Eleven

40.9K 1.1K 64
                                    

Tahimik lang si Isaac sa kabuuan ng dinner nilang pamilya. Ilang beses narin siyang napapansin ng Mommy niya dahil sa pagkaka-space out niya. Naiinis kasi siya. Hindi niya alam kung ano ang ayaw sakanya ni Kai. He never begs for a girl. Sanay siyang sila ang lumalapit o 'di kaya'y mabilis niyang mapa-oo. But, Kai is different from those girls.


"Anak, mag-usap nga tayo." bungad sa kanya ng Mommy Mitch niya. Nasa may terrace siya ng kanilang bahay at nasaktong mag-isa siya. He knows that his Mom would pry.



"What's up, Mom?" sabi niya.


"Anak, umamin ka nga sa'kin. Nagda-drugs ka ba?"


Natigilan si Isaac sa narinig mula sa Mommy niya. Nanlalaking mata niya itong pinagmasdan na baka mali lang siya ng pagkakarinig o 'di kaya'y nagbibiro lang ang Mommy niya. But damn, her Mom's face is so serious. He cleared his throat.


"No, Mom. I'm not on drugs. What made you say that?" he answered with disbelief.


Huminga ng malalim ang Mommy niya na para bang nabunutan ito ng tinik sa dibdib. "Nag-aalala lang ako sa'yo. Ang tahimik mo kanina. May problema ka ba, anak?"


Bumuntong-hininga siya at umiling. "Wala, Mom. Don't worry about it."


Hinawakan ng Mommy niya ang kanyang kamay. "I know it when you are lying. I am your mother. Kabisado ko na kayong mga anak ko. Pero, malalaki na kayo. Hindi ako mangingialam, basta kapag kailangan niyo ako, nandito lang si Mommy."


Sandaling nawala si Kai sa isip niya at napalitan ito kung gaano siya kaswerte sa Mommy niya. Ngumiti siya sa Mommy niya at niyakap ito. "Thanks, Mom."

There are two women in his life that he will never dare to hurt, and those are his Mom and her sister Michelle. Pero sa tuwing naiisip nanaman niya si Kai, may tumutulak sakanyang isama ito sa hindi niya sasaktan.


Kai is mysterious. Most of the times, he wants to crack her head open just to know what is she thinking. He would give a thousand bucks just to see her smile again. Oh, Kai and the things he would do to her.

Does he like her? Yes, definitely.

Does he want her? Yes, of course.

Does he love her? No, no.

Is he falling for her? Yes, maybe? I don't know.


You see, these feelings are new to him. Marami na siyang naka-date. Marami ng babaeng dumaan sa buhay niya. He tried to get serious with them, but none of them got his interest. It's always been the lust which both parties enjoyed.

Natagurian siyang playboy dahil sa dami ng babaeng dumaan sa buhay niya. He doesn't mind. Opinyon ng mga tao iyon. Hindi niya kailangan ipaliwanag ang sarili niya. Pero tangina, sana pala nilinaw na niya simula palang. Kung alam niya lang na magkakaroon ng Duchess Kai Dimaano sa buhay niya, sana umiwas na siya sa mga babae.

He just wants to find a woman that he will go crazy for. He wants to find his own Mitch Toledo-Ford. Naiinggit siya sa Daddy niya sa tuwing nakikita niya ito at ang Mommy niya na sobrang sweet na akala mo'y nasa early twenties pa rin. He wants that kind of love. Pinalaki silang magkakapatid na puno ng pagmamahal. He believes in love, so he seeks to find one.

But now that he thinks there's a chance of love with Kai, ito naman ang lumalayo.

Well, it's really true. Karma is really a bitch.

Pero walang laban ang karma sakanya. Walang karma-karma kay Johannes Isaac Ford.

If he wouldn't get Kai with his gentleman side, maybe he can get her with his wicked side.

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon