Five

45.4K 1.1K 60
                                    

Papikit-pikit na si Kai habang nakikinig sa manager ng The Santillan's - ang restaurant na pagtatrabahuhan niya. Nang makarating sila ni Isaac dito, isang lalaki ang sumalubong sakanila na nagpakilala bilang manager ng restaurant. Pinasama siya nito sa loob ng opisina nito para daw i-orient siya sa mga patakaran at pamamalakad ng restaurant.

"That's all there is to know, Ms. Dimaano. Do you have any questions?" pormal na tanong sakanya ng manager.

Humikab siya at umiling. "Wala na po." Tumayo na siya at nag-inat. "Magsisimula na ba ako ngayon?"

Nakakunot ang noo na tinitigan siya ng manager. Bumuntong-hininga ito pagkatapos ay kinuha ang isang paper bag at ibinigay sakanya.

"That's your uniform. I was informed by Mr. Santillan that both you will start today. "

Inabot ni Kai ang paper bag at sinukbit sa balikat niya. "Both? Sino 'yung isa?"

"Sir Isaac Ford." sagot nito sakanya.

-----

Hindi magkaugaga si Kai sa pagbaba ng fitted skirt na uniporme niya. Bakit naman kasi ang ikli ng itim na palda 'to? Ang kati-kati pa ng itim na stockings na kasama rin pala sa uniporme. Tapos kailangan pa na may takong ang black shoes nila. Nasasakal na rin siya sa scarf na naka-ikot sa leeg niya. Iyong totoo, sa isip-isip niya, ang arte lang ng nag-pauso ng ganito.

Isa pa 'tong si Isaac. Kanina pa rin niya hinahanap ang lalaki kaso hindi niya makita. Gusto niya itong tanungin kung bakit magtatrabaho din ito? Ang alam niya ay siya lang at tumulong lang ito.

"Miss!" tawag ng isang customer sakanya habang taas-taas nito ang kamay nito.

Agad naman siya lumapit at nginitian ang matandang babae na siyang tumawag sakanya. "Yes ma'am, may I take your order?"

"Yes please, I'll have one of this, and one of this..." sabi sakanya ng matanda habang itinuturo nito ang mga litrato ng pagkaing gusto nito. "Please tell the chef to have my steak medium rare." huling sabi nito.

Tumango siya at sinulat lahat ng mga inorder nito. Inulit niya ang bawat pagkaing sinabi ng matandang babae. "Would you like a glass of wine with your meal, ma'am?"

Umiling ang matanda. "No thanks, warm water will do."

"Okay ma'am, we'll just serve you your meal when it's ready."

Ibinigay niya na ang order ng matandang babae sa kitchen para mai-ready na. Nang marinig siya uling tumatawag ng waiter ay mabilis naman naglakad siya upang i-assist kung sinuman ang tumawag, kaya lang namali siya ng tapak at hindi nabalanse ang pagtayo niya kaya naman kamuntikan na siyang matumba kung hindi lang sa sumalo sakanya.

"I got you." sabi ng sumalo sakanya.

Bumungad sakanya ang mukha ni Isaac na nakangiti ng malaki sakanya. Maingat siya nitong itinayo at pinaupo sa stool. He went down on his one knee and pulled up her right foot. He gently squeezed it which made her wince a little.

"Masakit?" tanong nito.

Umiling naman siya. "Hindi naman masyado. Naipitan lang ako ng ugat, mawawala din iyan mamaya."

Napapalatak si Isaac habang inaalis ang sapatos niya sa kanang paa. "Mag-iingat ka kasi. Marami namang waiter ang naka-stand by. Hindi kailangang tumakbo."

Hindi siya sumagot sa sinabi ng lalaki, bagkus, pinagmasdan niya ito sa ibaba niya. Hawak-hawak nito ang paa niya at dahan-dahang minamasahe. Kahit na nakasuot ito ng uniporme ng waiter, hinding-hindi maikakaila na mukhang mayaman talaga ito. In fact, Isaac looks like a young businessman with his black pants and white long sleeve polo under his black vest, partnered with a red necktie.

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon