Pro Bono

474 81 11
                                    

For the good


HANNAH

The next Monday after the bar incident, Selene showed up in the campus. 

"Hey, you good?" Selene asked after sitting beside me. 

I smiled at her then nodded. "Thank you."

Selene rolled her eyes. "Yeah. Just be careful. H'wag kang sumama sa mga hindi katiwa-tiwala."

I bit my lower lip. "Selene, can we be friends?" lakas loob na tanong ko. 

And I am praying real hard na sana ay tanggapin n'ya ako bilang kaibigan n'ya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang gustung-gusto ko na mapalapit sa kanya. In spite of all the gossips about her, I can feel that she's a genuine person. I can feel that she's a really kind and compassionate person.  

Selene gave me a shocked expression. "I just told you to be careful with trusting people."

Her reply made me smile. See, she cares for me. Alam ko na wala s'yang hidden motif sa pagsagip n'ya sa akin. May malasakit lang talaga s'ya. 

"I know that I can trust you. You saved me," siguradong-siguradong sabi ko. 

Nahihiya ako sa ginagawa ko ngayon, pero ang kagustuhan ko na maging kaibigan si Selene Amante ay nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. If I have to beg, I will beg her. 

What happened last Friday wasn't that traumatic for me. Maybe because I don't really felt threatened. Aside from being uneasy and awkward with Glaiza and the others, wala naman nang iba. Hindi yata masyadong nag-sink in sa akin iyong plano sana nila Owen dahil hindi nangyari. 

As Stella said, I'll charge it to experience. Hindi ko na ulit iyon gagawin. 

"You're unbelievable," Selene scowled. "If you want to be my friend, ayusin mo na muna ang pagsasalita mo. Para ka palaging bumubulong. I don't talk to people na boses ipis," taas ang isang kilay na sabi n'ya. 

She said that but she started going to school everyday to hangout with me. Palagi akong nakasunod sa kanya at sabay kaming kumain ng lunch at minsan ay pati dinner. Kung minsan din ay pumupunta kami ng mall para mag-shopping at manood ng sine. 

It's been two months since we became friends and I can see the changes I had. Selene is a bit loud and energetic. Dahil sa impluwensya n'ya ay napapadalas na din ang pagsasalita ko at nilalakasan ko na ang boses ko. She will always scowl at me kapag masyado akong nagiging mahiyain o tahimik. 

Hindi na rin ako nilalapitan ng mga bullies sa campus. Selene introduced me to Icen, and since I was spotted hanging out with them, hindi na ako sinubukan pa ulit na paglaruan o asarin ng mga kapwa estudyante. Alam ko na pinag-uusapan nila ako, at sinasabihan ng kung anu-ano, pero gaya ng sabi ni Selene, their words won't do any harm to me. Basta't h'wag ko lang papansinin ay senseless ang mga salita ng iba. 

When I told Selene that I am trying to learn how to bake, she said we can hang out on her place para maturuan n'ya ako. I already met her family. Mabait sila Tito Travis at Tita Hestia at welcome ako sa bahay nila. Pati ang Ate Tria at Kuya Levin n'ya ay hospitable rin sa akin. At syempre ang napaka-cute na pamangkin ni Selene na si Stan. 

Ang kaso lang, dahil sa dalas ng pagsama ko kay Selene, naging overprotective naman si Mommy sa akin. Pero sinabi ni Tita Tia na normal naman sa mga nanay ang ganoon at sinabi n'ya na ibalanse ko na lang. 

"Mom was worse than that, trust me," Selene rolled her eyes. 

Kumakain kami ngayon ng dinner na niluto namin ni Selene. Well... s'ya lang talaga ang nagluto at tinulungan ko lang s'ya sa paghahanda ng mga gagamitin. Pinanood ko ang mga ginagawa n'ya at sa susunod ay ako na ang susubok na magluto. 

EPIPHANYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon