Chapter 28: Top students

729 24 0
                                    

Cyan's POV

Habang palabas ako ng pinto ng cafeteria, nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at hinila ako palabas kaya napasabay ako sa kaniya sa pagtakbo.

Si Kean.


"Oy bakit? Saan ba tayo pupunta?" Nagtataka ako dahil kakaiba ang kaniyang ngiti nang mapatingin siya sa akin.

"Papakasal na." Hindi ko pinansin ang sinabi niya kasi for sure nangti-trip lang siya.

Nakarating kami sa tapat ng classroom. Naabutan pa namin ang teacher namin na nagdidikit ng bond paper sa tapat ng pinto. Ito na ata ang class rankings.

"Congratulations, everyone!" she announced, "Lahat kayo pasado, but of course there will be individuals who excel in this quarter."


Inabot ng class president namin ang test papers namin ng mga kaklase ko. Nang matanggap ko ang akin, agad kong tinignan mabuti ang scores ko. Tila pinagku-kumpara ang mga ito.

"Nasa ranking naman, doon ka nalang tumingin," mahinahong pahayag ni Kean sa tabi ko. Mukhang nauna niya nang nalaman ang mga rank namin ah.

Hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa pag-check ng scores ko sa bawat subject namin.

General Average: 98.85

Nalipat naman ang tingin ko sa mga test papers ni Kean. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Walang hiya, nahiya pa ba siyang gawing 100 ang average niya?

General Average: 98. 3

Bigla akong napatingin sa kaniya at sa list na nakadikit sa pinto.

"Mamaw talaga 'tong si Geraldez! Dikit na dikit lang sila oh," rinig kong sabi ng isang babae.

Tumingin ako muli kay Kean sa pangalawang pagkakataon.

Kinabahan ako.

Gusto ko umurong.


Ayaw kong maging boyfriend si Kean.


"Hey, are you okay?" nabalik lang ako sa wisyo nang tapikin ni ang kamay ko. Hindi ako sumagot at bumalik nalang sa loob ng room saka ko kinuha ang aking phone at binulsa iyon.

Sumunod naman siya sa akin paglabas ko ng classroom.

"Cy, anong nangyari sa'yo?" habol niya sa akin pero dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa malapit na ako palabas ng gate.

Hinila niya ang kamay ko kaya napatigil ako sa paglalakad, bago hinarap niya ako sa kaniya.

"Are you crying?" pagkatanong niya no'n, bumuhos na nang todo ang luha ko.

Naupo kami mini kubo na narito banda sa gilid, dito lang rin sa loob ng school. Walang nagsasalita sa aming dalawa, tila naghihintayan kami kung sino ang unang magsasalita.

"Are you crying because you don't want my idea?" he carefully asked. Umiling ako saka muling pinunasan ang aking basang mukha.

Hinarap ko siya habang nakakunot ang noo, "Naiiyak ako kasi muntik akong malaglag aa highest honor."

Ine-expect ko matatawa siya sa dahilan ko pero ngumiti lang siya ay pinatong ang kaniyang palad sa aking ulo.


"You did your best!"

The Rules of Love [Under Revision]Where stories live. Discover now