Chapter 21: Unexpected

824 37 1
                                    

Cyan's POV

Nagulat ang lahat nang sampalin ni Hera sa harap ng maraming tao si Don, kaklase namin. Bagong-bago palang at iyon na agad ang salubong niya sa klase, tila naging sinehan nga ang eksena nilang dalawa dahil sa ginawa niya.

"Teka, miss! Ano bang ginawa ko sa'yo at bigla kang nanampal? Gusto ko lang naman makipagkaibigan."

Nanlaki lang dalawang bilog na mga mata ni Hera, "I'm sorry, I remember someone na kamukha mo. Sorry talaga." Iyon naman pala akala namin giyera na. Sayang!


"Nakaisa ka pero okay lang. Ako nga pala si Lyndon Herrera. Peace?"

Napahawak si Hera bigbig niya, "H-Herrera?"



"Why? Is there something wrong with my surname?" pagtataka ni Don, nakakatawa silang panoorin. Tuwang-tuwa rin naman siya sa atensyon na napupunta sa kanila ngayon.


"W-wala. Uhm, Hera. Hera Devera."

"Nice meeting you. Ngayong friend na kita, siguro naman hindi mo na ako sasampalin." Natawa nalang si Hera sa reaksyon ni Don.

Mukhang okay naman si Hera hindi ko lang alam kung bakit malakas ang kutob ko na may dahilan kung bakit siya lumipat sa school na ito in the middle of semester. Napansin ko halos lahat ng kaklase namin nakikipagkilala na sa kaniya, maganda rin 'yon para may kakilala na siya dito sa school.

Nandito ako ngayon sa library, maagang na-dismiss ang klase dahil naghahabol na ang lahat para sa program na gagawin.

Nagmumuni-muni ako ng biglang hawakan ni Kean ang kamay ko at hilain.

"Bakit?" nakakunot noo kong tanong habang nakasunod sa kaniya.

"Practice. Tara?" aya niya.


"Ano pa nga ba?" Kinuha ko na ang bag ko at sinundan ko na siya. Nang makarating kami sa parking lot nandoon na silang lahat.

"Nakakahiya naman sa kanila, hindi mo manlang ako in-inform," bulong ko kay Kean dahilan ng pagtawa niya.

"Tara na nga," sambit niya at pumasok na kaming lahat sa van niya. Doon ulit kami sa bahay nila magpa-practice. Sundo kami ng van ngayon para sabay-sabay na pumunta doon.


"Pssst. Nakatingin sayo si Jerric."

Napatingin naman ako sa gawi ni Jerric sa likod, si Kean kasi katabi ko sa loob ng van at saka si Ayana na nakasalpak naman ang earphone sa magkabilang tainga.

"Bakit?" tanong ko.

"Nakakailang kaya tignan," sagot naman niya, sinimangutan ko siya.

"Bakit ikaw ang naiilang? Hindi naman ikaw ang  tinitignan?" hindi niya na sinagot ang tanong ko.

Bumaba na rin kami nang makarating sa bahay nila. Dito ulit kami magpa-practice. Okay paulit-ulit na ako pero dahil bagong member sa amin si Hera tinuruan muna siya ng steps, hindi na ako nag-abalang tumulong baka malito pa siya kapag ako nagturo sa kaniya.

Hindi naman kasi ako dancer.

Pansin ko nga na fast learner si Hera, ang galing niya sumayaw. Sana ako rin 'di ba.

"Good," pagtapos sabihin 'yon ni Kean tumayo kaming lahat para sabay-sabay na mag-ensayo.

Nakakapagod talaga ang practice na ito. Pahirap na kasi nang pahirap ang mga steps na itinuturo. Wala sa bokabularyo ko ang pagsasayaw, hindi ko pinangarap maging dancer, siguro ang mag-acting p'wede pa.

"Kean, break muna please? Kahit ilang minutes lang?" pakiusap ng ilan sa members namin, pumayag naman si Kean.

"Okay, let's have a 15-minute break! Have your snacks, drink water, and cr-break."

Napapalakpak pa ang iba sa tuwa. Sabi na nga ba, pagod na rin sila. Wala pang ilang oras ay gusto na namin magpahinga pero at least kahit pagod ka, hindi ka pagod mag-isa.

Lumapit naman sa amin ni Kean si Hera, "Hi sa inyo." Kaway niya ngumiti kami at binati rin siya.

"Kean, thank you nga pala sa pagtuturo ng steps ha? Nakuha ko na siya. Ipa-practice ko ulit sa bahay."

Tumango si Kean, "Wala 'yon."

"Anyway, do you have any plans for tomorrow? Sabado naman. May surpresa kasi sa'yo ang mahalagang taong ito."


"Surprise? Who are you referring to?" tanong ni Kean, wala rin idea sa tinutukoy ni Hera na tao.

Out of now where, umurong lang ako ng konti sa upuan at kinuha ang isang diyaryo na nakalagay sa mesa para hindi naman nakakahiya sa kanila habang may topic silang pinagdi-diskusyunan. Baka nakaka-abala pa ako sa kanila.

"Suprise nga. Punta nalang ako dito bukas 10 PM, okay ba?" saad ni Hera. Tumango nalang si Kean.

Feeling ko matagal na silang magkakilala or maybe mayroon silang mutual connection. Napairap nalang ako sa naiisip ko at napatingin kay Kean na umurong ng pagkakaupo palapit sa akin at nakatingin ng mukha seryoso na ewan.

"What?" tanong ko.

"Sungit. Takot naman ako sayo," saad niya.

"Ah, tutal may gagawin ka pala, next time nalang," saad ko. Aayain ko sana siya mag study together, 'wag nalang pala.

Whoo! Bakit ba ako nagkakaganto? Hindi ko naman siya gusto 'di ba? Pero ayaw ko naman ng may lumalapit sa kaniyang iba o nilalapitan siyang iba. Hala bakit gano'n? Napa-praning ako kasi ganito nararamdaman ko!

Hindi ko naman siya pagmamay-ari pero ayaw ko rin na ako lang ang kinakausap niya na halos lahat binigyan na ng kaklase namin malisya.


Kean Geraldez! Nakakainis.


Naguguluhan ako lalo para tuloy akong nahihilo ng umuwi sa bahay kaya nagpahinga ako saglit at natulog na.


*****

The next day.

"Whaaat? Ang tagal na pala nila!?" mahina kong sambit sa sarili ko habang nakatingin sa social media account niya. Shet. Tama nga ako, girlfriend nga niya.

Phoebe Maurillo.

Tss. Eh si Cyan Domingo? Minsan hindi ko alam sa sarili ko. Madali akong umayaw sa isang tao pero hindi naman sobrang ayaw. Iyong tipong distansya lang. Iyong mga naging crush ko dati ayaw ko na sa kanila, dahil siguro humahanap rin ako ng dahilan para ayawan sila, 'yon bang hahanap ako sa mga gagawin o salita nila na magpapa-turn off sa akin. Ang weird.

Kagaya ni Kean, hindi ko masasabi na crush ko siya pero sabagay, humahanga naman ako sa kaniya dahil matalino siya at same vibes kami pero dahil may girlfriend na siya, humahanap ako ngayon ng gagawin niya na magpapaturn off sa akin. Iyon rin ang magiging dahilan para hindi ko na siya magustuhan nang tuluyan.

Pero wala pa rin ako mahanap hanggang ngayon...

The Rules of Love [Under Revision]Kde žijí příběhy. Začni objevovat