siguro nag-date muna kayo? Tsk! Mga kabataan talaga ngayon. Oh siya, pasok na," saad nito saka binuksan ang gate.

Nagmamadali na rin kaming tumakbo para makarating sa room pero napatigil kami nang muntik pa kami lumagpas ng pinto dahil sa pagtakbo.

Rinig na rinig ang pag-skid ng mga sapatos namin nang huminto kami pareho. We just stole the attention of the whole class.

The Rules of Love [Under Revision]Where stories live. Discover now