Chapter 15: The why of things

802 28 2
                                    

Maxine's POV

2 weeks passed.

Dalawang linggo na rin akong nangungulit kay Jude, pero wala pa ring pagbabago sa kaniyang desisyon.

Ilang araw na rin akong tulog lang nang tulog. Ngayon nga, matutulog pa sana ulit ako kaso tumunog ang phone ko, nawala tuloy ang antok ko. Saturday naman ngayon kaya walang pasok.

From: Unknown Number

Maxine, it's Hailey meet me at coffee shop near to your subdivision.

I just want to clear things. No but's. I'll wait you there no matter.

Tss. Ang kulit lang naman talaga nito ni Hailey hindi pa ba siya pagod? Ako kasi pagod na pagod na sa mga pinaggagawa niya. Kumilos na ako, nagligo at nag-ayos para pumunta doon.

"Mabuti at dumating ka," saad niya nang makarating ako sa tapat ng table niya. Tulad ng sinabi niya, sinipot ko siya dito sa coffee shop para makipag-usap.


"Anong pag-uusapan natin?" diretsa kong tanong.


"Layuan mo na si Jude," una niya, "You know what, mukha ka namang galing sa prominenteng pamilya, maganda ka naman. You deserve someone better than Jude," dagdag pa niya.

"Talaga ba? Ikaw rin naman, kaya nagtataka nga ako bakit pinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa taong hindi ka naman na gusto," sagot ko bago bahagyang tumawa. "You are good, Hailey. But please stop acting like you're innocent, na parang hindi ikaw ang dahilan kung bakit kami ganito ngayon. Hindi pa ba enough 'yong taon na ginugol niya sa'yo noon?"

Mukhang nag-iinit na ang tainga niya sa naririnig sa akin. Akala niya ata siya lang ang p'wede magtaray.

"Maybe you should know first who are you going to fight with." ngumisi siya at tumayo na.

"Looks like you're feeling fed up. I think sa'yo ko dapat sabihin 'yon, layuan mo na si Jude."

Tinaasan niya ako ng kilay, sa halip na gayahin siya ay ngumiti lang ako.

"You don't know what things I can do. I warn you, Maxine. You should listen to me." Iyong pagkakasabi niya no'n para siyang nang h-hypnotize. Bakit ano ba ang kayang gawin ni Hailey?


"If things get complicated, ikaw rin ang mahihirapan," babala niya. "That's all. Adios!" Tinitigan ko siya habang palabas ng coffee shop hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Napag-isip isip ko lang ang sinabi niya. Hindi rin nagtagal ay lumabas na rin ako sa coffee shop.

I can't imagine. For almost 2 weeks na hindi ko nakikita si Jude o kahit text manlang wala rin. Tapos makikita ko siya ngayon with Hailey?

Napakaliit ng mundo para sa aming tatlo. Although nakikita ko naman siya dito sa school pero bihira lang dahil sa practice nila. Ang dami na agad nagbago sa kaniya. His hair style and attitude.

Ah, fuck.

I hate to see him like that. Naninibago ako. Siya lang naman nakipaghiwalay so totally 'di pa kami break. Anlala, na ito nalang ang dahilang pinanghahawakan ko para lang mag-stay pa rin sa kaniya.

Lumingon siya sa direksyon ko pero agad rin na naudlot ang sandaling bilis ng tibok ng puso ko nang dumating si Hailey sa tabi niya. Agad napatingin doon si Jude nang batiin siya nito.

Hindi ko sila matignan ng diretso sa tuwing magkasama sila, ni hindi ko rin kaya maisip na kapag niyayakap siya ni Hailey ay kaya rin niya ito yakapin pabalik.


I hate you, Jude.


Nanghihina ang mga tuhod ko. Suddenly, my knees are failing and I can't move. Ang bigat sa pakiramdam na makita siyang gano'n, ang bigat na rin ng katawan ko ngayon.

"Miss, are you okay?" naramdaman ko ang kamay na umalalay mula sa likuran ko, tinulungan niya akong maka-upo sa bench. "Ah ikaw pala, Maxine Kyo."


Bigla akong napatingin sa kaniya nang banggitin niya ng buo ang pangalan ko, "Bakit mo ako kilala?"


"Girlfriend ka ng isang sikat na varsity player dito school. Sige mauna na ako baka makita niya akong kasama mo, magalit pa sa akin," nataranta niyang sambit.


"Ah no," pigil ko. Bahagya naman namula ang pisngi niya at saka humawak sa pisngi niya. "Anong name mo?" tanong ko.

"Tri Alonzo." Inabot ko naman ang kamay niya at saka nakipag-shake hands.

"You know what? Kilalang-kilala kayong dalawa dito sa campus," pagdadaldal niya.

I shrug, "Talaga ba? Hindi ko alam."

"Sino ba naman hindi makakakilala sa inyo? MVP tapos may girlfriend na maganda at talented."

Nahiya naman ako sa sinabi niya. Bago sa aking pakiramdam ang mapuri nang harapan ng isang estranghero.

"How about the rule? Does he still follow it?" tanong nito, bagay na naguluhan ako.


"Ha?" paulit ko. Nawala ang confusion sa pagitan naming dalawa nang may tumawag na babae sa kaniya.


"Tri! Tara na!" mabilis na sabi ng babae.


"Ah. Maxine, una na ako. It's nice meeting you!" Kumindat pa siya nang sabihin 'yon. Tumango ako kaya lumapit na rin siya sa babae.


Anong rule kaya 'yong tinutukoy niya?

Hindi ko nakita si Jude kanina, mula first subject hanggang ngayong uwian. I can't down my pride, knowing na wala akong ginawang masama.


Siya lang naman.


Lagi niyang kasama si Hailey. I hate this feeling, I don't really know kung two timer siya o talagang pinanindigan niya ang sinabi niyang wala na kami?

Paano ba ibalik 'yong dati, Jude? Iyong tayo? Bakit bigla kang nang iwan sa ere na walang binigay na dahilan? Bakit ka nagbago bigla? Sana inabisuhan mo ko umpisa palang para hindi ako umaasa at naghahabol. Sana ipinaalam mo na may past ka. Sana hindi ako nasasaktan dito at kinukwesyon ang sarili kung saan ako nagkulang, kasi lahat naman ginagawa ko. Gusto ko marinig ang paliwanag mo.

Sa ginagawa mo, pinaparamdam mo sa akin na hindi ako mahalaga, na madali lang naman akong iwan at kalimutan.

The Rules of Love [Under Revision]Where stories live. Discover now