Chapter 6: One Rule

1.5K 56 2
                                    

Maxine's POV

It's been almost a month since it happened. I can feel and see the changes in him. I also noticed how he acts around girls. Ever since he said he wanted to fix his life a few weeks ago, I feel like he's been avoiding them.

Hindi ko naman sinabing maging anti-chicks siya 'no? Kawawa naman ang mga babaeng nagdadalamhati dahil sa pag-iwas na ginagawa niya. In the past few days, we've become even closer. Sa totoo lang, hindi ko naman talaga siya nakitaan ng pagka-playboy noon, sinabi ko lang 'yon para madistansya sa kaniya.

"Tara sabay na tayo mag lunch," anyaya niya, tumango ako at sabay kaming naglakad.

Ang daming taong nagbubulungan at ang sasama ng tingin sa akin. Weird to feel na parang lahat ng mata nakasunod sa amin. Parang mga may sapi kapag napapatingin ako at nagtatama ang mga mata namin. Hindi ko nalang sila pinansin, kahit naman nakakamatay ang tingin nila, hindi naman nila ako mapapatay d'yan. Hinila ni Jude ang isang upuan tapos pinaupo ako at umupo na rin siya. Sa totoo lang, kinilig ako sa ginawa niya. Maliit na bagay lang 'yon pero nakakatuwa.

"Bakit bumait ka ata?"

"Mabait talaga ako," depensa niya.

"Sira," tawa ko, "but I like your better version."

Hindi siya makatingin ng diretso sa akin, "I thought I heard you like me better."

"Sorry, I'm selective about what I listen to," he added and laughed.

Matagal na nanatili ang katahimikan sa aming dalawa, tanging ingay lang ng mga estudyante dito sa canteen ang maririnig.


"May gusto sana ako sabihin sayo," putol niya sa katahimikan na iyon. Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kaniya.


His eyes, usually so full of light, now seemed clouded with doubt. I reached out and gently lifted his chin, meeting his gaze.


"What?" tawa ko, "natulala ka na," sambi ko pa, tila nabalik siya no'n sa wisyo.


"I think I like you, Max –No, I'm so sure of my feelings. I really like you mula pa noong una," he said with a trembling voice. He looked into my eyes, hoping to see a glimmer of the same affection he felt for me.

Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Naging abnormal ata. Hindi naman ako manhid para hindi 'yon maramdaman, he is so obvious. Gusto niya ako una pa lang?


"Do you want to go on a date?" he said slowly.


"Ayaw ko," maikli at diretso kong sagot. Tinignan ko ang reaksyon niya. Napayuko nalang siya.

"I see, you're not yet ready.." aniya.

Natawa tuloy ako, parang ang sama ko naman na offensive way ko ata siyang ni-reject.

"Hindi mo nga tinanong kung may chance e," biro ko. Tine-test ko lang.

"Do I have a chance with you?" he asked.

Napangiti ako. Sinasabi ko na sa sarili ko, ngayon palang, gusto ko rin siya. Bakit pa ba ako magpapakipot? Dito rin 'yon e, baka mawalan pa 'to ng lakas ng loob sa susunod.


"Gusto ko ng ice cream," pag-iiba ko, luminga ako sa pinagbilhan namin ng food pero hindi siya umiimik.

Binaling kong muli ang atensyon ko sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin, tila naghihintay pa rin ng sagot ko.


"Meron," I replied. Nakatitig lang siya kaya tumayo na rin ako at kinuha ang bag ko, "bahala ka."


"You mean–" habol niya sa akin, halos mapatalon siya sa sobrang saya. Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

The Rules of Love [Under Revision]Where stories live. Discover now