Thirty-eight

41.1K 1K 67
                                    

Sinasabayan ng pagtapik ng daliri sa lamesa ang bawat segundong binibilang ni Kai. She was in her office...doing nothing. Marami naman siyang dapat trabahuin, pero ewan ba niya, wala siya sa mood. Lagi kasing sumisingit sa isip niya ang aksidenteng halik sa pagitan nila ni Isaac isang linggo nang nakakalipas.

Isang buntong-hininga ang ginawa niya nang maalala na naman niya iyon. Tulala siya nang makapasok siya sa bahay nila noong araw na iyon. Hindi nga niya masyadong binigyang pansin ang sermon ng dalawang kuya niya sakanya, kasi noong mga oras na iyon, parang sirang plaka ang utak niya at paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang nangyari.

At hanggang ngayon nga, ganoon parin ang nangyayari. She let out a frustrated groan and rested her head on her table. Ano na ba'ng gagawin niya? Mababaliw na ata siya.

Isaac won't talk to her. Halata na iniiwasan siya nito. Tatlong araw pagkatapos nang ihatid siya nito sa bahay, sinubukan niya itong kausapin dahil pumunta sila ng kambal nito sa opisina para kausapin ang Kuya King niya, pero hindi siya nito pinansin. Nagmamadali daw ito at kailangan na daw umalis. Tapos noong isang araw naman, siya ang kumatawan sa mga kuya niya nang magpatawag ng meeting sina Dami tungkol sa bagong campaign nila. Wala nga siyang masyadong naintindihan sa meeting na iyon dahil nakatuon ang buong atensyon niya kay Isaac. He was ignoring her, as if she doesn't exist in his life.

And honestly, it's hurting her. Masakit palang balewalain ng taong mahal mo. Ganito ba ang naramdaman ni Isaac nang magising ito nang wala siya sa tabi nito? Hindi niya alam. She refused to remember the past. Iyon ang mas mabuti dahil baka bumalik na naman ang trauma niya. At sigurado siyang ayaw niya na maranasan ulit iyon.

Napagdesisyunan niyang tumayo at umalis nalang sa office. Hindi naman na nagfa-function ang utak niya. Mabuti pang lumayas at magliwaliw nalang siya. She found herself at a mall, nagshopping siya ng ilang mga damit tapos bumili siya ng paborito niyang muffins. Habang nag-iikot ay namataan niya si Isaac sa isang fashion boutique. Nasa labas ito at bakas sa mukha ang pagkainip. She smiled. Na-miss niya ito kahit pa noong isang araw lang ay nakita niya ito.

Lumapit siya rito. "Hey." bati niya rito.

As usual, a scowl in his face greeted her. "Sinusundan mo ba ako?"

Natawa siya sa aksasyon nito. "Grabe siya. Hindi ba pwedeng nagkataon lang na nagkita tayo?"

"You should be at work." seryosong sabi nito sakanya.

"You should also be at work, ano'ng ginagawa mo sa tapat nito?"

And to answer her question, a sophisticated woman went out from the boutique and walked towards them. Kitang-kita niya ang paghagod ng tingin nito sakanya habang nilingkis nito ang kamay sa braso ni Isaac.

"I'm done, babe." sabi nito kay Isaac at saglit siya muling tinignan nito. Tapos ay bumaling ulit kay Isaac. "Are we going? May pinag-uusapan pa ba kayo? I can wait."

"No. We're done talking. Let's go." sagot ni Isaac at hindi man lang siya nito tinignan muli.

"Isaac..." tawag niya sa lalaki bago pa man makaalis ang dalawa.

Natigil sa pag-alis ang mga ito. Nakatalikod sakanya si Isaac habang ang babaeng kasama nito ay nilingon siya na may pagtataka sa ekspresyon. Tapos ay tinignan nito ang si Isaac na hindi siya nililingon pero nakatigil.

"Wala, go ahead. Enjoy your date." pilit niyang ginawang kaswal ang tono para hindi mahalata na naiiyak na siya. Pagkasabi noon ay nginitian niya lang ang babaeng kasama nito, tapos nagmadaling umalis na.

-----

"She thought we're on a date." natatawang sabi ni Dominique kay Isaac.

Hindi pinansin ni Isaac ang sinabi ni Dominique at sumimsim lang sa kape niya at pinagpatuloy ang pagtingin sa design ni Dominique para sa bahay niya.

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon