Twenty-three

34K 874 38
                                    

Hindi maialis ni Kai ang ngiti sa mga labi habang binabasa ang text ni Isaac sa kanya. Simpleng "Good Morning. I love you. :)" lang ang itinext nito ngunit sobrang kilig na ang nararamdaman niya. Linggo ngayon kaya hindi sila muna magkikita. Well, siya ang nag-insist dahil araw-araw na silang magkasama, ayaw naman niyang magkasawaan silang dalawa.

Nagreply lang siya tapos ay bumangon na at kinuha na ang lahat ng labahan at idinala sa likod-bahay kung saan siya maglalaba.

Pakanta-kanta pa siya habang kinukuskos ang damit na hawak niya nang marinig ang malakas na tikhim ng Uncle Miguel niya. Nilingon niya ito at nakitang naka-ngisi ito habang hinihithit ang sigarilyong hawak, katabi naman nito ang Auntie Cora niya na parang ineeksamin siya.

"Mukhang masaya ka ah. Malaki ba binibigay sa'yo ng nobyo mo?" mapanuyang tanong sa kanya ng Uncle niya.

"May ipaguutos po ba kayo?" pag-iiba niya sa usapan nila.

Napansin niya ang paglaki ng ngisi ng Uncle niya habang mas lalong tumaas naman ang kilay ng Auntie niya. Lumapit sakanya ang Auntie niya at nakaramdam siya ng kaba. Hinaplos nito ang kwintas na suot niya na bigay ni Isaac.

"Ang ganda nito ah? Bigay niya?"

Kahit na parang normal lang ang pagtatanong nito, alam niya na may ibang dahilan ang tanong nito. Napahawak siya sa kwintas at sinikap na itago. Lumayo siya ng kaunti sa Auntie niya.

"Ah- regalo niya sa'kin." tipid na sagot niya at tumalikod na para ipagpatuloy ang paglalaba.

"Tiba-tiba ka talaga diyan kay Isaac. Biruin mo, binigyan ka ng mamahaling alahas." narinig niyang komento ng Uncle niya.

Napangiwi siya nang haltakin ng Auntie niya ang braso para itayo at iharap rito. "Pero siyempre, hindi ka dapat nakakalimot, Kai. Ambunan mo kami ng yamang natatamasa mo."

"Hindi ako binibigyan ng pera ni Isaac kung iyan ang tinutukoy ninyo." matigas niyang sabi.

Tumawa sa harap niya ang Auntie niya at tumingin saglit sa Uncle niya tapos ay binalik ang tingin sa kanya. "Tignan lang na'tin, Kai."

Nang makaalis ang mga ito, tsaka niya lang nalaman na nagpipigil ng hininga dahil ganoon na lamang ang pagbuga niya ng hangin nang matapos ang komprontasyon na iyon. Hinawakan niya ang kwintas na bigay ni Isaac. Gusto niyang maiyak, pero hindi dapat. Hindi siya mahina. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa harap ng mga umampon sakanya dahil kakayan-kayanin lang siya ng mga ito ulit.

Kailangan niyang ilayo si Isaac sa Uncle at Auntie niya. Huhuthutan at huhuthutan ng mga ito si Isaac at hindi niya gustong mangyari iyon, lalo na't hindi malabong mangyari na pagbigyan ni Isaac ang mga ito kung sakaling manghingi man.

------

"Gusto mo manuod ng sine?"

Tinitigan niya lang si Isaac nang magsalita ito sa harap niya. It's already six in the evening pero nandito parin sila sa library dahil may tinatapos siyang term paper na kailangan sa isang subject niya. Si Isaac naman, kaninang two pa ang uwian pero may practice ang varsity na katatapos lang tapos ay dumiretso ito sakanya at ito nga, nangungulit na mag-date daw sila sa mall.

"Hindi pa ako tapos." sabi niya tapos ay iminuwestra ang mga nagkalat na papel at libro sa lamesa.

"It's okay, last full show nalang ang panuorin na'tin." nakangiti nitong sabi.

"Hindi ka talaga papayag na hindi ka masunod, ano?"

Umiling ito at pinaglaruan ang mga daliri niya. "Gusto kitang makasama pa eh. Kaya manuod na tayo, ano ba'ng gusto mo? Pitch Perfect 2? Para sa hopeless romantic? Sige, kahit corny para sa'kin ang mga 'yun, papayag akong manuod para sa'yo."

Inihilamos niya ang kamay sa mukha ni Isaac dahil nag-iinarte nanaman ito. "Ang drama mo ah. Daig mo si Agnes sa Forevermore. Masyadong pabebe. Next time nalang, hindi ako pwedeng magpagabi dahil maaga pa pasok ko bukas."

"Sure ka? Last offer na 'to." nakakalokong sabi ni Isaac sakanya.

Natawa siya sa ka-cute-an ng nobyo. Pinisil niya ang ilong nito. "Opo. Next time nalang ha?"

Hindi naman na nagpumilit pa si Isaac at inihatid na siya pauwi pagkatapos. Nasundan pa ng iilang araw ang uwi niya ng gabi dahil malapit narin ang finals at puspusan na talaga ang pag-aaral niya. Hindi siya pu-pwedeng bumagsak. Ayaw na niyang ma-delay pa ang pag-graduate niya.

Nahihiya na nga siya kay Mrs. Ford dahil hindi na siya nakakasama sa mga charities na pinupuntahan nito. Mabuti nalang at mabait ang Mommy ni Isaac at naiintindihan naman nito ang rason niya.

"Hey, I'm sorry... I can't pick you up because something came up in the office, pinatawag kami ni Dad. Sa driver nalang kita papasundo."

"It's okay, Isaac. Kaya ko naman na umuwi. Tapos na rin naman ako. Mako-commute nalang ako. Aabalahin mo pa ang driver niyo."

"No, gabi na. Ipapasundo na kita. Okay? Please. Para hindi ako mag-alala."

Para siyang tanga na nakangiti sa sarili dahil sa naririnig mula kay Isaac. "Okay, sige."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Isaac sa kabilang linya. "Thank you. I got to go. Text mo ko kapag nakauwi ka na ha? I love you po."

"Okay po. I love you din."

Hindi parin maalis sakanya ang mapangiti. Everything Isaac do makes her giddy. Hindi na nga niya alam kung ano ang nangyayari sakanya dahil kahit sa simpleng pag-sinok nga lang ata ni Isaac ay kinikilig siya. Ganoon ang epekto sakanya ng nobyo.

Pagkaligpit niya sa mga gamit niya, dumiretso na siya sa may main gate para doon nalang hintayin ang susundo sakanya. Kilala naman niya ang driver nila Isaac.

May mga iilang estudyante pa na nasa campus, iyong iba siguro ay iyong mga estudyanteng nagdodorm sa vicinity ng campus.

Napatigil siya sa paglalakad nang maramdaman na naman niyang may sumusunod sakanya. Ito na naman ang pananayo ng balahibo niya. Iba na talaga ang kbang nararamdaman niya.

"Isaac?" tawag niya sa kawalan. Baka kasi mamaya ay niloloko nanaman siya ni Isaac at susurpresahin.

Kumunot ang noo niya nang may naaninag siyang lalaki na palapit sakanya. Medyo madilim sa hallway kaya mahirap para sakanya ang aninagin ang mukha nito pero habang papalapit ng papalapit ang lalaki ay nakilala niya na ito.

Siguro bakas na sa mukha niya ang pagkagulat sa nakikita. Hindi niya alam kung bakit siya kinilabutan nang ngitian siya nito.

"Hi, Kai." nakangiting bati ng lalaki sakanya.

Hindi kaagad siya nakasagot dahil gulat na gulat parin siya sa nakikita. Paanong? Bakit nandito siya?

"R-Randolph."

------------

Ano? Naalala niyo pa si Randolph? Hahaha.

VOTE AND COMMENT :)
Follow me @kendeyss

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon