Astra Inclinant, Sed non Obligant (Part 1)

570 43 8
                                    

The stars incline us, they do not bind us.



NOTE: Lahat nang naka-italicize ay flashback ni Hannah.


"I was so scared on the first day of that school year. I am not used to interacting with people... more so with strangers," Hannah started. "It felt like I was a lost kitten in the big city. Wala akong kakilala. I was so uncomfortable. Hiyang-hiya ako sa bawat kilos ko. It felt like they're criticizing me with my every move. In my head, I was questioning myself. Paano kung iniisip nila na awkward at weird ako? Paano kung puro pintas sila sa akin? I don't know how to act. I want to make friends. I was sheltered my whole life so I want to enjoy living outside my comfort zone. But I don't have the guts and the confidence. Wala akong ibang mga kaibigan kundi mga pinsan ko. I was never good at socializing. And college life is stressing me out," she continued. "First day pa lang, pero parang gusto ko nang sumuko. Gusto ko na lang umuwi at mag homeschooling na lang ulit. And that's when I met him..."

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko habang maingat at tahimik na naglalakad papunta sa huling klase ko para sa araw na 'to. I kept my head bowed down. Nahihiya ako na tumingin-tingin sa paligid. I don't want to meet eyes with anyone. Baka kasi isipin nila na weird ako.

Stella said that I am socially awkward and weird. She told me that I should change my self. And college life will help me make new friends. This will be my fresh start. Binilinan n'ya pa nga ako na makipagkaibigan agad ngayong first day. Kapag daw kasi nakabuo na ng grupo-grupo ang mga ka-batch ko, mahihirapan na akog makisali.

During summer, I was so excited for this. I can't wait for the school year to start. I even imagined how I'll introduce myself to others. I want to make lots of friends. Ayoko na na tulad noong elementary na wala akong kaibigan maliban sa mga pinsan ko. In front of the mirror, I already practiced how I should smile. I want to be friendly and approachable.

But the real thing is different. Halos buong araw ko nang sinusubukan na magbukas ng usapan sa kahit na sino, pero hindi ko kaya. Nahihiya at naduduwag ako. At ngayon na huling klase ko na para sa ngayong araw, nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko yata talaga kaya.

Kanina ay may tumabi sa akin at sumubok makipag-usap. Natuwa ako at ngumiti ako sa kanya. Pero sadyang hindi ako magaling sa pakikipag-usap. I can't keep an active conversation. Dahil boring akong kausap at kasama, nagpaalam din sa akin si Risa at iniwan ako para makipag-usap sa iba.

Maliban kay Risa, may mga kaklase akong lalaki na tumabi at sumubok na makipag-usap sa akin. Ang problema ay hindi ako kumportable sa kanila. Naiilang ako na titig na titig sila sa akin. At hindi ko nagustuhan ang pangungulit nila na sabayan ko sila sa lunch.

Noong lunch ay sa school cafeteria ako kumain. May ilang lalaki na kumausap sa akin. May dalawa pa na sumabay sa akin sa pagkain. Hindi ako makakilos nang maigi dahil sa sobrang pagkakailang ko sa pagtitig nila. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata nila na parang tagos sa kaluluwa kung makatitig. At mas lalo akong nailang nang manghingi sila ng cellphone number ko. I ended up lying that I don't have one.

I am starting to think that interacting with people is not for me.

"Hi," a man approached me with a friendly smile. Sumabay s'ya sa akin sa paglalakad. "Are you a freshman?"

I bit my lower lip then slightly nodded. Mas yumuko pa ako at sinubukan na bilisan ang lakad.

"I'm Homer. Third year ME student. Ikaw, saang department ka?" magiliw na kausap n'ya sa akin.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba s'ya o ano. Kanina ay napipilitan akong sagutin ang mga kumakausap sa akin. At tuwing sinasagot ko ang mga katanungan sa akin, mas lalo akong nababalisa dahil may kasunod pa. At kung minsan ay masyadong mga personal na katanungan pa.

EPIPHANYWhere stories live. Discover now