Prologue

94.3K 1.7K 79
                                    

Malakas na nagtatawanan si Isaac kasama ang kanyang mga kaibigang sina Marky, Adam at Calix sa tapat ng booth ng basketball team.

"Kawawa naman si Emerald, iniwanan mo nalang basta?" sabi sakanya ni Adam.

Si Emerald ang girlfriend niya. Well, ex-girlfriend to be specific. Kanina lang ay nakipaghiwalay na siya rito. Maganda si Emerald, sexy, at willing to have sex with him. But heck, he thought that it's going to be smooth between them when he learned that Emerald was just all about the fame.

"Shit man, that girl is crazy! She likes my surname, not me," simpleng sagot niya.

Ilang minuto lang ay dumating na ang kambal niyang si Dami kasama si Calvin. Nagtanguan silang lahat at sumama na si Dami at Calvin sa usapan nilang magbabarkada.

"Akala ko ba may date ka?" tanong ni Calix kay Dami.

Lahat sila ay tinignan si Dami. Kanina, may kabadingan na naisip ito at kinuntsaba pa silang magkakaibigan. Isa-isa silang nag-abot ng mga lobo kay Chiara para lang maihatid ang mensahe ni Dami na ayain sa dinner. Iyon lang. Some gay shits of his twin.

"Magkikita kami mamaya," tipid na sagot nito sakanila.

"Pagbilan nga ng token," pukaw ng isang lalaki sakanila.


Natigilan muna sila sa pagkekwentuhan at pinagbilhan muna iyong lalaki. Nakaupo siya sa lamesa kaya siya na ang nag-abot sa drawer kung saan naroon ang mga tokens. Binigay niya iyon sa lalaki pero napukaw ng atensyon niya ang isa sa babaeng kasama nito.

"Hi, miss?" bati niya sa babaeng morena na may pulang buhok na hanggang balikat lang.

Tinaasan siya nito ng kilay at tsaka tinanguan lang. Sa ginawa nito, mas nakuka pa nito ang atensyon niya. That girl is so weird. Naka-bullcap ito na pabaliktad ang suot. Nakaitim na oversized shirt na may print na malaking ekis. Nakapants at rubber shoes. She's so boyish yet he can see her beauty.

Hanggang sa makaalis ang grupo nito, sinundan parin niya ito ng tingin. Mukhang napansin naman siya ng mga kaibigan.

"Ayan na naman ang tinging manyak mo," natatawang sabi ni Marky.

Napangisi siya at pinaglaruan ang ibabang labi. "You know her?"

"Nakikita ko siya lagi sa tapat ng College of Home Economics," sabi ni Calvin.

"Her name?" tanong niya rito.

Nagkibit-balikat naman si Calvin. "Don't know and don't care."

Napangisi siya lalo. Why does he think that that girl is so mysterious?

"Wanna bet?" tanong niya sa mga kaibigan.

Napangisi naman si Marky habang napailing ang kakambal niya. Unang nagsalita si Adam. "Ask her on a date, kapag pumayag, ibibigay ko number ni Janine, kapag hindi, aba'y water boy ka ng team next week."

Malakas na nagtawanan sila Dami at nakipag-apir pa kay Adam. Napapalatak siya. "Chicken mga 'pre. Tara," aya niya sa mga ito.

Sabay silang lahat lumapit sa grupo ng babae kanina. May kasama itong dalawang lalaki na parehong naglalaro na ng basketball arcade habang kakwentuhan naman ng babaeng mysteryosa ang isa pang babae na nakaitim na sando at maraming hikaw sa tenga.

"Hi, miss," bati niya ulit sa babaeng mysteryosa.

Tinignan lang siya nito at tinanguan tapos ay ibinalik na ang tingin sa kausap. Narinig niyang nagtawanan ang mga kaibigan niya sa likuran niya dahil sa ginawang pangbabalewala ng babae. Pero alam na alam na niya ang ganitong mga taktika ng mga babae. Ang taray sa una, pero sa loob ng mga iyan ay kinikilig na.

Tumikhim siyang muli at nakuha nanaman ang atensyon ng babae. "I just can't help myself but to notice you. Hi, I'm Johannes Isaac Ford." then he led out his hand for shake.


Napangiti siya nang abutin iyon ng babae. "Nice meeting you, 'bro."

Tumaas ang dalawa niyang kilay sa asal ng babae. Nakapamulsa ang isa nitong kamay sa bulsa ng pantalon at tinapik lang ang kamay niya. At teka, 'bro? 'Bro ang tawag nito sakanya.


"Ah... well anyway, pwede bang ayain kang kumain sa labas?" agad na tanong niya. Medyo naaasiwa narin kasi siya sa tingin ng mga kasama nito.


"Hindi ako nakikipagdate," diretsong sabi nito.

Fuck, mukhang mahihirapan siya rito ah. Hindi siya pwedeng matalo sa pustahan nilang magkakaibigan. Tiyak na pagtitripan siya ng mga ito kapag naging water boy siya ng buong team kaya naman nag-isip siya ng paraan para siya ang lamang.

"Say, sweet. Let's play a game, kapag nanalo ako, you'll have a date with me," kampanteng sabi niya.


"At kapag ako nanalo?" nakataas ang kilay na sabi nito.

Gusto niyang matawa dahil asa namang mananalo ang isang babaeng kagaya niya sa laro ng basketball, pero sige. Pagbibigyan niya ito. "Ano ba'ng gusto mo?"

"May kotse ka ba?"

"Yes, of course. Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Ano'ng plate number?"

"JIF 152. Bakit?"

"I'll have your car for a week."

Napangisi siya at nilahad muli ang kamay. "Deal."

Ngumisi rin ito at nakipagkamay sakanya. "Call."

Kaya ang nangyari ay nakaagaw sila ng atensyon sa mga estudyante dahil narin sa pustahan na pinauso ni Marky. Nagpa-practice siyang mag-shoot at nang tignan niya ang babae ay prenteng nakaupo lang ito sa isa sa mga basketball arcade at minamasahe pa ng kaibigan ang balikat nito.

Nang wala nang humabol sa pustahan, nagsimula na ang laro nilang dalawa. He's confident na siya ang mananalo kaya naman medyo binabagalan niya pa ang shoot, pero tangina! Hindi niya inaasahan ang sumunod na pangyayari, sunod-sunod na shoot ang ginawa ng babaeng 'yon. Malakas ang sigawan lalo na't maungusan na ng babae ang score niya.

Napatulala silang magkakaibigan nang manalo ang babae. Literal na napanganga sila habang nakikitang nakipag-apir ang babae sa mga kaibigang kasama. Lumapit ito sakanya at inilahad ang palad.

"Akin na ang susi ng kotse mo."

Napalunok siya at dahan-dahang ibinigay ang susi ng kotse niya. "Sure kang ayaw mong makipagdate sa'kin?"

"Tsaka na kapag natalo mo na ako. Sa ngayon, akin na ang susi ng kotse mo," nakangising sabi nito.

Wala siyang nagawa at tuluyan nang ibinigay ang susi. Nang naglakad na ito paalis ay hinabol pa niya ito.

"Wait! Hindi mo man lang ba ibibigay ang pangalan mo?"

Tinaasan siya ng kilay nung babae. "Bakit ko ibibigay? Hanapin mo nalang ako pagkatapos ng isang linggo sa buong campus. Makikita mo rin naman siguro ako. Sige, 'pre! Salamat!" sumaludo ang babae sakanya at tsaka tuluyang umalis.


"The fuck, 'bro! Natalo ka ng babae?!" sigaw ni Marky.

"Don't state the obvious. Nakikita mo namang iiyak na si Isaac." asar ni Calvin.

"Fuck you!" sigaw niya rito at padabog na umalis.

He can't believe that a girl beat him in a basketball game. Tangina, babae, natalo siya?!

-----------

VOTE AND COMMENT!
Follow me @kendeyss

#TeamIsaacAndMysteryGirl

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon