Chapter 10: The Queen

1K 41 1
                                    

Maxine's POV

Palabas palang ako ng kwarto nang may mapansin akong kung anong bagay sa labas ng pinto ko. Bouquet of red roses with letter.

Good morning, bal. I'm waiting here sa living room. I love you.

Agad akong lumabas ng kwarto at bumaba sa sala upang salubungin ang taong nagbigay nito.

"Aww. You always made my day complete. Ang aga pa. Thank you for this." I immediately give him a warm embrace.

"Here are the ants again," biro ni Lorraine na maaga rin naghahanda ng breakfast para sa amin.

Pinuyod ko lang ang buhok ko bago kinuha ang aking bag. Maya-maya pa ay bumaba na rin si Cyan na matamlay, ang unusual niya ngayon tignan.

"Is everything okay, Yanyan?" I asked. She just nodded. Pinilit pa namin silang dalawa na sumabay sa amin pero mauna nalang daw kami.

"You know what, bal. Napapansin ko si Cyan gan'yan kahapon pa," kwento ko kay Jude tungkol sa nangyayari kay Cyan.

"Baka naman wala lang siya sa mood?"

"Siguro nga. I will ask her nalang later para sure," saad ko. He nodded dahil nakatuon ang atensyon niya sa pagmamaneho.

"Ah, bal, hindi ako ngayon nakakasabay sa'yo sa lunch ha kasi may practice kami ng basketball," paalam niya sa akin. Naiintindihan ko naman 'yon.

"Okay, sure po!" tugon ko. "Siya nga pala, malapit na ang finals ng game niyo. Good luck!" masaya kong sabi, hoping na ma-motivate siya kahit papaano.

Bumaba na rin kami nang mai-park niya na ang sasakyan. Niyakap niya ako ng mahigpit, and whispered, "Thank you bal."

Alam ba niyang natutuwa akong nakikita siyang ngumingiti? Kahit noong una pa lang. Ang gwapo niya lalo and nothing changes with his beautiful smile.

Habang nag le-lesson na si Ms. Alexandra ay may kumatok sa pinto, isang estudyanteng babae ang tumuloy aa aming classroom.

"Good afternoon po! Sino po dito ang kasali sa basketball? Pinapatawag na po kayo ni Coach." Binigay ng babae ang papel kay ma'am. Maybe it's an excuse letter.

"Bal, sunduin nalang kita mamaya. I'll text you. Love you," bilin niya bago tumayo. I just nodded tapos lumabas na siya.

Ang boring kapag ganitong time. Walang nagbubulong sa akin tungkol sa pambabara niya sa teachers namin, kesyo bubulong 'yon na ang boring daw magturo tapos kung anong kalokohan pa ang pinagsasasabi.

Lumabas ako ng room pagtapos ng klase. Si Cyan as usual nasa library, si Lorraine naman nandoon din. Mula noong isang araw nahawaan na siya ni Cyan. Wala naman akong hilig sa books, saka aantukin lang ako sa library baka sitahin pa ako ng masungit na librarian doon.

Maya-maya pa't habang naglalakad ako sa quadrangle, nagkabunggo kami sa balikat ng isang babae, dahilan para mapaatras ako.

"Hi there!" Hindi ko inaasahan na si Hailey pala ang babaeng iyon. Mukhang sinadya niya ang pangyayari.

"What's your problem?" mhinahon kong tanong.

Ayaw ko magsimula ng gulo at ayaw ko na rin siyang patulan. Umirap siya at hinawakan ang dulo ng aking buhok.

"You're asking my problem? Ikaw lang naman ang problema ko," mariin niyang tugon.

"What? Bakit ako?" iritable kong tanong bago hinawi ang kamay niya sa buhok ko.

Ngumisi siya at huli na nang mapigilan ko siya, agad kong naramdaman ang pagdampi ng palad niya sa pisngi ko. Napahawak nalang ako sa pisngi ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko.

"Inagaw mo sa akin si Jude," akusa niya at nagbabadyang sasampalin akong muli.

"Hailey! What the fuck are you doing!?" My eyes grew wide when I saw Kean. Namagitan siya sa aming dalawa ni Hailey, trying to calm the situation.

Lumapit siya sa akin at agad akong tinanong, "Maxine are you okay?"

Hindi naman ako umimik.


"Hailey! Why did you do that?" sigaw sa kaniya ni Kean at tila pinapalayo si Hailey sa akin.

She rolled her eyes, "What!?"

"I just gave her what she deserved," she said without feeling any remorse. I never expected her to be capable of such cruelty.

How could anyone tolerate being around someone like her? I'm sure no one will be able to put up with her for long. Iyon marahil ang dahilan kung bakit siya iniwan ni Jude.

"I'm warning you, don't ever do that again, Hailey. Girlfriend siya ni Jude. You don't have a right para umarte pa ng gan'yan. You're not a kid anymore."

Halatang inis na inis si Hailey sa narinig na sermon kay Kean. Nakakunot ang noo nito at nakayukom ang dalawang kamao. Ang taas pa ng suot niyang heels. Sana lang hindi siya madapa mamaya.

"What the heck, Kean? Why are you saying this to me? Bakit mo siya kinakampihan, ha? Malandi 'yang babae na 'yan. Inagaw niya si Jude sa akin. Naiintindihan mo ba mo 'yon?" singhal niya at dinuduro-duro pa ako.

Hindi ko rin alam kung paano pero nasampal ko siya sa sinabi niya. Biglang gumalaw ang kamay ko nang marinig ang mga paratang niya. I don't care kung kaibigan pa siya ng bestfriend ni Kean o kung reyna siya ng school na 'to, dapat nga kanina ko pa ginawa 'yon. Hindi niya ako pinakain para sigawan at saktan.

"You have no right to speak to me like that. First of all, wala akong inagaw sa'yo. Second, we are not close and we will never be. Lastly, you don't know me, so be careful with what you're saying." I turned away from them when suddenly, he reached out and tugged at my hair again.

Ah, she's really looking for trouble.

"HAILEY STOP IT!" Kean stepped forward and placed himself between Hailey and I, determined to protect me from any further harm.

"No! Never. Hinding-hindi magiging sa'yo si Jude. He is mine, only mine!" she said firmly. Umalis na siya at ako naman naiwan doon nakatayo kasama si Kean. Napa-upo nalang ako at napapikit habang nakabunot sa sarili sa sobrang galit.


"Max, I'm sorry." Lumapit sa akin si Kean na nag-aalala sa nangyari.


"For what?"


"Hindi ko manlang naawat si Hailey kanina," sambit niya na halata ang pag-aalala dahil sa nangyari.


Umiling nalang ako, "Hindi mo kasalanan."


"It's my fault, bilin ni Jude bantayan kita habang wala pa siya," saad niya. Ngumiti nalang ako sa kaniya.


"Okay lang 'yon. Hindi naman ako gaanong nasaktan," sambit ko, habang sinusubukan itago ang sakit na naramdaman ko.

I hate lies pero ito ako nagsisinungaling para pagtakpan ang nararamdaman ko kasi ayaw ko naman sisihin ni Kean ang sarili niya sa nangyari. Nahampas na nga siya kanina ni Hailey sa galit.

"I'm really sorry, I'll promise pagsasabihan ko si Hailey," pagtitiyak niya.

Ang sakit but eventually matututunan ko rin na tanggapin 'yon pero hindi ako papayag na pinagbubuhatan lang ako ng kamay ng kung sino. I was taught to fight, lalo na kapag alam kong hindi tama ang ginagawa sa akin. But I realized, ang hirap pala ng ganito, 'yong pati sarili mo nagagawa mo na rin lokohin.

I don't know if there's anything worse than this, but this is my choice. This is where I studied, this is the world we chose. It just hurts sometimes.

The Rules of Love [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon