Seventeen

35.4K 1.1K 51
                                    

Short update. Wala kasi ginagawa sa office. :)

----------------

Naglalakad si Kai papuntang CHE building nang harangin siya ng isang matangkad na babae. Medyp pamilyar ito sakanya kaya lang hindi niya mawari sa isip kung saan niya ito nakita.

Napataas ang kilay niya nang tignan siya ng babae mula ulo hanggang paa. Aba't kinukutya ata siya ng babae.

"What did he saw in you? You're just...so plain." sabi ng babae na may bahid pa ng pagkadisgusto sa boses nito.

Tumaas ang parehong kilay niya nang makilala kung sino ang nasa harap niya ngayon. Ito iyong babaeng kahalikan ni Isaac sa noong practice game nito.

"Boyfriend mo ba si Isaac?" mataray na tanong nito.

"Hindi." mabilis na sagot niya at tsaka tumalikod sa babae. Hindi na niya inabala ang sarili para kilalanin ito dahil hindi naman niya gusto, pero sinundan siya ng babae at sumabay sa kanyang paglakad.


"Well, if he's not your boyfriend, then ano ka niya? Flavor of the month?"


That stopped her in her tracks. Nilingon niya ang babaeng tinitignan parin siya mulo ulo hanggang paa na para bang hindi ito makapaniwala sa nakikita.


"Sino ka ba? At tsaka, bakit ba curious na curious ka sa kung ano ang relasyon ko kay Isaac? Girlfriend ka ba niya?" maangas na tanong niya. Aba, kung patuloy pa siya inisin nitong babae, papatulan talaga niya 'to. Suntok kaagad sa nguso ang isasalubong niya rito.


"Hindi. I'm not his girlfriend."

"Oh, eh hindi naman din pala eh! Eh, ano pa ba'ng pinag-uusapan natin dito?!"


"But let's just say I have a romantic relationship with him." mayabang na sabi nito sakanya. Sa kaloob-loobang nia ay kanina pa niya binanatan ang babae, kaya lang nasa school grounds sila. Tatlong buwan nalang, ga-graduate na siya. Ayaw naman niya maudlot iyon.


"Pero these days, ayaw na ni Isaac. He doesn't want to play anymore. Then, many students saw you with Isaac." patuloy nito.

Bumuntong-hininga siya. "Look, paniwalaan mo kung ano ang gusto mong paniwalaan, o mas maganda, si Isaac nalang ang tanungin mo."

Hindi na niya hinintay pang magsalita iyong babae at mabilis na iniwan ito. Dumiretso siya sa restroom. Iyan ang napapala niya sa pagdikit kay Isaac. Maski ang kapayapaan ng College life niya ay naapektuhan na.

Pagkatapos ng klase niya ay nagulat siya nang makita si Isaac sa labas ng room niya. Nang makita siya nito ay agad itong umayos ng tayo at nilapitan siya.


"Hinarang ka raw ni Ivy?" nag-aalalang tanong nito. Kinuha pa nito ang magkabilang braso niya at tinitignan iyon. "Ano ginawa niya sa'yo?"


Binawi niya ang kanyang braso at tinignan si Isaac. "Teka nga, sino ba si Ivy? Ano ba'ng pinagsasasabi mo?"

"May nakakita raw sainyo na nag-uusap ni Ivy sa may bulletin board. Ano'ng sabi niya sa'yo?"

Ivy pala ang pangalan nung babaeng humarang sakanya kanina. Inalis niya muli ang mga kamay ni Isaac sa braso niya. "Wala. Nag-usap lang kami. Wala siyang ginawang masama."


Kumunot ang noo nito. "Sigurado ka? Kinausap ka lang ba talaga niya?"

"Oo, Isaac. Kinausap lang niya ako. Huwag ka nga OA."

"I'm always over reacting when it comes to you. Ayokong saktan ka ng mga nakaraan ko." seryosong sabi nito.

Nakarinig siya ng mga impit na tili at buntong-hininga sa paligid nila. Nakalimutan niya na nasa tapat lang sila ng room niya at may mga estudyanteng nakikiusyoso. Mabilis na naglakad siya palayo. Sinundan naman siya ni Isaac.

"Saan ka pupunta?" habol nito sakanya.

"Away from you." sagot niya.

"You know you can't get away from me, Kai. I will always be glued to you." mapanuksong sabi nito.

Mabilis na umagapay ito sakanya at hinawakan ang kamay niya. Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak nito pero hindi niya kaya dahil sa higpit.


"Girlfriend ko." sabi ni Isaac nang may makasalubong silang mga estudyante.

Nanlaki ang mga mata niya at pinalo si Isaac sa bibig. "Ano'ng pinagsasabi mo diyan?! Bitiwan mo nga ko!"


Pero imbis na pansinin siya nito, patuloy lang ito sa pagngiti at pagsasabi na girlfriend siya nito sa mga estudyanteng makakasalubong. Siya naman ay umiiling at ibinabaligtad ang sinasabi ni Isaac.


"Isaac, bitawan mo ko. Ang sakit na ng hawak mo." sabi niya.

Akala niya bibitawan na nito ang kamay niya pero iniangat lang niya iyon at dinala sa labi nito. Bumilis ang tibok ng puso niya nang naramdaman ng balat niya ang lambot ng labi at init ng hininga nito.


"Sorry." sabi nito na may maliit na ngiti sa labi.

Saglit na tinitigan niya si Isaac na ngayo'y patuloy parin sa pagbabalitang girlfriend siya nito.

Ang gwapo ng mokong.

Naalis niya ng tingin sa mukha nito.

Punyeta, ano'ng sinabi niya?!

-----------

VOTE AND COMMENT.
Follow me @kendeyss

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon