Thirty-nine [1]

42.7K 1K 54
                                    

Maagang nagising si Kai dahil may meeting siya with Isaac. Kahapon lang sinabi sakanya ng Kuya King niya na si Isaac ang makakasama niya sa project na kinauugnayan ng pamilya nila. She was excited- no, she was beyond ecstatic!

Nasaktan man siya sa nakita niya noong isang araw na may kasamang babae si Isaac sa mall, wala na iyon. Baka fling lang iyon ni Isaac. Ang dapat pagtuonan niya ng pansin ay ang paghingi ng tawad kay Isaac sa lahat ng nagawa niya rito.

Mula sa kanyang jewelry box, inilabas niya ang kwintas na bigay sakanya ni Isaac noong college pa sila. Naalala pa niya kung paano itinapon ni Isaac ang kwintas na ito dahil ayaw niya tanggapin, pagkatapos ay naguilty siya kaya naman lumusong siya sa malaking fountain at hinanap ang kwintas. Napangiti siya kung paano siya umiyak at umamin na mahal niya si Isaac nang gabing iyon. She still remembers the exact words they said...

"Sa'kin parin ba ito?" tukoy niya sa kwintas.

"Of course baby, it's still yours. And I'm yours."

Napabuntong-hininga si Kai.

He's not hers anymore.

But, she wants him back. God, how badly she wants Isaac to be ers again. Gusto niya ulit maramdaman kung gaano kasarap mahalin ng isang Johannes Isaac Ford. Kung gaano ito kaalaga. Namimiss niya na ang pagiging clingy nito sakanya. Ang mga green jokes nito, ang taglay nitong kalandian sa katawan, ang halik nito... God, how much she wanted to taste those sinful lips again.

Naputol ang pagpapantasya niya nang tumunog ang phone niya. It was Isaac who's calling!

She cleared her throat befor answering. "Yes?"

"Where the fuck are you? It's already five minutes past nine!" singhal nito kaagad sakanya.

Mahina siyang napamura. "I'm on my way. Traffic lang. Sorry." palusot niya.

"Bilisan mo! I'm busy!"

Hindi na siya nakasagot dahil basta nalang siya nito binabaan ng telepono. Mabilis ang kilos niya at nagpadrive na sa driver nila papunta sa opisina ng mga Ford. Lakad-takbo na ang ginawa niya nang makarating sa building kung saan gaganapin ang meeting nila ni Isaac.

Hingal na hingal siya nang salubungin siya ng sekreterya ni Isaac.

"Miss Reynolds, kanina pa po niya kayo hinihintay." may bahid na pagkatakot at pag-aalala ang boses nito.

Huminga lang siya ng malalim at nginitian ang sekretarya. "I'll take it from here."

She composed herself and went inside Isaac's office. As usual, hindi ito nakangiti nang pumasok siya. If looks could kill, she'll be dead by now.

"How unproffesional Miss Reynolds, one hour kang late." mariing wika nito.

"I'm so sorry, Isaac. Hindi na ito mauulit."

"Sana lang dahil hindi ko kayang makipagtrabaho sa mga taong iresponsable at walang isang salita."

His words pierced through er heart. She was affected. Feeling niya, may ibang ibig sabihin ang sinabi nito or was it just her guilt assuming?

Halos dalawang oras ang itinagal ng meeting nila ni Isaac. From the location of the new hotels, to the material that will be used in construction. Lahat iyon ay fininanlize nila para by the end pf the month, masimulan na ang construction.

"Let's have lunch." biglaang sabi ni Isaac tapos nauna na itong lumabas.

When he mentioned lunch, bigla nalang kumalam ang sikmura niya. Medyo gutom na nga siya. It's already past twelve, kaya naman agad siyang sumunod kay Isaac. Nakita niya itong kausap ang sekretarya nito. Nang makita siya ni Isaac, may sinabi lang ito sandali muli sa sekretarya nito tapos ay binalingan siya.

Tell Me How To Love [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon