Three

47.6K 1.2K 67
                                    

She got a body like an hour glass but I can give it to you overtime
She got a booty like a cadillac but I can set it into overdrive

Stop and wait, wait for that
Stop hold-up, swing your butt
See, anybody could be bad to you, you need a good girl to blow your mind

Nasa may Soccer field si Kai para doon mag-practice ng flaring. Bukas na ang individual presentation nila kaya naman kailangan niyang pagbutihin. Sabay sa tugtugin, inihagis niya sa ere ang tatlong bote at isinagawa ang mga exibitions niya. She also have some dance steps to incorporate to her routine.

Kailangan niyang pumasa, dahil fifty percent ng grade niya ito. Pinangako niya sa sarili na sa oras na makatapos siya sa pag-aaral at makahanap ng trabaho, aalis siya sa puder ng Uncle niya. Hindi na niya hahayaang diktahan at api-apihin pa siya ng dalawang iyon.

Bang bang into the room (I know you want it)
Bang bang all over you (I'd let you have it)
Wait a minute let me take you there
Wait a minute tell you...(ah)

Bang bang there goes my heart (I know you want it)
Back back seat of my car (I'd let you have it)
Wait a minute let me take you there
Wait a minute tell you...

As she was busy throwing and doing her moves, a loud cough made her stop. When she turned, she saw Isaac holding her ID.

"Duchess Kai T. Dimaano, BS HRM 4C." basa nito sa pangalan niya. She hates her first name. Masyadong pa-girl. She's no duchess. She's no royalty. Hindi talaga bagay sakanya ang pangalan niya. She prefers to be called 'Kai'. Imbis na maikli kung isulat sa papel, astig pa pakinggan.

"Akin na nga iyan!" asik niya sa lalaking manyak. Ibinababa niya sa may bench iyong mga boteng hawak niya at inagaw kay Isaac ang ID niya.

A smirk formed on Isaac's lips. "Duchess, huh? Nice name."

Umasim ang mukha niya at inirapan ang lalaking hindi matanggal ang ngisi sa mukha. Paniguradong nandito nanaman ito para singilin siya. Ang sabi pa nga nito ay ipapahuli siya sa mga pulis, pero dalawang araw na ang nakakalipas, wala pa rin. Pero araw-araw naman siya pinupuntahan ng hudyo at nang-aasar lang. Nakakirita.

"Wala nga akong pera, Isaac. Sinabi ko sa'yo, si Randolph ang hagilapin mo." inis na sabi niya. Inabot niya ang kanyang tuwalya at pinunasan ang pawis.

"Sabi mo nga, wala si Rudolph, ikaw ang nandito kaya ikaw nalang ang sisingilin ko," nakangiting sagot nito. Pumikit siya at huminga ng malalim. Kaunti nalang, isang suntok nanaman ang matatamo ng lalaking 'to sakanya.

Napailing nalang siya at hindi na nagsalita. Pinatay niya na ang tugtog na nagmumula sa phone niya at isa-isang niligpit ang mga gamit niya.

"Oh, bakit mo pinatay ang tugtog?"

"Tapos na kong mag-practice."

"That's the song you'll use? Kailan ang presentation mo? I should watch it." nakangising sabi ni Isaac habang pinaglalaruan ng daliri nito ang ibabang labi.

"Hindi ka invited." irap niya rito.

"Are you even aware that that song is a very, very naughty song? Actually, gusto ko nga ang message ng kantang iyan eh."

"Ano?" Pinagkunutan niya ng noo si Isaac. Ano ba'ng pinagsasasabi nito? Bakit ba sila napunta sa usapang kanta nina Jessie J?

Tumikhim si Isaac at tsaka lumapit sakanya. "Someday Dimaano, I would like to see you bang bang in my room, on my bed."

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon